Chapter 5

3 3 0
                                    

Angel's PoV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Monday nanaman.May pasok nanaman. Makikita ko nanaman ang mga studyante na nagkakandarapa sa mga gwapong lalaki sa school.

Wala naman akong ginawa buong weekend. Sinamahan ko lang naman si mama, magpalengke, magluto, gawin ang mga gawaing bahay, magsimba at pumunta sa puntod ni papa. Ay, oo nga pala. Hindi lang naman ako ang nagiisa nilang anak eh. May kapatid ako, kaso nga lang nasa ibang bansa nagtatrabaho. Next year pa sya makakabalik. Kasama din nya yung asawa nya at ang pamangkin ko na si Trisha. Namiss ko na nga sya e :( kailan ko kaya sila makikita? Pati narin si Kuya? Miss ko na ang harutan naming dalawa.

Anyway, Highway.

Anong oras na ba? Tingnan ko yung phone ko para malaman kung anong oras na.

7:45am

OMG!! 15 minutes nalang bago mag start ang classes. Bigla akong bumangon tyaka pumunta sa banyo. Gagawin ko na ang daily routine ko.

7:55am

Kahit kailan talaga ang bagal kong gawin ang daily routine ko. Bumaba na ako at kumuha ng sandwhich. Nakita ko na din yung allowance ko na nakalagay sa table. Siguro umalis na si mama kakahintay saken bumbaba.

Nagtricycle agad ako papunta sa school. Tiningnan ko ulit yung phone ko para malaman kung anong oras na habbang tumatakbo.

8:10am

Ayokong malateeeeeeee! Huhu, wala na. 8:00 start ng classes namin e. Tumakbo ako ng napakabilis na parang magiging The Flash na ako.

Kumatok ako tska pumasok. Hayyyyyy. Buti wala pa si maam. Umupo ako bigla sabay pasok ni maam sa classroom.

Lunch na. Tinext pala ako ni Chloe na sabay daw kami maglunch. Pumunta na ako sa canteen tska ko sya nakita.

Habang kumakain kami...

"Gel!"

Tumingin ako sa taong tumawag saken, Si Drake pala.

"Pwede bang kumain dito. Sabay ako sainyo"

Tiningnan ko muna si Chloe. Ayun. Nakatingin din kay Drake. Yung tingin nyang nangaakit. Sinigawan ko nga.

"ANOOOO?!" Sigaw nya.

Madaming tumingin sa aming mga studyante. Nakakahiya talagang kasama toh.

"Sabay daw yung BESTRIEND KO satin kumain" sabay tingin ng masama sa kanya.

"A-ay. O-oo naman. Dito ka nalang tumabi sa tabi ko, kyah" sabay pacute face.

Ansarap lang patayin nito. Buti kaibigan ko to. Tingnan ko si Drake, tumingin din sya saken at ngumiti ng napakatamis tamis. Ang kyot nya.

"Dito nalang ako tatabi kay Angel" sabay tabi sakin. Tiningnan ko sya at sobrang napahiya sya. Kamatis na nga mukha nya sa sobrang galit e.

"Beh. Si Drake pala, Bestfriend ko"
"Drake is my name *wink*" Kahit kailan talaga ang lakas ng appeal. Kinamatis talaga ni Drake ang mukha ng kaibigan ko ngayon.

"Hahahahah. O s-s-ige na k-kain n-a" nauutal nyang sabi.

Pagkatapos naming kumain, nagkwentuhan lang naman kami tungkol dito sa school, next week may magaganap na election para sa mga officers, parang Student Council. Si Drake tatakbo bilang President. Kaya boboto ako sa kanya. Eh ako kaya? Sasali ba ako? Nakakatamad e. Madaming gagawin pag sumali ka dyan sa SSG (Supreme Student Government). Nakwento din pala ni Drake kay Chloe tungkol sa plano. Tinanong ko nga kung bakit nya sinabi sa kanya. E sabi naman nya, pinagkakatiwalaan naman daw nya si Chloe. Tutulungan naman daw ako ni Chloe. DAW. hahahahahha. Paasa lang ata sya e. Well, lets see what she got.

Kanina pa ako nagiisip kung ano yung magiging hakbang ko papunta kay Tristan ano ba pwede?

