EPILOGUE
NAPAHIYAW si Lucie nang bigla na lang siyang pangkuin ni Jaime. Nagsasayaw ang mga mata nito sa labis na katuwaan. “Ano bang nangyayari sa iyo?” tanong niya. “Bakit sobrang saya mo yata ngayon?”
“Love, natagpuan na ng mga rescuers sina Yanie!”
“Oh, thank God!” Nag-init ang sulok ng mga mata niya sa labis na tuwa at pasasalamat. Nahaplos niya ang mukha nito. Sa loob ng huling limang taon, hindi na nawala ang malalim na lungkot sa mga mata nito. Kahit nang ikasal na sila at naging masaya na ito ay alam niyang hindi nawawala ang lungkot na iyon dahil sa pagkawala ng anak nito.
“Katatawag lang sa akin ngayon ng coordinator ng rescue team. Narito na sa Manila ang helicopter na kumuha kina Yanie. Love, I can’t wait to see her. Pupunta na ako sa kanya ngayon din.”
“Go, now,” maluha-luhang sabi niya. “I can’t wait to see her, too. Pero mas mabuting ikaw na muna ang makipagkita sa kanya. Mahabang panahon din ang ipinagdusa ninyong mag-ama. Thank God na nabigyan pa rin kayo ng pagkakataon na muling magkita at magkasama. I’m happy for you, Love.”
Isang malalim na halik ang naging tugon nito. Hinalikan din nito ang kanyang tiyan bago ito umalis.
Hindi mawala ang ngiti sa mga labi niya habang inihahatid niya ito ng tanaw. They both have waited for this beautiful day.
Thank you so much, Lord.-end-