Angel's POV
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!
Bigla ko syang tinamaan ng baseball bat. Madaming beses na
"Yan! Mamatay ka na! Multo ka!" Tinamaan ko nanaman sya ng baseball bat.
"A-aray. sht."
La.la.ke. sya. OMG!
Di ko kasi makita e. Bigla ko binuksan yung switch nung light.
Dugdug.Dugdug.
"T-tristan?!" Bigla kong tinakpan yung mukha ko. Halaaaaaaaaa? Tinulungan ko syang tumayo. "I'm sorry talaga. Sorry" nagpeace sign ako.
Tumawa naman sya, "Hindi, okay lang. Hindi naman ako multo, just so you know."
Halaaaaaaaaaa? Di nga sya multo, isa syang gwapong nilalang! Tingnan ko sya at nagulat ako nung nakatingin din sya sakin! WAAAAAAAAH!
"How do you know my name?"
"Uh-ehhh. S-syempre s-s-sikat ka dito sa s-school e" nauutal kong sabi. Pinagpapawisan na nga ako e.Bigla syang nagtaka. Bigla nyang hinawakan ang leeg ko. WAAAH! "Are you okay? Nauutal ka e." Sabay tingin na nakakakilig WAAAAAAAAH!
"H-hindi. O-o-okay lang a-ako" Shems. Di talaga ako mapakali!! WAAAAAH.
Hinawakan nya yung ulo nya, tska ko nakita ang
D
U
G
ODUGO!
D-dugo!!!!!!!!!!!!!
Ayoko sa dugo!!! Ayok-
................
Tristan POV.
Nagulat ako nung bigla syang nahimatay. What am I going to do?!
Bigla ko syang nilapitan. Bigla kong hinawakan yung noo nya. Pinagpapawisan sya. Hinubad ko yung coat ko. Tska ko sya binuhat at inihiga sa table.
Sht. Anong gagawin ko? Huhubadin ko ba yung *gulp*. Ako naman ngayon ang pinagpapawisan dito. Hinubad ko yung jacket nya. Calm down, Tristan. It's just a jacket.
Ano bang pwede kong gawin?
Tinurn on ko yung ceiling fan kasi kailangan nya ng ventilation. Ginamot ko muna yung sugat ko bago ako humingi ng tulong. Kung nagtataka kayo, may first aid ditong nakadisplay.
Ang amazona talaga nitong babaeng kasama ko ngayon.
Lumapit ako sa pintuan at pinihit ko ang doorknob pero bat di nabubuksan. Oh sht. Not again!
"TULONGGGG. MAY TAO BA? TULUNGAN NYO KAMI!"
I try to make loud noise. Pero kahit anong gawin ko, wala pa ding nakakarinig saken. Nakita ko ang phone ko, kinuha ko iyon at tinawagan ang mga kabarkada ko pero walang signal. Aish. Ano ng gagawin ko dito sa babaeng ito?
Angel's POV
Biglang sumakit ang ulo. Ouch. Ano bang meron? Minulat at kinusot ko muna ang mga mata ko. Nasan ba ako? Ang naalala ko lang ay dahil ako nahimatay dahil may Du-
"DUGOOOOOOOOOOOOOO!"
"Hey! Are you okay?" Tumingin ako sa nagsalita, hanggang ngayon ba'y nandito padin kami sa Library?! Lumapit sya sa akin at kinuha ang jacket ko. Halaaaaa? Suot-suot ko to kanina ah? Weyt, dont tell me?!
"I didn't do anything. Tinanggal ko lang yang jacket mo kasi pinapawisan ka. No malice." Umiling sya saken at nagtanong kung nasaan ba daw yung cellphone ko.
"Hindi ko dinala e. At ang pagkakaalam ko, wala namang signal dito sa Library."
"We're doomed."
"Hintayin nalang natin yung magbubukas ng Library."
Tumawa sya, "Satingin mo may magbubukas pa nitong Library? This is abandoned Library, doon sa kabila yung bagong Library. What's the use of this kung bubuksan nila diba?" Pa cool nya sabi.
May pagka sungit pala to. Kala mo kung sino magsalita, mas maarte pa ata to sa babae eh. Tumahimik nalang ako. Pinagmamasdan ko lang syang lumakad ng lumakad hanggang sa napagod sya kakalakad.
"Uhm, T-tristan?" Tumingin sya saken, napailing ako sa ginawa nya, hindi ako msyadong nakikipag eye contact pag crush ko na yung katinginan ko. "A-anong oras na p-pala?" Tingnan nya yung phone nya.
"6:00 na." Weeeeeeeeeeh?! Nagulat ako bigla. Nagpapanic na nga ako at the same time nanginginig tuhod ko,kasi naman, maaga ngayon uuwi si mama, pag wala ako dun sa bahay, tatawag agad yun ng pulis e.
"Ano na gagawin natin dito?" sabi ko. Nagpapanic na ako. Lakad doon, lakad dito. Bigla syang tumayo at humarap saken, "Chill ka lang."
Hindi ko inaasahan na, bigla nalang ako natapilok at napasubsob ako sa dibdib nya sabay ng pagbukas ng pinto..
"Angeeeeeeeeeeeeeel!"
Chloe?! Bigla kong tinulak si Tristan. Masyado kaming malapit sa isa't isa. Nagkatinginan kami ni Chloe at tumingin din ako kay Tristan, at sya naman ay tumingin kay Chloe na nagtataka.
"Chloeeeee. Paano mo nalaman na nandito kami?"
"Eh kasi wala kayo dun." kahit kailan palabiro si Chloe. Sinamaan ko sya ng tingin. "Chill lang. Lahat na kaya ng sulok ng school, naghanap na kami. Nandito ka lang pala sa Abandoned Library"
Bigla kong tiningnan si Tristan, "S-sige. A-alis na akoo. Byeee. Salamat." nag wave na ako sa kanya, nag wave din sya pabalik.
Bigla akong umalis dun at tumakbo, ito naman si Chloe, sinundan ako. Tinatawag nya ako pero hindi ko sya pinapansin. Mas binilisan ko pa yung lakad ko. Alam nyo yun? Lakad takbo? Naglalakad ka pero parang natakbo ka na din ng slight? Basta ayun. Ang hirap idescribe sainyo.
Alam ko kasing plinano nya yun. At alam kong nakatulong naman pero at the same time, hindi naman talaga. Paano nalang kung hindi nya kami pinagbuksan diba? Si mama. Magaalala yun saken. Hindi pa naman nya kilala si mama, pag wala pa ako sa bahay, bigla bigla yan tatawag si Mama. Masyado syang OA, pero mahal na mahal ko yun.
Hindi na ako sinundan ni Chloe. Buti nga sa kanya. Napagod siguro. Nagtricycle na ako papunta sa village. Naglakad din ako ng kaunti kasi hindi pinapa pasok ang mga public vehicles (except sa kotse) dito sa village. Kaya napilitan akong maglakad. May kotse naman talaga kami kaso ginagamit ni mama. Kaya ayun. Nagmadali akong buksan ang gate namin at yung pinto. Nakasara pa yung mga ilaw. Siguro hindi pa nakakadating si mama, baka nag over time. Binuksan ko yung ilaw sa kusina tska ako umakyat sa kwarto ko.
Binuksan ko ang pinto tska ako humiga sa kama. Its been another day. Andaming naganap. Yung sa plano, kay Tristan, at marami pang iba.
Kahit kailan talaga si Chloe. Pero hindi naman ako nagagalit sa kanya, naiinis oo pero pansamantala lang talaga yun. Hindi ko rin naman masisi si Chloe kasi tulong narin naman yung ginawa nya para sa plano. At least, kung wala si Chloe, hindi ko mauumpisahan ang plano nya.
*1 unread message*
Biglang tumunog yung phone ko. Kunha ko iyon sa bag at tiningnan kung sino yung nagtext.
6:45pm
From:Chloe
b3h, sOrRi HnD n tlGa mAU2lit pRaMiS.Oh myyy! Kailan pa naging Jeje si Chloe, kaya sa mga nagbabasa ngayon, ligawan nyo si Chloe, ma effort sya, pati yung text, sobrang pinaghirapan, ma effort talaga.
Kidding aside, Ito na ba yung start sa plano?
Well,
Let the game begins
••••••••••••••••