Option 1:
Kakausapin ko sya sabay sabi na "Pwede po bang makipagkaibigan sayo"

Grabe naman yun noh. Ang desperada ko naman.

Option 2:
Kakapalan ang mukha sabay sabi na "I am Angel, your new girlfriend"

Kadiri.

Wala naman akong maisip na iba e. Bahala na si batman kung ano ang pwedeng gawin kung sakaling makita ko si Tristan.

Siguro itutuloy ko yung plano. Para namin naman kay Drake. That's the only way para si Rachel bumalik kay Drake. Siguro ito na ang time para gawin ang plano.

Gagawin ko na mamaya.

"Tara, may klase na pala tayo."

Habang naglalakad kami, sinabi ko na kay Chloe na gagawin ko na ang plano. Pero hindi ko pa alam kung ano ang move na gagawin ko.

"Ganito lang naman yan e. Sabihin mo sa kanya Hi babe, kumain ka na? Nako naman ang baby ko sobrang pawis na, punasan ko nga. Kain tayo babe tara? Ganyan dapat para damang dama nya diba hahahahaha."

Kahit kailan hindi maganda ang suggestion ni Chloe.

"Hay. Basta bahala na si Batman."

Nag evil grin naman ngayon si Chloe. Mayroon siguro syang naisip na paraan.

"May naisip ka ng paraan,Chloe?"

Nagulat sya sa sinabi ko. Baka malalim iniisip nya.

"Just watch me, Bebe Angel. *evil grin*" Hay. Natatakot na ako dito kay Chloe. Nararamdaman kong hindi maganda ang naisip nya.

"Bebe ko. CR lang ako ah? Dyan ka lang."

Naghintay muna ako dito sa bench malapit sa may hallway. Antagal naman nya. 5 minutes na ang nakalipas, wala pa din sya. Saan kya sya nagpunta. Siguro ginagawa na nya yung naisip nya kanina Hayyyys.

"Bes!" Buti naman at nakadating na sya. Nagtataka nga ako kung bakit tagaktak ang pawis nya at tyaka kung bakit sya tumatakbo.

"Oh? Bakit?"

"Kakausapin ka daw ni Miss Rose sa Library."

Meron bang sasabihin sakin si Miss Rose. Ah baka uutusan nanaman akong ipaabot kay Sir Ivan yung mga papers. Palagi ako nyan kinakausap eh. Well sige na pupunta na ako.

"Oh sige. Mauna ka na sa classroom, sunod na lang ako."

Biglang nabuhayan mukha ni Chloe "Hahahahahah. Okay"

Eto naglalakad na ako ngayon. Habang naglalakad, Nakita ko si Drake tawang tawa. Bakit kaya?

Hindi naman nya ako pinansin linagpasan nya ako. Tiningnan ko sya sa likod tapos tumakbo ng mabilis. Nandito na ako ngayon sa library.

Hahawak na ako ng doorknob ng biglang naging malamig ang simoy ng hangin. At nararamdaman ko din na para bang may nasunod sa akin. Bigla akong napatingin sa likod, kanan at kaliwa.

Wala naman.

Strange. Ano kaya yun? Binuksan ko na ang Library. Nanginginig na ako ngayon. Pumasok ako sa library pero wala naman si Miss Rose. Siguro lumabas muna sya. Naglakad lang ako ng kaunti ng.....

May nagsara ng pinto ng sobrang lakas. Nagpanic agad ako. Narinig ko pa na ni-lock yun. Bigla akong tumakbo sa kabilang pinto, binubuksan ko pero ayaw parin bumukas.

"TULONG!!! TULONG PO PLSSS"

Sino ba naman ang makakarinig saken e lahat sila nasa classroom na. Bigla akong nagulat na merong natumbang upuan sa pinakadulo ng library.

Paano na toh? Hindi ko na po alam ang gagawin ko?! Multo ata huhuhu. Ayoko naaaaaaaaaa! Mag isip ka angel. Please paganahin mo utak mo.

May nakita akong baseball bat sa gilid. Kinuha ko iyon at naglakad dun sa place na kung saan narinig ko yung pagbagsak ng upuan.

Nanginginig akong pumunta dun...




















"Pickaboo!"









WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!

The game of Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon