a/n: last chapter na ang susunod and then epilogue.
Sana ma-enjoy mo ang chapter na ito. Comment and vote juseyo~
Twitter: @jongdaeah
Chapter 14- { Rest in Peace }
"Sure ka ba anak? Baka hanapin ni Seohyun ang apo ko." sabi ng mama ni Jongin. Kakadating niya lang ng Busan. Papaalaga muna ni Jongin ang anak niya sa mama niya habang hindi pa naaayos ang problema nila. "Sigurado ako ma. Mahirap na. Nadamay na nga ang anak namin e." sabi ni Jongin. "Jongin naman kasi e. Sino ba ang nangugulo sa inyo ha?" napayuko si Jongin.
"Sige sige. Alam kong hindi mo pa kayang i-kwento. Doon muna ako sa bahay ng ate mo dito sa Seoul ha? Bukas nalang ako babalik ng Busan kasama ang anak mo, okay?" tumango si Jongin. "Ingatan mo si Seohyun ha? Baka multuhin ako ng nanay niya at sabihin na hindi mo inaalagaan ang anak niya." tumango lang ulit si Jongin at hinalikan niya muna ang anak niya at umalis na. Pagbalik ni Jongin sa loob nakita niyang gising si Seohyun.
"Nasaan ang anak ko?" tanong ni Seohyun. "Na kay mama siya." tumingin si Seohyun ng masama sa kanya. "What's with that stare?" tanong ni Jongin. "Bakit na kay tita ang bata?!" sumigaw si Seohyun. "You don't trust my mom?!" sigaw pabalik ni Jongin. "That's not what I mean!" mas lumakas ang sigaw ni Seohyun. "Para maging safe muna ang anak natin. Hangga't hindi natatapos itong problema doon muna siya kay mama. Ano ba Seohyun!" tumulo ang luha ni Seohyun.
"Nakakasawa na Jongin, nakakasawa na." nanginig si Jongin noong narinig niya iyon sa bibig ni Seohyun. "Palagi nalang ganito. Nakakasawa na." umiyak na din si Jongin. "So what do you mean?" tanong ni Jongin. "Let's end this. Maghiwalay na tayo." sabi ni Seohyun. "HELL NO SEOHYUN! MAY ANAK NA TAYO!" sabi ni Jongin. Hinawakan niya ang kamay ni Seohyun pero umiwas siya. "Ayun na nga e! Mas mabuti nalang na maghiwalay na tayo. Lalo lang gugulo. Pati anak natin nadamay na. Kuha mo ba?" niyakap ni Jongin si Seohyun pero umiiwas siya. "No Seohyun, we can fix this. Okay? Kumalma ka muna." sabi ni Jongin.
"Sabihin mo kung nasaan si Seohyun." sabi ni Youngmin kay Taemin. Dinukot siya ng mga alagad niya. "Hindi ko nga alam!" pilit na tinatanggi ni Taemin kung nasaan si Seohyun. "Wala tayong mapapala dito. Hindi siya makakalaya hangga't hindi 'yan nagsasabi ng totoo. Huwag niyo ring pakainin. Bahala siya diyan." sabi ni Youngmin at umalis.
"You traitor!" sumugod si Suzy papunta kay Taemin. "So?" sagot pabalik ni Taemin. "Bakit ka nagbago?" tanong niya. "I realized that all your plans are plain stupid. That's all." ngumisi si Taemin. "I thought you like Seohyun?" gulong gulo na ang isip ni Suzy. Hindi na siya makatanong ng maayos.
"Sadyang tanga ka ba talaga? To be honest, maganda ka... physically. Pero ugali? No comment. Then, bakit ka nagpapakatanga sa taong hindi ka na mamahalin? Sa tao na may mahal na iba? Sa taong may pamilya na?" punong puno na si Taemin. He needs to open the reality to her.
"BECAUSE I LOVE HIM! He is the perfect man for me! Nasasaktan na ako sa ginagawa ni Kai!" kumunot ang noo ni Taemin. "BECAUSE YOU LOVE HIM?! C'mon Suzy! Uulitin ko lang ha? TANGA KA! Bakit mo kasi pinagsisiksikan ang sarili mo sa kanya noon? Alam mo din naman na mahal ni Jongin si Seohyun noon pa lang. Pero ano ginawa mo? Umeepal ka pa din sa relasyon nila! Hindi mo silang kayang paghiwalayin. Ang dami na nilang napagdaanan na dalawa at alam kong malalampasan nila ito. Huwag na huwag mong sasabihin sa harap ko ngayon na nasasaktan ka. Kasi kasalanan mo din 'yan." gg na si Taemin.
"I'm.... s-sorry.." tumulo ang mga luha ni Suzy. Nasampal na sa kanya ang realidad. "Huwag ka sa akin mag-sorry. Doon ka sa kanila mag-sorry." sabi ni Taemin. Without a word, umalis si Suzy. Nag-drive siya at hindi niya alam kung saan pupunta. Paulit-ulit sa isipan niya ang sinabi ni Taemin. "Tama siya.... tama siya." sabi niya habang umiiyak pa din. Sa sobrang pag-iyak niya ay hindi na niya namamalayan na over speeding na siya at nag-vviolate na siya ng traffic rules. Tapos biglang....
Nasa puntod si Youngmin ng magulang ni Seohyun. "Ang anak niyo na ang isusunod ko. Magsama-sama na kayo diyan sa impyerno." sabi niya. Binigyan niya ng patay na bulaklak ang puntod at biglang nag-ring ng phone niya. "Hello?" sabi niya. "Si Suzy! Naaksidente!" tumayo ang mga balahibo niya. "Ha?! Anong nangyari?!" sigaw niya. Napatayo siya ng wala sa oras. "Car accident. Malala ang condition niya!" pinatay niya ang tawag. "Hindi pwede! Dapat si Seohyun ang malala ngayon!" sigaw niya. Tumingin ulit siya sa puntod at umalis na. Pagbalik niya ng Seoul, kaagad niyang pinuntahan ang ospital kung saan naka confine si Suzy. Pagpasok niya sa kwarto, bumungad ang mga ka-grupo ni Suzy.
"Ikaw?! Bakit ka nandito?! Ikaw ang dahilan bakit naging ganito si Suzy! Hayof kang tukmol ka!" sigaw ng isa niyang ka-grupo. Wala nang nagawa si Youngmin at umalis. Sakto ay gumising si Suzy."Suzy? May kailangan ka? Okay ka lang? Teka tawag ako doctor!" panic ni Fei. "Unnie.... h-huwag na. H-hindi na ako magtatagal. S-sorry. T-these are the consequences of my plans." tumulo ang mga luha niya at pinikit na niya ulit ang mga mata niya. The next thing that happened is.... she died.
"Shet! Seryoso ba kayo diyan ha?!" nag-uusap sina Kyungsoo at Jongin. Maghihiwalay na talaga ang mag-asawa. "Kahit ayaw ko man, nasasaktan na talaga si Seohyun sa mga nangyayari." sabi ni Jongin. "Hindi pwede! Aayusin natin ito. Jongin huwag kang susuko. O kung gusto mo, kakausapin ko si Seohyun. Nakikinig naman siya sa akin kahit papaano." alok ni Kyungsoo sa kanya. "Sorry ah, nadadamay na kayo dahil sa aming dalawa." hinawakan ni Kyungsoo ang shoulders ni Jongin. "Don't say that. We are your brothers here. Nandito kami para tulungan ka. Huwag kang mag-alala." ngumiti siya kay Jongin. Pagkatapos nun ay dumiretso si Kyungsoo sa kwarto ni Seohyun.
"Sino 'yan?" tanong ni Seohyun. Narinig niyang may kumakatok sa pinto. "Kyungsoo toh." at binuksan niya ang pinto. "Okay ka lang ba?" biglang sumimangot si Seohyun. "Alam kong may problema kayo ni Jongin. Pero huwag naman kayong maghiwalay? Ang dami niyo nang nalampasan na challenges, ngayon pa kayo susuko? Ngayon na may anak na kayo? Seohyun, mahal na mahal ka ni Jongin. I can assure you that. Please?" sabi ni Kyungsoo.
"Hindi ko rin maiwasan e. Ang dami na kasing nadadamay. Pati kayo mismo, nadadamay na rin!" sabi ni Seohyun. Hinawakan ni Kyungsoo ang dalawang kamay niya. "It's fine with us. We are one here. Kung sino man ang may problema dito, handa naming damayan at tulungan. Kaya please magbati na kayo ni Jongin. Hindi niya rin kakayanin kung wala ka." tinignan ni Seohyun ang mga mata ni Kyungsoo. Namumuo na ang mga luha pero hindi pa pumapatak.
"Okay sige, fine. Para sa inyo." ngumiti si Kyungsoo. "TALAGA BA?" naexcite siya bigla. "HYUNG!" sigaw ni Jongin. "Bakit Jongin?" sabay sila ni Seohyun. "Si Suzy.... patay na!" napanganga ang dalawa. "W-what happened? Bakit parang biglaan?" tanong ni Seohyun. "Car accident." simpleng sabi ni Jongin. Lumapit si Kyungsoo kay Jongin at bumulong. "Ayusin mo gago! Gusto na nga makipagayos ng asawa mo e. Ganyan ka pa? Ano?" bulong niya.
"Fine." medyo nagdadalawang isip pa siya. Siniko siya ni Kyungsoo. "Seohyun...." panimula niya."I am sorry." he said. Tinitignan lang siya ni Seohyun. "I'm sorry for everything. Sana hindi ko tinaasan ang pride ko. Dapat nakinig ako sa'yo. Kung ginawa ko lahat ng 'yun, sana hindi mangyayari sa atin ito. Sana hindi mangyayari sa'yo 'yan. Will you give me another chance? I can assure you hindi ko na sasayangin ito. Please?" he beg her. Hindi mapigilan ni Seohyun na maiyak.
"I'm sorry din, Jongin. I never knew din na may gustong sumira ng buhay ko matagal na. Sorry kung sobrang pasaway din ako. I also realized na ikaw nalang ang natitira sa buhay ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka sa tabi ko." wala nang sinabi si Jongin at niyakap na ng mahigpit si Seohyun. "Ahem.... may tao pa dito?" singit ni Kyungsoo.
Pumunta si Jongin sa kwarto kung saan na-confine si Suzy. Same hospital lang kaya mabilis siyang nakadalaw. "Kai!" sigaw ni Min, ka-grupo ni Suzy. Nandoon pa silang magkakagrupo."Nakikiramay po ako. Sorry po kung kasalanan ko." sabi ni Jongin. "No don't blame yourself. It's Youngmin's fault." nag-turn into fist ang kamay ni Jongin. "And si Taemin nga pala. Bago mamatay si Suzy sinabi niya sa akin na na-kidnap si Taemin. Si Youngmin din ang may gawa." sabi pa niya.
BINABASA MO ANG
I'm Just Your Bestfriend 2: If She's Alive {completed}
Fanfiction{completed huehuehe} I'M JUST YOUR BESTFRIEND BOOK 2. Read "I'm Just Your Bestfriend" first and then read this afterwards :)