4 - "Akala lang pala"

395 26 2
                                    

CHAPTER 4- { "AKALA LANG PALA" } 

"Anyare sa'yo?" tanong ni Baekhyun. "Ang bigat ng pakiramdam ko e. Tapos ang weird! Naghahanap ako ng pagkain tapos ang iksi ng pasensya ko." nadura ni Chenchen ang iniinom niya."Yung menstruation mo?" tanong ni Baekhyun. "Late e." nachoke si Chenchen sa narinig niya. "A-ano?! Omyghad Seohyun!!!" sabi ni Baekhyun tapos patalon talon pa siya. "Parang gaga toh? Bakit ba?" tanong ni Seohyun. 

"Aminin mo nga?May nangyari na sa inyo ni Kai?" tanong ni Chenchen. Biglang namula si Seohyun."Meron na 'yan sus! Kim Jongin nakakapagpigil ba?" sabi ni Baekhyun. Nadura nanaman ni CHenchen ang iniinom niya. "Oo meron." sabi ni Seohyun at sa pangatlong beses ay nadura nanaman ni Chenchen ang iniinom niya. "Jongdae!" napasigaw si Seohyun. Kanina pa may tumatalsik sa mukha niya.

"Buntis ka gurl!" tili ni Baekhyun. "ANO?!" namula nanaman si Seohyun. "Ganyan na ganyan ang kapatid ng mommy ko dati! Nakakalimang anak na siya at ganyan siya noong nagbubuntis siya. Homayghad! Kailangan na natin bumili ng gamit na pang baby! Jusko ano ang ipapangalan natin sa bata!?" sabi ni Baekhyun with his gay tone. "Baekhyun ikaw ba ang nanay? Bakit mas excited ka?" ready na batukan ni Kyungsoo si Baekhyun gamit ang kaldero. 

"Gagu ka Baekhyun! Talo mo pa si Seohyun kung mag-alala. Di pa nga confirmed na buntis siya eh." sabi ni Chenchen. "Ano?! Buntis si Seohyun?!" sigaw ni Chanyeol. "Nako patay! Nandito na ang isa pang madaldal. Pota nandito pala lahat ng madadaldal!" sabi ni Kyungsoo. "Kailangan malaman ni Kai 'yan!" kinuha ni Chanyeol ang phone niya. Tatawagan niya si Jongin. 

"Hindi pa nga confirm na buntis tanga!" sigaw ni Kyungsoo. Gigil na siya e. "Sinong buntis?" biglang dumating si Jongin. Natahimik sila bigla. "Aba siguro ako?" sabi ni Baekhyun. Tahimik pa din sila. "E sino pa ba ang babae dito?" dagdag niya. "Si Seohyun at ikaw. Punyeta ka Baekhyun!" ngawa ni Kyungsoo. Tinignan ni Jongin ang oras at bigla niyang hinila si Seohyun palabas. 

"Pupunta tayo sa doctor para sure." sabi ni Jongin at nagmadali mag-drive. Pagdating sa maliit na clinic, pinagkaguluhan pa din si Jongin. Hindi mapigilan ni Seohyun na mag-overthink. Iniisip niya na sobrang hirap pala ng sitwasyon ngayon. Kasi kasal na si Jongin at madami siyang fans. Feel niya niloloko nila ang mga fans niya kasi may mga umaasa pa na pag-asa pa sila sa kanya.

 "Oppa, kaano ano mo yang babaeng yan?" tanong ng isang babae. Naka-mask kasi si Seohyun. "Older sister niya ako." sabi ni Seohyun. Biglang natahimik yung babae. "Next." sabi ng nurse. "Sige pumasok ka na. Hintayin kita dito." sabi ni Jongin. 

"Sige, pumasok ka na dun." sabi ni Jongin sa kanya. Paglabas ni Seohyun para siyang nalugi. "Ano result?" tanong ni Jongin. "S-sabi ng doctor inflamed stomach daw." humahagulgol na si Seohyun. "Ah akala lang pala." sabi ni Jongin. Syempre comfort comfort na muna si Jongin sa wifey niya. Nag-drive na pauwi si Jongin. "Tahimik mo?" tanong ni Jongin noong nag-red ang stoplight. "Wala." sabi ni Seohyun. 

"Don't worry sa susunod na gagawa tayo, may mabubuo na--- ARAY!" binatukan siya ni Seohyun. "Tse! Green light na oh! Dami pang sinasabi e." tumawa si Jongin. Pagdating nila sa dorm ay sumalubong ang lahat ng members sa kanila. 

"Buntis si Seohyun?" bungad ni Suho. "Wow! 3 weeks palang may nabuo na kaagad!" sabi ni Luhan. Hindi kumibo ang dalawa. "Malaki na ba tiyan mo Seohyun?" tanong ni Tao. "E ikaw Tao? Malaki ba 'yang eyebags mo?" sagot ni Jongin. "Wala. Walang nabuo. Inflamed lang ang stomach niya. Kailangan niya lang uminom ng gamot at magpahinga." sabi ni Jongin. Parang nabuhusan sila ng malamig na tubig. Sobrang priceless ang mga reaction nila. 

"WAAAH! Walang baby!!" ngawa ni Baekhyun. "Tahimik nga bakla!" sabi ni Chenchen. "Sige na matulog na kayo. Maaga pa kayo bukas." sabi ni Seohyun. Sabay na dumiretso sina Seohyun at Jongin sa kwarto nila. Kaagad humiga si Seohyun sa kama at hindi pinansin si Jongin.

"Seohyun..." sabi ni Jongin pero hindi sumagot si Seohyun. "Wifey." tapos naririnig niya si Seohyun na humahagulgol. "Seohyun, huwag ka na umiyak. Gawa nalang tayo ulit." humarap si Seohyun sa kanya. "Utut mu! Noong nalaman ko kasi ang results kanina, natakot ako. Jongin, ayoko kasi mangyari yung nangyari dati." niyakap ni Jongin si Seohyun.

"Hindi naman malala iyon. Basta huwag kang masyadong magpagod at masyado ka kasing matakaw!" pinitik ni Jongin ang noo niya pero mahina lang. "Nag-sesermon ka ba o nang-bubully?" sagot ni Seohyun."Both." binatukan siya ni Seohyun. Niyakap nalang siya ni Jongin ng mas mahigpit. "I love you too, Choi Seohyun. Goodnight." hinalikan niya sa noo si Seohyun. "I love you more, Kim Jongin." hinalikan niya sa pisngi si Jongin.

"Di ba hindi naman malala yun? Basta wag kang masyadong magpapagod at kasi, wag kang masyadong matakaw." at pinitik ko ang noo niya pero mahina lang.

"Oh sige. Pwede ka na mag-start ngayon. Pero you know what? I feel na mas bagay ka maging trainee ko. Marunong ka ba sumayaw?" nasa interview si Taemin sa SM. Iniinterview siya ni Lee Sooman. Nag-apply siya bilang JANITOR. "Marunong po akong sumayaw pero hindi gaanong kagalingan." sagot ni Taemin. "Luh, main dancer kaya ako ng SHINee." sabi niya sa isip niya.

"I see a star factor in you kasi. Pero if you want na maging trainee, sabihan mo lang ako. Tsaka kamukha mo isa sa mga artist ko e." alam niya na si Kai ang sinasabi ng matanda. "Sige po, pag-iisipan ko po muna." sabi ni Taemin at nagpaalam na. Pagkalabas ni Taemin ay sumalubong ang mga ka-miyembro niya sa SHINee. Kahit papaano ay namiss niya ang mga ito. 

"Kai? Ang aga mo ata? May meeting ka kay boss? Kami din e." sabi ni Minho sa kanya. Tinitigan lang niya si Minho. "Onew hyung, Jonghyun hyung at Key hyung mauna na kayo sa loob. Usap lang kami saglit ni Kai." nauna na ang iba. Hinili ni Taemin si MInho sa isang bakanteng room. 

"May problema ba Kai?" tanong ni Minho. "Shhh hyung hindi ako si Kai! Si Taemin ito! Lee Taemin! Bestfriend mo." kumunot ang noo ni Minho. "You want me to prove then?" sinabi niya ang mga sekreto na sila lang dalawa na nakakaalam. 

"Punyeta! Bakit ka nandito ha?! Hindi mo ba alam pinaghahahanap ka na! Bestfriend kita Taemin, pero hindi ako agree sa mga kalokohan mo!" kwinelyohan niya si Taemin. "Hyung, gusto ko si Seohyun." nagdabog si Minho. "Ano ba naman Taemin! May asawa na yung tao! Masaya na siya! Bakit hindi mo ba matanggap ha? Bakit ka nagkakaganyan sa kanya?" gigil na gigil na si Minho. Hindi na niya kilala ang Taemin na kilala niya. 

"Hindi ka na yung baby namin. Laki na ng pinagbago mo. Ewan ko sa'yo. Get your shit back together." iniwan niya si Taemin doon.

"How dare you Minho hyung. I thought we're friends." sabi niya.


a/n; sino 2min shipper dito? hahahaha. 

PARA SA MGA SEHUN BIASED DIYAN, PAKI BASA PO YUNG 100 YEARS LATER NASA EXTERNAL LINK PO :) 

vote and comment! :) 

I'm Just Your Bestfriend 2: If She's Alive {completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon