introducción

3.7K 54 4
                                    

Nawa'y magustuhan ninyo ang aking isinulat na kwento para sainyo. Ito ay pawang kathang isip lamang at galing sa aking imahinasyon paumanhin kung may mali akong impormasyon na naiibigay sainyo ngunit sisikapin ko na maging maganda ang agos ng aking sinusulat.

Mula sa inyong napaka gandang loka lokang author, Carmela

Bueno! empecemos! (let's start!)

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Sa langit ay tumitingin kapag ako'y nalulungkot
Mga pangyayaring pilit na inaalala ngunit ako'y natatakot
Natatakot na kapag kumpleto ko na silang na alala ay mawalay ako
Mawalay sa piling ng mga minahal ko...

Ako si Leonora Mercado bunsong anak ni Felipe Mercado at Maria Mercado. Ate ko naman si Justina Mercado at kuya ko naman si Ernesto Mercado.

Ngunit... parang may mali? Parang hindi ako nabibilang sa mundong kinagagalawan ko ngayon? Na may nag uudyok sa akin para pumunta sa hinaharap...

Naka tulala sa kawalan habang naka upo sa harap ng binta ngayon sa aking kwarto... naguguluhan sa mga nangyayari simula raw ito noong isang taon... simula noong mag karoon ng isang aksindente sa aming pamilya sa tapat ng simbahan ng bayan namin dito sa San Martin.

"Nora, anak halika na at tayo'y mag hahapunan na" tawag saakin ni ina

"Opo, mauna na po kayo at tatawagin ko na sina ate at kuya." at ngumiti ako ng bahadya at ganun din ang ginawa ni ina. Lumabas na ako sa aking silid at tumungo sa silid ni ate Justina.

"Ate tara na kumain na tayo ng hapunan." sabi ko habang siya ay abala sa kanyang ibinuburdang tela. Siya ay bente anyos na habang ako naman ay disinnuebe anyos isang taon lang  ang aming pagitan ni ate Justina. Si kuya Ernesto ay bente tres anyos na at kasalukuyang nag tatrabaho sa isang hacienda dito sa bayan namin sa San Martin Bilang punong tagapasunod ni Señor Domingo.

"Ate ano nanaman ang iyong binuburda?" Tanong ko rito habang papalapit rito para umupo rin sakanyang kama.

"Isang napakagandang bulaklak ang aking nakita sa daan habang ako'y pauwi kahapon ng magkita kami ng aking mga kaibigan." sabi neto na may halong ngiti sakanyang labi habang ito'y nag buburda.

"Ibibigay ko sana ito kay ina sa nalalapit nitong kaarawan, ano satingin mo?" Nagagalak na tugon ni ate Justina.

"Mukhang matutuwa nga si ina sa iyong regalo ate." sabi ko ng may ngiti saking mga labi. "Ate bumaba ka na at mag hahapunan na sabi ni ina ha? Tatawagin ko lang si kuya ernesto" sabi ko dito at tumayo na sa kama

"Sige at aayusin ko lang ito at pupunta na ako sa hapagkainan" at tinapos na ang mga ginawa niya at inilagay ito sa ayos.

Kinatok ko naman ang kwarto ni kuya Ernesto. "Kuya? Kain na tayo ng hapunan ipinag uutos ni ina na sabay sabay tayong kumain ngayon" sabi ko "Sige mag aayos lang ako at papunta na ako sa hapag, mauna ka na" sabi neto at na una na nga ako.

Nag mano ako kay ama at tinabihan ko na si ina at nanumbalik naman sa pag babasa ng diyaryo si ama. Hindi naman kami mahirap o mayaman pero masasabi kong angat kami sa pamumuhay namin. Nakita kong bumaba na sina kuya at ate, at nag mano sila kay ama na kakarating lang.

"Bukas nga pala mahal, pupunta akong maynila para sa pag papalawak ng ating nasimulang negosyo. Kukuha ako ng mga cliyente at mga kasyoso para saating negosyo." Habang kinukuha nito ang kanyang kape. "Matatagalan ba ang iyong pamamalagi roon?" Tanong ni ina "Dalawa o tatlong linggo ang itatagal ko." sabi neto "O siya sige mag iingat ka na balitaan ko kanina habang ako'y namamalengke maraming nag kalat na rebelde ngayon." Sabi ni ina. Natulala nanaman ako at nawala sa sarili nang marinig ko ang salitang...  rebelde.

Nuestra Promesa (Our Promise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon