Last Chapter.
Pumunta ang EXO sa huling hantungan ni Suzy. Nakiramay sila. "Hoy! Mga hayop kayo! Kayo ang may kasalanan kung bakit namatay ang anak ko!" sigaw ng nanay ni Suzy. Si Pauline naman, umiiyak. Kasama niya sina Myungsoo at si Sehun na jowa niya. Wala silang imik dahil alam naman nila na wala silang ginagawang masama. May mga lumapit na pulis sa nanay ni Suzy. "Hinuhuli ka namin." sabi ng mga pulis sa kanya.
"Bakit naman?! Bakit ngayon pa? Hindi niyo ba nakikita? Wala na ang anak ko!" sabi niya. "Madaming ka pang kaso at yung iba doon ay pang habangbuhay na pagkakakulong." hinanda na nila ang handcuffs at pinapasok na siya sa sasakyan. Matapos ang eksenang iyon ay bumalik na sila sa dorm. "Ang huhulihin nalang talaga ay si Kim Youngmin. Napatunayan na kasi siya ang may gawa ng lahat ng ito. Tsaka sa pagpatay sa magulang ni Seohyun."sabi ni Suho. "Saan kaya hiding place nila? Kawawa naman si Taemin." sabi ni Baekhyun.
"Shet ang baho!" angal ni Chenchen. Hawak hawak niya kasi ang anak ni Jongin. Si Seohyun nandoon sa kusina. Nagluluto siya kasama si Kyungsoo. "Ano ba 'yan Jongdae! Hugasan mo muna kasi yung pwet ni Kaira! Huwag mong ibuka yung diaper na puro tae! Kumakalat yung amoy sa buong dorm jusko ka!" pinalo ni Baekhyun si Chenchen. Si Chenchen kasi ang nagpapalit ng diaper ni Kaira.
"Paano ka magiging asawa kay Ann kung ayan lang hindi mo alam?" sabi ulit ni Baekhyun. Sobrang priceless ang mukha ni Chenchen. "Ayan Baekhyun amoyin mo para mabuhayan ka sa mga pinagsasabi mo." pinaamoy ni Chenchen ang maduming diaper ni Kaira sa kanya. "Hala ang baboy! Ahhh" tili ni Baekhyun. Nakita ni Jongin na umakyat si Seohyun kaya sinundan niya.
"Wifey.." niyakap niya mula sa likod si Seohyun. "Ano?" sabi niya. "Wala. Sana matapos na ang lahat ng ito noh?" sabi ni Jongin. Huminga lang ng malalim si Seohyun. "Matatapos din ito ha? I love you, Seohyun." hinalikan niya ang noo ni Seohyun. "I love you too."
"Sunugin mo ang dorm ng EXO." utos ni Youngmin sa mga alagad niya. "Oh?! Ano pa ang tinatambay niyo diyan?! Gawin niyo na!" ayaw kasing sumunod ng mga alagad. Umay na sila sa pinapagawa ni Youngmin. Iniisip niya kung siya nalang ang gagawa pero narealize niya na wanted siya. Pinuntahan niya si Taemin sa kabilang kwarto.
"Taemin? Taemin! Gising Taemin!" nakahiga siya sa sahig pero hindi sumasagot. "Taemin! Gising!" binuhat niya si Taemin at nag-disguise muna siya at nag-drive na sa pinakamalapit na ospital. Nakadating na siya sa emergency room at hiniga na kaagad si Taemin sa hospital bed. Napansin ng mga nurse na si Taemin ito at si Youngmin ang kasama niya kasi nasa balita ito buong linggo.
"Ano po nangyari sa pasyente?" tanong ng nurse. "Nawalan ng malay. Please paki-tignan po." yung ibang nurse ay tumawag na ng pulis. Matapos ng isang oras ay ililipat na si Taemin sa isang kwarto. "Kamusta siya? Okay na siya?" tanong ni Youngmin. "Okay na po siya. Ililipat lang namin siya sa kwarto. Dito lang po kayo." sabi ng nurse. "Anong hindi pwede? Kasama ko siya!" sigaw ni Youngmin.
"Kim Youngmin, you are under arrest." dumating na ang mga pulis. "Hindi niyo ako pwedeng hulihin si Taemi—" hindi na siya pinagsalita ng pulis. "May karapatan kang manahimik! Tinawagan na namin ang mga ka-miyembro niya para puntahan siya. Ikaw naman ay ikukulong ka na namin. Madami kang haharapin na kaso!" nilagyan na siya ng posas.
"Paano ang kompanya ko?!" sigaw niya habang pinapasok na siya na mga sasakyan. May mga media na rin. "Puro pera lang alam mo! Alis na! Mabulok ka sa kulungan!" sigaw ng isang reporter. Tumawag na ang mga pulis kay Minho at sinabi na nakita na si Taemin at nasa hospital siya. Kaagad silang pumunta ng hospital kasama ang EXO.
"Pwede niyo po siyang bisitahin." sabi ng nurse sa kanila. Si Ann, sobrang bilis ng paglakad. Pagkapasok niya ay bigla niyang niyakap si Taemin. "Huwag ka namang ganyan oh?" sabi ni Ann. "Hindi ko pa nasasabi na mahal kita e! Sasagutin na kita huy!" sabi niya pa. "Weh?" sabi ni Chenchen. "Selos ka naman Jongdae." bulong ni Baekhyun.
"Nililigawan ni Taemin si Ann?" tanong ni Baekhyun kay Jongin at tumango lang siya. "Ano? Mahal mo na rin ako?" napatayo bigla si Ann nang makita niyang nakadilat si Taemin. "Huh?" priceless ng mukha ni Ann. "Mahal mo ako? Mahal kita!" sabi ni Taemin at ngumiti siya.
"Hoy Taemin! Masyado ka atang natuto sa akin?" sabi ni Minho. "Ayiiiie Chanyeol! Kinikilig ako!!" sigaw ni Baekhyun habang pinapalo palo si Chanyeol. "Taemin naman e!" iyak ni Ann habang pinapalo ng mahina si Taemin. "Aray babe! Masakit katawan ko. Kiss mo nalang ako para gumaling ako. Hehe." ngumuso si Taemin. "Jjong shet! Ang manly na ng baby boy natin!" tili ni Key at nakipag-apir kay Baekhyun.
"Teka, sasagutin mo na ba ako?" linapit ni Taemin ang mukha niya kay Ann. "Pffft. Oo na." nagsitilian ang nasa kwarto. Yung isa diyan ay hindi na maipinta ang mukha niya.
Isang oras ang nakalipas at medyo tumahimik na ang kwarto. Umalis ang iba para mamasyal. Si Chenchen ay hindi pa din nag-momove on sa nangyari kanina. Nalulungkot siya. "Hindi. Hindi. Okay ka lang Kim Jongdae. Okay ka lang!" sabi niya sa isipan niya habang nakatingin kina Taemin at Ann. Tapos biglang nagsubuan ang dalawa ng pagkain. "Oh how I wish that is me. SHET ano ba!" sabi niya ulit sa isip niya. At mas lalo pa siyang nabadtrip noong napansin niya ang mga katabi niya. Sina Sehun natutulog kasama si Pauline sa sofa. Sina Jongin at Seohyun nagkukulitan kasama ang anak niya. Sina Luhan at Shaina naman nagdedebate kung ano ang bibilhin na Hello Kitty plushie sa online. Tapos sina Baekhyun at Chanyeol nagkikilitian sa gilid.
"Aba! Hindi ko na alam kung kwarto ba ito ng pasyente o kwarto sa mga mag-jowa?" hindi na natiis ni Chenchen. Lahat nagtinginan sa kanya at napansin nila na siya lang ang single doon. "Hustisya naman oh!" ngawa niya pa. "Uy hindi naman kami mag-jowa ni Baekhyun. Chill ka lang Chenchen!" sabi ni Chanyeol at lumabas nalang siya ng kwarto. Hindi niya alam sinusundan siya ni Taemin.
"Chen." simpleng sabi ni Taemin. Nagulat siya. "Uy! Balik ka na sa kwarto mo at baka kung ano pa ang mangyari sa'yo." umiling si Taemin. "Alam kong nasasaktan ka. Nakwento kasi sa akin ni Baekhyun." napayuko lang si Chenchen. "You like her, right?" tanong ni Taemin. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. "Pero kasi kung pinansin mo siya una palang at kung hindi mo siya iniwasan, baka sa'yo siya ngayon." mas lalong nalungkot si Chenchen.
"Pero thankful ako. That girl helps me heal so fast! I think para sa akin talaga siya?" natawa silang dalawa. "Hoy! Alagaan mo siya ah!" sabi ni Chenchen. "Oo naman!" nag brofist silang dalawa. "Saan ka ba pupunta ha?" tanong ni Taemin. "Ay sa CR! Naiihi na kasi ako e!" dumiretso na sila sa CR at sabay umihi.
Makalipas ang dalawang buwan ay naayos na ni Jongin ang bagong plano niya. "Sasabihin ko na sa public na kasal ako at mag-ppropose ulit ako sa kanya. Gusto ko ulit magpakasal sa kanya." sabi niya kina Suho at Kris. "Wala na namang makakapigil sa'yo e. Kaya gora na!" sabi ni Suho. Nakabihis na ang lahat at walang kaalam alam si Seohyun sa mga nangyayari.
Nandoon na ang lahat sa events place at nilagyan ni Taemin si Seohyun ng blindfold. "Nasaan ba tayo Taemin ha?" rinig nila si Seohyun. "Teka, bakit ang dilim? Taemin naman e! Kawawa naman si Jongin at hindi siya makikita!" nagpipigil na ang tawa ang iba. Bumukas ang ilaw at kaagad nilapitan ni Jongin si Seohyun. Buhat buhat rin ni Jongin ang anak nila.
"Seohyun, please say yes or no." hindi alam ni Seohyun ang nanyayari kaya tinitigan niya lang si Jongin. "Will you marry me.....again?" nagsitilian ang mga tao. "No secrets anymore. Let's be transparent here." sabi niya pa. "Yes Jongin! I will marry you again!" niyakap niya si Jongin at hinalikan niya ang anak nila.
"Ako wala?!" reklamo niya. "Wala." sabi ni Seohyun pero sabay halik niya sa labi ni Jongin. Namula siya.
Matapos nun ay sumayaw na sila. Lahat nasa gitna at nagsasayawan. "Jongin." Seohyun broke the silence. "What wifey?" tanong ni Jongin. "Gumising ka na. They're waiting for you." hindi maintindihan ni Jongin kung ano ang sinasabi niya. "Ano ba pinagsasabi mo?" tanong niya. "Come back. Wake up now."
BINABASA MO ANG
I'm Just Your Bestfriend 2: If She's Alive {completed}
Fanfiction{completed huehuehe} I'M JUST YOUR BESTFRIEND BOOK 2. Read "I'm Just Your Bestfriend" first and then read this afterwards :)