The Invitation

60 2 3
                                    

-FOURTH PART-

Natutuwa si Andy sa mga bagay na nalaman niya tungkol sa binata. Kapareho niya rin pala ito noon na ordinaryo pero pinagsikapan nitong mapabuti ang physical na anyo para ipamukha sa babaeng inibig na nagkamali ito na ipagpalit ito sa iba.

“Pareho pala nating first time manood ng sine na may ibang kasama.” Ani Andy.

“Oo nga eh. Pasensya ka na kung masyado akong madaldal. First time ko din kasing makipag-usap ng seryoso sa isang tao. They don’t really want to know the real me, well except for Adrian of course dahil best friend ko siya.”

“I’m glad at pinagkatiwalaan mo ako sa mga bagay-bagay na personal tungkol sa’yo. Hindi ka naman pala arogante. Hehehe!”

“How about you? Bakit parati kang nag-iisa? Bakit parati kang nag-iisa? Loner ka ba talaga?” tanong ng binata sa kanya.

“Actually, hindi naman talaga ako loner. I’m a jolly person. Madami akong kaibigan. Hindi ako mahirap pakisamahan. Madalas, ako ang nagbibigay saya sa mga kaibigan ko. I really trusted them. Lahat ng tungkol sakin, kinuwento ko sa kanila. Then, one day, a transferee came to our school. His name is Vinz. Lahat ata ng kababaihan eh nahumaling sa kanya. Dahil magkalapit ang apelyido naming kaya naging mag seat mate kami. Lahat ng kababaihan eh inggit na inggit sa akin. Dahil nga magkatabi kami kaya parati kaming mag-kausap, then eventually, naging close kami, at ikinasama iyon ng loob ng mga kaibigan ko. Isang araw, dinala nila ako sa storage room. Doon, kinompronta nila ako. Ang landi landi ko daw. Feelingera daw ako. Traydor daw ako. Alam ko naman daw na gusto nila si Vinz pero nilandi-landi ko pa daw. It really hurts na malaman na ganun ang tingin nila sa akin.” Napapaiyak na kwento ni Andy na animo naiiyak sa movie na pinapanood nila.

“They ripped out my uniform at ini-lock nila ako sa loob ng storage room. Mabuti na lang at nadala ko yung cell phone ko kaya kinontak ko agad si Vinz para tulungan akong makalabas sa storage room. Simula noon, lumayo ako, hindi lang kay Vinz kungdi pati sa mga itinuring kong kaibigan. Parati na akong nag-iisa. One time, Vinz asked me out. May sasabihin daw siya sa akin. Nung pagdating ko sa meeting place, nandoon na siya. We ate first then we went to a park para mag-usap. He asked me kung bakit daw ako naging ilag sa kanya. Sabihin ko daw sa kanya kung may nagawa siyang mali. Sinabi ko sa kanya na mas mabuting hindi kami nag-uusap para walang problema,para walang gulo. I told him na nagkagalit kami ng mga itinuring kong kaibigan because they were jealous of me. He said that they don’t care about them. Right there and then, he confessed to me. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Tapos bigla niya akong niyakap.”

“So, naging kayo ba nung guy? Did he protected you?”

“Hmm,sad to say but no. He didn’t protect me at all.”

“Bakit, anong nangyari?” asked Toby na interesado sa ikunukwento ng dalaga.

“Naging kami pero hindi naging madali. Yung mga gamit ko, parating nawawala tapos makikita ko na lang, nasa basurahan na. Then nakakatanggap ako ng mga letters mula sa mga babaeng may gusto sa kanya at tinatakot ako. Hindi ko na sinasabi kay Vinz yung mga bagay na yun. Tapos, one time, papunta ako sa meeting place naming, nakita ko na kausap niya yung mga kaibigan ko dati. Na-curios ako sa kung ano yung pinag-uusapan nila. Narinig ko mula sa kanya na nanalo siya sa bet nila dahil napasagot niya ako. Parang gumuho yung paligid ko sa mga narinig ko. Tapos nakita nila ako, bigla akong tumakbo palayo. He ran after me at naabutan niya akong umiiyak. He wanted to explain pero ano pa bang dapat niyang i-explain di ba? Niloko niya lang ako. After that, I transfer to another school at simula noon, hindi na ako nakipag-kaibigan pa. End of story.”

“I want to punch that guy! Ang kapal ng mukha niya. He deserved to be beaten up to death.” Ani Toby na ikinatawa ni Andy.

“Bakit ka tumatawa?”tanong ng binata.

“Wala lang, natutuwa ako sa’yo kasi parang mas galit ka pa sa kanila kesa sa akin. Thanks nga pala sa pakikinig mo sa akin. Hindi tuloy natin naintindihan yung palabas.”

“Okay lang yun no? Thanks din dahil pinakinggan mo din yung kwento ko. So, san ba tayo pupunta after the movie?” tanong ng binata.

“Well, I’m planning on going home after the movie. Baka gabihin ako masyado.”

“By the way, are you planning on going tomorrow night? I mean, sa party bukas.”

“No, I don’t have any plan on going there. Niyaya nga ako kanina ni Adrian pero sabi ko hindi ako pupunta.”

“Bakit naman? I can be your escort, if you want?”

“Sorry pero wala akong balak pumunta. Maghanap ka na lang ng iba. Baka naman masabunutan ako pag nakita nilang kasama mo ako. Hahaha!”

“Grabe ka naman. Hindi ka naman nila masasabunutan kung kasama mo ako. Sige na, pumayag ka na. Please.” Waring nagmamakaawang bata.

“Sorry pero hindi mo ako mapipilit. Let’s go. Lumabas na tayo dahil hindi naman natin maiintindihan yung movie eh. Hindi natin nasimulan ng maayos.” At tumayo na siya sa kanyang kinauupuan.

Habang naglalakad sila palabas ng mall ay biglang huminto ang binata.

“Gusto mo bang ihatid kita sa inyo? Dala ko naman yung kotse ko eh. Baka mahirapan kang sumakay ngayon, Friday pa naman.” Alok ng binata sa kanya.

“Naku, wag na no? Baka mapalayo pa yung way mo pauwi kung ihahatid mo pa ako. Thanks na lang sa panlilibre mo sa food at sa movie. Next time, papatikim ko sa’yo yung binake ko in exchange. Bye!” at tumalikod na ang dalaga. Napakagaan ng pakiramdam niya. Waring kinikilig siya na hndi niya mawari kaya bigla niyang sinita ang sarili.

“Naku, Andrea, tigilan mo yang nararamdaman mo. Mali yan. Isa lamang siyang kakilala at isang ilusyon na kalianman ay hindi pwedeng magkatotoo.” Aniya sa sarili.

COOKIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon