CHAPTER 9- { "IS THIS THE END?" }
"SUZY?!" biglang napahawak si Seohyun sa tiyan niya. Inisip niya kung ano ang gawin niya sa anak niya. "I'm back!" sabay tawa ng malakas. "Bwisit ka! Bakit ka nandito?! Masaya na kami!" sigaw ni Seohyun. Sobrang nanginginig na siya. "Chill ka lang. Nandito lang naman ako para sabihin sa iyo na ingat mo na ang asawa mo. Baka kasi bukas, wala na siya sa'yo." ngumisi siya at umalis na. Huminga si Seohyun ng malalim. Ayaw niyang mastress kasi alam niyang makakaapekto 'yun sa baby.
"Okay ka lang?" sabi ni Baekhyun habang kumakain sila. "Kanina ka pa tulala." dagdag niya. "A-ah.. okay lang ako." sabi ni Seohyun. "Uy huwag ka masyadong stress ha. Bad sa anak mo." sabi ni Ann. Pinatira muna nila si Ann sa dorm at kinukulit siya ng mga members na akitin si Chenchen pero hanggang ngayon ay hindi siya pinapansin.
"Ano pagkain Kyungsoo?" sabi ni Chenchen. "Chicken!" sabay sina Kyungsoo at Ann. Tumingin ng masama si Chenchen kay Ann. Pinalo nga ni Seohyun. "Umayos ka huy!" bulong ni Seohyun.
Sumunod na araw ay umalis ang ibang members. Nasa salon para magpakulay ng buhok. Tapos na ang iba kaya nasa dorm lang sila. Red hair si Kyungsoo, blond si Baekhyun, si Chenchen light brown.
"Kyungsoo pakilabas yung tubig." sabi ni Chenchen. "Ann bigay mo kay Chen yung tubig. Aayusin ko lang tong niluto ko para sa ibang members kasi mamaya pa sila uuwi." favor ni Kyungsoo. Noong natapos na ilagay sa container ni Kyungsoo ang mga ulam, nakita niya sina Ann at Chen na nag-aaway. "Ikaw ba si Kyungsoo ha? Bakit ikaw kumuha ng tubig?" iritang-irita si Chenchen. "Inutusan ko siya, Jongdae. Inayos ko kasi yung uulamin ng iba para mamaya." sabi ni Kyungsoo at huminga ng malalim. "Bakit ka ba kasi nandito? Nakakairita!" sigaw ni Chenchen kay Ann. Namumuo ang mga luha sa mata ni Ann. Tumakbo siya palabas. Hahabulin sana ni Seohyun pero buntis siya. Sinundan nalang siya ni Baekhyun.
"Bakit kailangang sigawan? Sobrang happy siya para sa'yo. Kung ayaw mo sa kanya, huwag mo namang ipamukha sa kanya! Ayos ka, Jongdae." binagsak ni Seohyun ang tinidor niya at umakyat. "Kabahan ka na, hindi ka tinawag ni Seohyun na Chenchen." sabi ni Kyungsoo.
"Naks naman Jongin! HAHAHAHAHAHAHAH!" pinagtatawanan siya nina Luhan at Sehun. "Ano problema niyong dalawa sa akin ha?" tumatawa na din yung ibang members. "Bakit niyo ako pinagtatawanan ha? Ano nanaman ang inside joke niyo mga punyemas kayo!" sabi ni Jongin, mas lalong sumabog tawa ni Sehun.
Pagkabalik nila sa dorm, napansin kaagad nila na tahimik. Nasa sofa sina Seohyun, Kyungsoo at Chenchen. Nagtataka sila bakit hindi nagpapansinan ang tatlo. "Nasaan si Baekhyun at Ann?" tanong ni Xiumin. "Naks naman Jongin!!!!!!!!!!!" sabi ni Chenchen. "Ano bang meron ha? Isang isa nalang!" tumawa nanaman sina Luhan at Sehun. "Wow, mas maputi pa buhok mo kaysa sa'yo." sabi ni Seohyun.
{a/n: image beside}
"HAHAHAHAHAHAHAHA" tawa naman sila. Tinabihan ni Jongin ang asawa sa sofa. "Ayun yung dahilan kung bakit kami tumatawa ni Luhan hyung kanina." sabi ni Sehun. Binatuhan ni Jongin si Sehun ng unan. "Katuwa yon ha? Katuwa Sehun? Luhan hyung?" sabi ni Jongin sabay bato ulit ng unan. "HAHAHAHA joke lang! Sandali nga labas muna ako. Punta ako sa jowa ko." sabi ni Sehun at lumabas na. "Ako rin! Punta ako kay Shaina. Wait lang Sehun!" tumakbo si Luhan palabas.
"Ikaw Jongin saan ka pupunta?" tanong ni Kyungsoo sa kanya. "Sa puso ni Seohyun." kumindat si Jongin sa asawa niya. Binato siya ng unan ni Seohyun. "Korni mo!" sabi ni Seohyun. Magsasalita na sana si Jongin nang biglang dumating si Baekhyun.
BINABASA MO ANG
I'm Just Your Bestfriend 2: If She's Alive {completed}
Fanfic{completed huehuehe} I'M JUST YOUR BESTFRIEND BOOK 2. Read "I'm Just Your Bestfriend" first and then read this afterwards :)