10 - "This is just the start"

278 22 2
                                    

CHAPTER 10 - { "This is just the start" }

Naabutan nina Chenchen at Baekhyun si Seohyun sa labas ng kwarto nila. Bigla silang nag-alala kasi umiiyak si Seohyun at nakaluhod sa sahig. "Anong nangyari?" sabi ni Baekhyun. "Seohyun sagutin mo kami." sabi ni Chenchen. Napansin nilang dalawa na bukas ang pinto at naririnig nila si Suho na sumisigaw sa loob ng kwarto nina Seohyun. Pumasok si Baekhyun at nagulat siya sa nakita niya. "Shhh halika muna doon. Maupo ka. Yung baby!" inalalayan ni Chenchen si Seohyun sa may upuan. Nakita nila ang babae na lumabas at lumapit kay Seohyun.

"This is just the start." at umalis yung babae. "SUZY?!" sigaw ni Seohyun. "Huh? Sigurado ka ba?!" sabi ni Chenchen. "Jongdae! Si Suzy 'yun! Siguradong sigurado ako! Sinugod niya ako dati sa SM dati!" biglang nagalit si Seohyun. "Kumalma ka Seohyun. Yung anak mo." sabi ni Chenchen. Si Suho at Baekhyun ay tinignan si Jongin. Nakatulog na kaagad siya. "Amoy alak si Jongin hyung!" sabi ni Baekhyun. "Patay siya sa asawa niya." sabi ni Suho. "Pero hyung hindi ba weird? Parang familiar yung babae?" iniisip nilang dalawa kung sino iyon. Pero hindi nila alam na si Suzy na pala iyon. 

Pinatulog na ni Suho si Seohyun sa kwarto niya. Nakitulog muna siya kay Kris. Dumating na ang araw at oras na para bumalik sila sa Korea. Pagising ni Jongin ay sobrang sakit ng ulo niya. "Bakit ako nakahubad?" sabi niya. Napansin niya rin na wala si Seohyun. "Bakit kalat kalat ang damit ko?" napaisip siya. Inisip niya lahat lahat. Simula noong nasa bar. "PUTANGINA!" sigaw niya. "Shit may naka-ano akong babae!" pinagpapalo niya ang sarili niya.  

Nakadating na sila sa South Korea at rest day nila. Napagisipan ni Seohyun na lumipat muna sa guest room tutal wala pa naman si Ann. Doon daw muna siya. Pero bigla siyang hinatak ni Jongin at pumasok sa kwarto nila at sinarado ang pinto.

"Let's talk." sabi ni Jongin. "Ano pa ang pag-uusapan natin?" masungit na sabi ni Seohyun. "Seohyun naman, nakwento ni Baekhyun hyung ang nangyari. I swear wala akong alam! Pinainom ako at nawalan ako ng malay. Please huwag ka na magalit." sabi ni Jongin. Napataas ng kilay si Seohyun. "Kung nakinig ka sa akin at kung pinansin mo ako noon, hindi sana sa'yo nangyari 'yan!" natahimik si Jongin kasi guilty siya. 

"At eto pa! Yung tungkol kay Luhan? Hindi ko talaga sinasadya iyon! He was so drunk by that time. Hindi mo ba alam kung paano ko siya pinigilan na halikan ako ng mga oras na iyon?" sigaw ni Seohyun. "At eto, last na! These past 3 months, wala ka na inisip kung hindi ang sarili mo! Hindi na nga kita maabot kasi ang taas ng pride mo! Ang mga hyungs mo ang sobrang nag-aalaga sa akin lalo na sina Baekhyun at Chen. Dinaig ka pa nila! Sana sila nalang naging asawa ko." nasampal ni Jongin si Seohyun. 

"S-seohyun... Hindi ko sinasadya. Teka-" hinawakan niya si Seohyun. "Don't you dare touch me!" sabi niya. "Seohyun sorry!" umiiwas si Seohyun sa mga yakap ni Jongin. "I SAID DON'T TOUCH ME!----- ARAY!" biglang nakaramdam ng sakit sa tiyan si Seohyun. Namimilipit siya sa sakit. Nag-panic si Jongin nang bigla siyang nahimatay. 

"ILABAS NIYO YUNG KOTSE!" sigaw ni Jongin sa mga hyungs niya. Binuhat niya pababa si Seohyun. "Anong nangyari?" tanong ni Kris hyung. Tinulungan niya si Jongin sa pagbuhat. Si Lay ay pinaypayan si Seohyun. "YUNG KOTSE!" sigaw ni Jongin. Binuksan na ni Chanyeol ang van at nilagay nila si Seohyun doon. "Ako na magddrive. Jongin alalayan mo nalang yung asawa mo. Baekhyun, bantayan niyo muna yung bahay. Mamaya nalang kayo sumunod." sabi ni Chanyeol at kaagad nag-drive ng sobrang bilis papunta sa pinakamalapit na hospital. 

Habang pinapaypayan ni Lay si Seohyun. Hindi mapigilan ni Jongin na sisihin ang sarili niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyari sa mag-ina niya. 

"Sino ang mga kaanak?" sabi ng doctor. "The mother is now safe. Hypertension lang. Natural lang sa buntis ang ganun. And siguro sobrang stressed niya kaya siya nahimatay."  napapikit si Jongin. "Kamusta po yung baby?" tanong ni Chanyeol. "Mahina ang kapit but we did our best to save the baby. The baby is safe." nakahinga sila ng maluwag. Dumating na ang ibang members si Suho ay kwinelyohan si Jongin. 

"Kung hindi mo tinaasan pride mo hindi magkakaganyan si Seohyun! Tsaka bakit ka nambabae?! Buntis ang asawa mo at lalabas na ang anak niyo bakit ngayon ka na naging ganyan!?" galit na galit si Suho. First time nilang makita siyang ganyan na magalit. "Hyung I swear hindi ko kilala yung babae! May pinainom siya sa akin sa bar. Pero familiar siya." sabi ni Jongin. Nasasaktan siya sa ginagawa ni Suho. 

"Oh wait! Noong pinaupo ko si Seohyun sa gilid at pinapakalma ko siya, lumabas yung babaeng natira ni Jongin. Lumapit siya kay Seohyun at sinabihan siya ng "this is just the start". Tapos sinabi ni Seohyun sa akin na si Suzy daw iyon. Sinugod na din siya ni Suzy dati." binitawan ni Suho si Jongin. "Si Suzy?!" sabi nilang lahat. "Hyung! Kaya pala sabi ko sa'yo familiar e!" sabi ni Baekhyun. 

"Sige. We need more proofs. I-cancel muna natin ang shooting natin para sa variety show. This is more important." sabi ni Suho. 

Pumasok na si Jongin sa kwarto ni Seohyun. Pero bago iyon ay na-clarify na niya ang nangyari kay Seohyun at Luhan. Nakipagusap na siya ng maayos at naintindihan na niya ang nangyari.

"K-kai." nagising na si Seohyun. "Seohyun? May masakit ba sa'yo? Ano teka tatawag ako ng doctor-" pinutol ni Seohyun ang sasabihin niya. "Okay lang ako. I'm sorry Jongin." she started to cry at kaagad pinigilan ni Jongin. "No. Ako dapat ang nag-sosorry. Kasalanan ko ang lahat. Muntikan na mawala ang baby natin. Babawi ako Seohyun." niyakap niya si Seohyun.

"Kai!" pumasok na ang ibang members at kasama nila si Taemin. "I know her plans Kai." sabi ni Taemin. "Si Suzy. Tinetext niya ako palagi about sa mga plano niya and it's getting so annoying." dagdag niya pa. "Alam na niya ba na sa amin ka kampi?" tanong ni Suho sa kanya. Umiling siya. "Uy maganda 'yan! Spy on her!" sabi ni Suho. 

"Sige I will call her later. Ingat kayo ha? Lalo na kayo KaiHyun." sabi ni Taemin. Nadura ni Jongin yung iniinom niyang tubig. "KAIHYUN?" sabay ang mag-asawa. "Ah! Kaihyun! Kai and Seohyun--- ARAY MINHO HYUNG!" binatukan siya ni Minho na kakadating lang. "Korni mo kahit kailan." sabi ni Minho. "Uy maganda naman 'di ba? Ano ba gusto mo 2Min?" sabi ni Taemin at tumawa ang lahat.

{ a/n: 2min, OTP name nina Minho at Taemin kasi parehas siya may MIN sa pangalan nila. } 

Umalis si Taemin at nakadating na siya sa restaurant. Makikipagkita siya kay Suzy. Sobra siyang kinakabahan sa gagawin niya. Kapag nalaman ni Suzy ang mga plano niya, alam niya kung ano ang gagawin ni Suzy sa kanya. "Mukhang wala pa siya ah." sabi ni Taemin. Nag-ring ang phone niya. Nag-text si Suzy. 

From: Suzy

   Nakita na kita. Lalapit ako sayo. 

Hindi na nag-reply si Taemin tapos may babaeng lumapit sa kanya.

"Who are you?" tanong niya. Hindi niya namukhaan si Suzy. Lumapit yung babae sa tenga niya at may binulong. "I'm Suzy." nagulat siya. "Nag-plastic surgery ka?" tanong ni Taemin. Tumango at umupo si Suzy. Binuksan ni Taemin ang recorder sa phone niya.

"Ano na plano mo kay Seohyun?" tanong niya. Hindi alam ni Taemin kung ano ang isasagot niya. "A-ah nagpaplano pa ako e." palusot niya. "Gawin mo na iyang pinaplano mo. Ako nga nakapagsimula na e." sabi ni Suzy. "Ano ang susunod mong plano?" tanong ni Taemin. "Well, tutulungan tayo ng isang makapangyarihan na tao. Papatayin ko ang anak ni Seohyun." bumilis ang heartbeat ni Taemin sa narinig niya.

"Sino yung sinasabi mo?" curious si Taemin. "Your boss, every SM artists' boss." napanganga si Taemin

"Si Kim Youngmin?!" she nodded. 


I'm Just Your Bestfriend 2: If She's Alive {completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon