-SECOND PART-
Katatapos lang ng huling subject niya ng araw na iyon at nagpahuli siya sa paglabas ng room. Matapos iayos sa kahon ang mga cookies na ibinake niya eh lumabas na siya ng kwarto. Nakatingin siya sa kanyang bag at hinahanap ang kanyang cell phone at nagulat na lang siya ng tumilapon ang kahon ng cookies na hawak niya at siya’y napaupo sa sahig.
Pag-angat niya ng mukha, si Adrian pala ang nakabungguan niya.
“Miss, are you okay?” tanong nito sa kanya.
“Yeah, I’m fine.” Aniya at pinulot ang nakaplastic na cookies. Mabuti na lamang at naisipan niyang ilagay muna sa plastic bago ikahon ang mga cookies kaya pwede pa iyong kainin.
“Hmm, ikaw yung kasama ni Toby last time. By the way, I’m Adrian. Sorry, hindi kita napansin. Nabunggo tuloy kita.”
“It’s okay. Hindi rin naman ako nakatingin sa dinadaanan ko eh. Sige, mauuna na ako”
“Hmm, ikaw ba ang nagbake ng mga cookies nay an?” tukoy nito sa mga tumilapong cookies.
“Yeah! Wala kasing gustong tumikim maliban sa akin at sa teacher naming kaya iuuwi ko na lang.”
“Pwede ba akong manghingi? Mukha siyang masarap. Pwede ba?”
“Hmm..sure, pero wag kang mabibigla sa lasa ha! Kung hindi ka masarapan, okay lang na iluwa mo. Hindi ako magagalit!” at inabutan ng dalawang cookies ang binata.
“Hey, you sure are a good cook. Ang sarap nitong cookies. Ikaw ba talaga ang nagbake nito?” anang binata.
“Oo naman, wala namang iba eh. Hindi naman ako pwedeng bumili para ipakita sa teacher di ba? Sure ka ba na nasasarapan ka?Baka naman gusto mo lang pagaanin yung loob ko then mamaya, pagtalikod ko eh bigla mo yang iluwa.”
“Hindi ako nagbibiro. Masarap siya talaga. Teka, kanina pa tayo nag-uusap pero hindi ko pa alam ang name mo. You are?”
“I’m Andy!”
“Nice meeting you Andy. Sana matikman ko pa yung ibang mga binake mo.”
“Marami namang nagbibigay sa’yo eh. Narinig ko nga yung mga classmates ko, ibibake daw nila yung pinakamasarap para ibigay sa’yo at dun sa kaibigan mo. Talagang popular kayo dito sa school no?!”
“Hindi naman masyado. Yung mga binibigay naman nila saken, kung hindi super tamis, super duper tamis. O kaya naman minsan, hindi ko gusto yung mga food na niluluto nila at bibigay nila saken. Nahihiya lang ako na hindi tanggapin.”
Nasa kasarapan sila ng pag-uusap ng dumating si Toby.
“Hey Adrian, kanina ka pa hinahanap ni coach. Kanina pa ako tawag ng tawag sa’yo pero mukhang naka silent ata yung phone mo.” anang binata na hindi napansin na naroon ang dalaga,
“Toby, this is Andy. Hope you can still remember her? Binigyan niya ako ng cookies na binake niya and it was delicious.”
Paglingon ng binata sa direksyon niya ay nakilala siya agad nito.
“At kelan pa kayo naging close? At mukhang nagkakasayahan kayo?” anang binata na hindi naitago ang sarkasmo sa tinig niya.
“ Sige Adrian, nice meeting you. Mauuna na ako at baka mahirapan akong makasakay.” At tumalikod na at hindi man lang tinapunan ng tingin ang binatang dumating.
“Anong problema non?”
“Baka ikaw! Hahaha. Humihina na ata ang charms mo sa mga babae. Well, she seems to be nice girl. Magaling pang mag-bake. At hindi naman siya suplada. Masarap din siyang kausap.”
“Tara na nga! Kung ano ano pang sinasabi mo. Lagot ka kay coach.” Pero sa isip-isip ng binata ay naiinis siya na hindi niya mawari. Bakit sinusungitan siya ng dalaga samantalang mabait naman ito sa kaibigan niya.
-
BINABASA MO ANG
COOKIES
Short StoryKung gaano katamis ang cookies eh kasing pait naman ng ampalaya ang buhay niya. Wala siyang gaanong kaibigan at parati siyang mag-isa tuwing break time. Then, all of a sudden, bigla niyang nakilala, as in face to face, ang hearthrob ng kanilang camp...