Chloe's POV
Hey there! Ito yung pinakafirst na POV ko dito. I am so happy!! Artista na akoooooo! Joke lang hahahaha. Kailangan ko pa ba magpakilala sa inyo? Ako pala ang pinaka maganda at pinaka sexy sa balat ng lupa basta pag meron kayong narinig na pangalan na "Chloe" ako yun. Ako lang kasi ang nagiisang Chloe na sexy and maganda. Yun nalamang po at maraming salamat.
HAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHA.
Sorry. Masyado lang akong kalog ngayon. Well magpapakilala na nga ako ng matino. Ako si Chloe, mabait, kalog, masiyahin, maganda, sexy. Bestfriend ko si Angel. Hindi ko lang alam kung bestfriend nya din ako. -.- Kawawa ako.
Habang kumakain kami nung lunch time sinabi sa akin yung plano ni Drake, pinagkakatiwalaan talaga ako ni bby Drake. Waaaaaaaaaaah. Crush ko na sya. Baka nga Mahal ko na sya e yieeeeeeee! Kidding aside, ito na nga, may plano ako para sa bestfriend ko.
Nagpaalam muna ako kay Angel, na magrerestroom lang ako, Actually hindi talaga ako magrerestroom. Kailangan ko hanapin si Tristan yung lalakeng dapat umibig kay Angel. Sige ito na.
*hanap doon* *hanap dito*
Ay ang tanga mo lang Chloe, paano mo mahahanap yung Tristan na yun kung hindi mo pala sya kilala?! at nakikita!! Ang sexy at ang ganda ko nga pero heto, kulang sa talino.
Oo nga pala nakita ko pala sya nung kailan ba yun? Weyt loading.... Sorry na. May short term memory loss ako hahahahaha. Ay, alam ko na! Nakita ko pala siya nung may nabunggo si Angel na lalake habang naglalakad at nagwiwindow shopping sa SM. yun buti alam kona.
Habang naglalakad ako, nakita ko si bby Drake yes! Nakita ko sya. Siguro matutulungan ako ngayon ni Drake.
"Drake" tawag ko sa kanya. Tumingin sya saken at ngumiti. Hayyyyyy. Sana ako nalang wag yung malanding Rachel na yun 😭
"Bakit?"
"Tulungan mo naman ako hanapin si Tristan. Di ko sya makita e"
"Para saan?"
"May plano kasi ako hihihi."
Binulong ko sa kanya kung ano yung magiging plano ko. *evil grin*
Gusto nyo ishare ko sainyo? Ito kasi yan. Kaya ko gustong hanapin si Tristan para kunyari pinapahanap sya ni Miss Rose sa Library. Tapos pag papunta na sya dun tska ko papapuntahin si Angel sa Library dahil pinapahanap din sya ni Miss Rose. At pag nandun na silang dalawa sa Library, tska ko ilolock ang pinto. San ko nakuha ang key? Sa Office mismo. Ako kasi yung inutusan ilock yun bwahahahahahahahhaha.
"Okay din yung plano mo ah" Ngumiti sya saken. Bby Drake ko. wiiiiiiiiih.
Hinahanap nanamin ngayon si Tristan. Triny muna namin hanapin sa classroom nya pero wala sya. Tinanong pa namin yung kabarkada nya kung nasaan sya. Sabi nila kasama daw nya si Rachel. Narinig kong nagbuntong hininga si Bby Drake. Sana wag nalang si Rachel, kitang kita ko yung lungkot sa mga mata nya at the same time nagseselos din sya.
Triny naman namin hanapin sa Hall, sa computer room, pero wala pa din. Triny naman namin ngayon ang Library. Alam nyo ba, kakaenter ko palang sa Library. Ang creepy. Tiningnan rin namin yung bawat sulok. Bigla nalang kami nagkaroon ng pag-asa dahil nandun si Tristan, natutulog ng mahimbing. Tiningnan ko sya ng mabuti. Ang gwapo mukhang anghel. Hayyyy. Sana ako nalang pala ang gumawa ng plano.
Anyways. Sa sobrang saya namin, bigla akong napatakbo papuntang hallway sa may bench kung saan duon nakaupo si Angel. Pawis na pawis ako nun.
"Bes!" tawag ko sa kanya. Kitang kita din sa mga mata nya ang pagtataka kung bakit ako tumakbo.
"Oh? Bakit?" sabi nya.
"Kakausapin ka daw ni Miss Rose sa Library". Nagtataka nanaman sya ngayon.
Bigla akong nabuhayan nung sinabi nya, "O sige. Mauna ka na sa classroom. Sunod nalang ako."
"Hahahahahaha.Okay" Tyaka sya umalis.
Actually, Sinundan ko talaga sya. Hindi nya masyadong napansin. Nung nilagpasan lang sya ni Drake, bigla akong tumago kasi alam kong titingin sya sa likod kasi hindi sya pinansin ni Drake. Tumingin nga sa likod.
Sinundan ko ulit sya. Nung bubuksan nya yung pinto biglang lumakas at lumamig ang simoy ng hangin. Ang creepy talagaaaaaaaaaaaaaaa! Pumasok na sya sa loob. Nakita ko pa ngang nanginginig yung tuhod nya. Maski ako e. Nanginginig din.
Sorry bes. Pero kailangan ko to gawin para kay bby Drakey. Makakatulong din toh bes pramis mahal na mahal kita huhuhu! Wag ka sanang magalit sakin.
Nasa tapat na ako ng pinto. Para mas thrill bigla kong nilakasan ang pagsara sa pinto tska ko nilock.
Nilock ko din pala yung kabilang pinto. Para di sya makatakas.
Habang naglalakad ako. Naririnig ko pa syang nanghihingi ng tulong. Imsorry Bessssss! Huhuhuhu! Dapat ready na ako mamaya kung sakaling bugbugin ako ni Angel. huhuhuhu!
Tumakbo na ako ng napakabilis at kumatok sa pintuan tska ko binuksan
"Ms. Chloe Fernandez, your late"
Paktay na bai. Ano ba idadahilan ko?
"Miss, sorry po. Inutusan ako sa office na pumunta sa Library at ilock dun."
"You may seat down". sabay turo ng upuan ko.
Naglakad ako tska umupo. Haysssssss. Im sorry Bess. Mahal na mahal kita.
Drake's POV
Ito yung first time na nagkaroon ako ng POV. Kakatapos lang ng practice namin sa may Hall. Kailangan ko pa ba magpakilala? No need.
Habang naglalakad ako papunta sa classroom,
"Drake!"
Tumitingin ako sa kanya, ngumiti at lumapit sa kanya.
"Bakit?"
"Tulungan mo naman ako hanapin si Tristan. Di ko sya makita e"
"Para saan?"
"May plano kasi ako hihihi."
Binulong nya sakin kung ano ang magiging plano nya.
"Okay din yung plano mo ah" sabay ngiti sa kanya. Namula nanaman sya. Hahahahah.
Triny namin hanapin sa classroom at tinanong sa kabarkada nya kung nasaan si Tristan. Nalungkot ako nung sinabi nila na kasama nya ngayon si Rachel. Bakit di nalang ako? hays.
Nakita namin si Tristan sa Library. Natutulog. Pagkatapos naming hanapin si Tristan, tska ako umalis
*message ringtone*
*1unread massage*Tinignan ko yung phone ko para malaman kung sino nagmessage sakin. Napangiti ako nung nagmessage sya
3:30pm
From:Rachel ko
Drake. Sige. Kakausapin kita. Hall. Now.Bigla akong nabuhayan dahil sa message nya. Naalala ko nga na nilagpasan ko lang si Angel, dahil sa sobra kong excited.
Nakita ko sya, nakatalikod. I miss her. I admit it. I love the way she smiles. But now, its different.
"Drake."
"Thank you Rachel." Bigla ko syang yinakap. I just miss her so much.
Bigla syang kumawala sa yakap ko. "Drake, ayoko na diba? Please, just leave me alone. Mas masaya na ako kay Tristan."
Napangisi ako sa sinabi nya. Hindi nya alam na meron akong gagawing plano para mapasaakin ka Rachel.
"You're mine Rachel, just wait" I kiss her forehead and leave that place.