Joana's PoV
First day of class. Heto nanaman tayo. Isang taong pag aaral nanaman ito. Well, that's our life. Its my choice. Its also your choice. Nandito tayo sa paaralan upang mag aral hindi para maglandian.
Eto ako ngayon, Nakatingin sa dalawang taong naglalandian ay este nagmamahalan pala. E kala mo kasi kung makapaghalikan parang kala mo aabot na sa kama.Bat di nalang kaya nila ginawa yang PDA nila, sa kama o kaya sa pribadong lugar, masyadong expose. Nakakadiri.
"Ang bitter mo."
Ay sht. Nakakagulat naman ito oh. Tumingin ako sa likod para malaman kung sino ang nagsalita, kaya pala, si Tucker Jan, bestfriend ko. Ay hindi pa pala ako nagpapakilala sainyo. Ako si Joana Vincel, isa akong mahiyain, mabait naman depende sa taong kakausapin ko, isa akong introvert, matalino daw. My physical appearance? Matangkad, Maputi, Matangos ang ilong, Nakasuot na salamin na sobrang kapal na kala mo e NERD na. At simple lang naman akong babae hindi ako tunlad ng iba (di ko nilalahat) na nakasuot na parang nakulangan ng tela, at walang pera panggastos sa damit nila, ang iikli kase.
"Uy, ang lalim naman ng iniisip mo" sabi ni Tucker
"Hay, wala lang to". sabi ko.
"Bat ka ba kasi nakatingin dun sa dalawa. E andito naman ako? *wink*" Biro nya.
Natawa naman ako sa sinabi nya. Opps, Natatawa lang pero hindi nakikilig. Magkaiba yun.
"Ewan ko sayo,Tucker! Umayos ka nga, Nakakadiri ka!" biro ko sa kanya.
"Grabe ka naman saken, jo. Parang wala tayong pinagsamahan :(" pagtatampo niya.
"Oo na. Ano palang nangyare sainyo dalawa?"
Hindi ko papala napapakilala sainyo si Tucker. Si Tucker? sya yung matalino (mas matalino talaga saken), masyado din yang topakin, kalog parang tulad ko hahahaha. Pag may problema ako, nandyan sya para saken. Actually, may mga times nga na nagiging crush ko sya. Sino ba namang hindi magkakagusto sa kanya e, bukod sa matalino, sya ang pinakasikat sa school na pinapasukan namin. Naging magkaibigan ni Tuck (Nickname ko sa kanya) nung Elementary palang, at hanggang ngayon, Highschool na kami, kami pa din ang magkasama.
Dugdug. Dugdug.
Eto nanaman sya, tumitibok pag nakikita ko sya. Sino pa ba? Eh nakita ko lang naman ang crush ko na dumaan sa harap naming dalawa ng bestfriend ko, si Tristan Coster. Isa rin sya sa pinakasikat na lalake sa campus, hindi lang yung bestfriend ko. Sya din. At sya rin lang naman ang nagpapatibok ngayon ng puso ko. Oo na at sinasabi nila na playboy sya, pero para saken, isa syang mabait na tao. At alam kong, pagnagkita kami di ako magsisising nakilala ko sya.
"Kaming dalawa? Eto, complicated." sabi nya
"Complicated? Eh nung isang araw ang saya saya niyo pa kaya ni Rachel, tapos ngayon complicated nanaman?" tanong ko.
Oo. Nanaman. Para silang switch, on and off. Masaya pero maya maya magaaway. Parehas kasing topakin. Oo. Rachel ang pangalan ng girlfriend ng best friend ko. Si Rachel? sya yung palaban, mataray, at malandi. Puro hindi magagandang salita ang nasasabi ko sa kanya ah? Eh ganto ako, pranka, straight to the point. Well, hahaha ganto talaga ako sa kanya. For me, ayoko maging sila ni Rachel At Tucker. Hindi naman sa nagseselos ako pero BI si Rachel kay Tucker. Imbis na magaral si Tucker, yayain magbar sya nito ni Rachel. Nakakainis diba? Kaya ang ginawa ko nalang is tinulungan ko sya pag merong assignment o kaya tinatago ko si Tucker at magmamake ng excuses kay Rachel na wala dito si Tucker dahil ganito ganyan dito doon. Yun lang naman.
"Wag nalang natin pagusapan. Sumasakit lang ang ulo ko kay Tristan." sabi nya.
Natigilan ako sa sinabi nya, "Tristan? Anong meron sa kanya? May kinalaman ba si Tristan sa pagiibigan nyong dalawa ni Rachel" Hindi naman masama magtanong diba? Bestfriend ko sya e. "Oo may kinalaman sya nito pero Can I ask you a favor?". Ano naman kaya yun " Ano yun?". Sabi ng bestfried ko "Be with Tristan paibigan mo sya, and it will only last for 5 months" Nagulat ako sa sinabi nya. Be with Tristan?! Oo crush ko sya, pero hindi ko kaya yun gawin, ayoko saktan sya (paano naman yun masasaktan diba? Di ka naman nun mahal) oo nga noh pero paano kung mahalin nya din ako? (di yun mangyayare hahahaha) hay ewan.
"Uy ano na?" Nagising ako bigla sa aking katinuan. "Tatanggapin mo ba?". Hays. Pra to kay bestfriend kakayanin ko lahat para sa kanya. Hindi pa ako sigurado pero I can risk my own life (andrama mo, gel) hays oo na utak.
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-"Oo na, gagawin ko." sabi ko.
I've said it already.
"Ito yung plano ah?" Nakikinig ako sa lahat ng sinasabi ni bestfriend ko. "Una, syempre magpapakilala ka muna sa kanya, be with him. Makipagkaibigan ka sakanya ah?." Wait lang naguguluhan na talaga ako. "Ikwento mo muna kaya kung bakit kailangan gawin to." sabi ko sa kanya.
"Para mapasaakin si Rachel."
Wait lang. Nagloloading.. "BREAK NA KAYO?!" sigaw ko. Madaming tumingin saking mga estudyan na para bang nagsasabi na
"Ang ingay naman nitong babaeng to porket nakasama nya si Drake"
"Magiging akin din yan si Tucker"
"Lagot yan saken mamaya""May pag asa na beshiekels!"
"Break? Sino daw? Sila"
"Break OMG"
Ansarap buhusan ng mainit na tubig e.
"Wag ka nga maingay, gel. Oo, wala na kami, kasi mas pinili nya si Tristan kaysa saken. Kaya ang gagawin mo is paibigin mo si Tristan sayo at kung mangyare man, alam kong hihiwalayan nya si Rachel at babalikan nya ako. Pag naging kami na ulit ni Rachel tska ka magkikipag break up kay Tristan. Okay?"
Actually, sobrang saket nun. So ang mangyayare is si Tristan yung mauuwing luhaan?
"Siguraduhin mo lang gel na hindi ka mahuhulog sakanya." Hindi nya alam na gusto ko si Tristan. Pero kaya ko ba yun? Mukhang hindi naman pero kailangan ko paring sundin ang aking puso pero kailangan mo rin dalhin yang utak mo para di ka tanga.
"Oo na oo na." sabi ko.
"Labyu gel". Sabay kiss sa noo ko
Dugdug.Dugdug.
Hala?! Ano nangyayare sa ken. Masyadong makulit ang puso ko ngayon ah? Oh well, msyado lang ata yan excited dahil kay Tristan.
" Punta na ako sa klase ko ah? Alam mo bang nagring na? Hindi ka pa ba tatayo at pumunta narin sa klase mo? hahahahahha"
Natawa ako sa sinabi nya. Naglakad na ako papuntang room kasabay si Drake. Kita din sa kanya ang lungkot na nadarama nya sa sitwasyo nilang dalawa ni Rachel. Matatapos din yan wag kang magalala Drake.
Nandito na ako ngayon sa klase na kung saan boring dahil walang teacher, at sabi pa nang kaklase ko, nag COC lang daw yung teacher namin, at itong mga kaklase ko, sa sobrang saya, lumabas at pumunta ng canteen. Ang weird noh? Hindi man lang ba nila sitahin yung teacher namin na "Uy may klase pa" pero di nila magawa kasi ayaw nila. Lol. (e kung ikaw kaya ang magsabi diba) oo nga naman utak may point ka dyan.
*Bell Rings*
Well wala naman talagang nangyari sa buong araw na ito bukod sa napagusapan naming plano ng bestfriend ko, yun lang yun. Kaya gagwin ko na ang best ko para umibig sakin si Tristan. Pero kaya ko ba? Kakayanin ko to. Para naman to ka-
*beep* *beep*
Napatingin ako sa kanan, Ito na ba? Ito na ba ang huli kong pagkakataong makita ang mundo? Sa ganitong sitwasyon? Hindi ko alam pero siguro ito na nga.
"Miss!" May lalakeng tumawag saken at napatingin ako sa kanya then,
Everything went black.