Angel's PoV
Isang linggo na ang nakalipas simula ng may misteryosong tao ang lumigtas saken sa kamatayan. Hanggang ngayon di ko pa din sya nakikilala. Alam kong nandito lang yun sa school e.
Habang naglalakad ako, napansin ko si Drake na nakasandal sa wall malapit sa room ko. Ano kayang meron? Sino ba gusto nyang kausapin? Wala naman syang kakausapin sa room namin kasi ako lang naman kilala nya pati na rin si Rachel. Oo, tama nanaman ang nabasa nyo. Magkaklase kami ni Rachel. Hai. Buhay. Sa dinadinami ng room na pwede nyang pasukan, yung room pa namin.
"Gel" sabi nya habang naglalakad palapit saken. "O bakit?" tanong ko. "Nakita mo ba si Rachel?" tanong nya habang nakatingin saken. Alam kong malungkot si si Drake dahil sa sitwasyon ngayon. "Hindi ko sya nakita e.Bakit mo sya hinahanap?"
"Gusto ko syang kausapin" sabi nya. Ano kaya pwede nilang pagusapan? Ay, hanggang dito pa ba naman kailangan ko pakialaman ang buhay nila. hay.
"Ay, Oo nga pala. Kailan mo sisimulan ang plano?" Bigla akong bumalik sa aking katinuan. Oo nga noh? sa sobrang pagiisip ko sa taong nagligtas sakin at nagbayad ng gastusin sa hospital, nakalimutan ko na ngayon kung kailan at paano ko gagawin yung plano.
"Hindi ko pa sure kung kailan pero sisiguraduhin ko Drae na, this week gagawin ko na." sabi ko sabay ngiti sa kanya.
"O sige, Kahit kailan talaga gel maaasahan ka talaga" sabi nya tska nya ginulo ang buhok ko. Namiss ko yun. Ang guluhin ang buhok ko.
"Sige punta na ako sa room, time na e" tyaka ako nagwave sakanya. nagwave din sya pabalik sakin habang dala ang ngiting panggap lang. Kailan kaya sya magiging masaya? Katulad ng dating Drake? Yung bestfriend ko? Kailan kaya. Hayys.
"Ms. Angelica" tawag sakin ni Ms.
"Yes, Miss?" sagot ko naman sakanya.
"Halika dito" sabi nya tska nagwave sa kin na para bang pinapalapit nya ako sa kanya. Lumapit ako sa kanya, sabay sabing "Bakit po?". " Paki bigay to kay Sir, dahil ito yung gagawin nya mga papers para bukas" sabay abot ng sobrang bigat na paper. Hindi ko naman kaya to ah? Hindi naman ako kalakas ng lalake para buhatin to. "O sige na, alis na! Punta na dun." tska nya ako tinaboy. HINDI AKO ASO PARA ITABOY NYA. HAY.
Kainis naman! Ang hirap hirap kaya nito buhatin. Hindi naman ako si SuperGirl para kayanin itong lahat e.
"Ay ate. Tulungan na kita, mukhang nahihirapan ka na" Nagulat ako kasi may nagsalitang babae. Sino ba yun?
*tingin sa kanan at kaliwa*
Wala naman ah. Naalala ko nanaman yung kinwento ni Drake saken may nagmumulto sa may hallway. Ito na nga toh?! huhuhu. Di pa ako ready makita ang pagmumukha ng multong yun.
"Uy ateeeeee!!" sabay tingin sa likod..
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!" sigaw ko.
"WAAAAAAAAAAAAAAAAH!! sigaw din nya. At dahil sa eksenang yun biglang nahulog lahat ng papers na buhat buhat ko kanina. Pinulot ko lahat yun, at tinulungan naman ako ni Ate na nanggulat saken."Ay, sorry ah. Nagulat yata kita e" sabay tawang pahiya.
"SINO BA NAMAN ANG HINDI MAGUGULAT SA ITSURA MO AH?"
hahahahahha. syempre joke lang yun. masyado akong masama pag ginawa ko yun.
"Hindi okay lang." sabi ko.
"Tulungan na kita?"
"Hindi, sige na. Bumalik ka na sa room mo."
"Ay! Actually, naliligaw talaga ako ngayon e."