The Make-over

63 3 2
                                    

-SIXTH PART-

Waring nadismaya si Toby na hindi makausap ng matagal ang dalaga. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. He got a lot of girlfriends around who always cling to him. Hindi siya nawawalan pero ni isa sa mga yun ang nakapagparamdam sa kanya ng ganoon. Maybe he just wanted to have a real friend na makikinig sa kanya maliban kay Adrian. Tama, ganoon nga, aniya sa sarili.

Kinabukasan, maagang gumising si Andy. Nag-aalmusal siya ng bumaba ang kuya niya.

“Himala, maaga ka atang gumising ngayon. Anong meron? Don’t tell me may date ka.”

“bakit, masama bang gumising ng maaga? Wala akong date no?! Ang adik mo talaga kuya. Teka, nasan nga pala sila mama? Hindi ko pa sila nakikita mula pa kagabi.”

“hindi ko ba nasabi sa’yo? Umuwi sila ng province kasi may namatay tayong kamag-anak. May mga pasok tayo sa school so hindi na tayo isinama pa. At dahil diyan, ako ang masusunod dito, okay? Dali, ipagtimpla mo ako ng kape at ipag-toast mo ako ng bread.” Utos nito sa kanya na animo hari.

“Ayaw ko nga. Bahala ka. Susumbong kita kina mama. Kala mo hindi ko alam na may kasama kang babae sa kwarto mo kagabi ha? Ah, alam ko na tatawagan ko na sila ngayon para malaman nila kung anong kalokohan ginagawa mo sa tuwing wala sila. Bleh!”

“Aba, aba, gumaganyan ka na ngayon ha!” at nilapitan siya nito upang kilitiin.

Masaya silang nag-almusal ng kuya niya, Naglinis siya ng bahay at naglaba. Pagod na pagod siya kaya naman nakatulog siya at hindi niya namalayan ang oras, Pag gising niya eh hapon na pala at hindi pa siya nakakaligo. Nalimutan niya rin na susunduin siya ni Adrian. Naghihilamos siya ng biglang may mag doorbell. Walang magbubukas na iba dahil umalis ang kuya niya bago mananghali.

Nagpunas muna siya ng mukha bago buksan ang pintuan. Laking gulat niya ng makita si Adrian.

“Hi! Good afternoon. Mukhang kagigising mo lang ah! Nasobrahan ka naman ata sa beauty rest.”

“Naku, sorry! Hindi pa ako nakakaligo. Naglinis pa kasi ako ng bahay eh. Sa sobrang pagod ko, nakatulog ako at nalimutan ko na pupunta ka pala dito. Pasok ka. Maliligo lang ako saglit.”

At pinatuloy niya ang binata. Iniwan niya ito sa sala. Binuksan niya ang tv para hindi ito mainip sa paghihintay sa kanya. 15 minutes lang ata siya naligo dahil nahihiya siyang paghintayin ang binata.

Simpleng blouse at jeans ang suot niya at pinartneran niya ng sneakers. Hinayaan niya lang na nakalugay ang kanyang buhok.

“Pasensya ka na kung ganito ang get up ko. Wala kasi akong pambabaeng damit eh.”

“It’s okay. I told you, akong bahala sa’yo. So paano, tara na!” at iginiya siya nito palabas ng bahay nila. Inilock niya muna ang pinto bago sumakay sa kotse nito.

Nagtungo sila sa isang salon. Pinagtitinginan sila ng mga naroroon ng pumasok sila sa loob. Kilalang kilala ang binata ng mga staff doon. Halatang suki na ito. Kinausap nito yung pinakamanager at sinabing ayusan siya for a masquerade party.

Hinot-oil muna ang buhok niya, then ginupitan ng onti bago inayos. Nilagyan ng curler ang hair niya. Habang hinihintay na matapos ang hair niya eh inayusan na siya. Minake-upan siya. Nang matapos, hindi siya makapaniwala sa nakita niya sa salamin. Animo ibang tao ang nakikita niya.

“Okay, done! Maganda ka naman pala eh. Hindi ka lang nag-aayos.” Anang babaeng nag-ayos sa kanya. Then, tinawag na nito si Adrian na nasa may waiting area at nagbabasa ng magazine.
“Oh God! You look stunning. You look different. Sabi ko na nga ba at may itinatago kang ganda eh. Let’s go. We have to get you something to wear.”

“Hindi ba nakakahiya na nakaganito ako? Hindi ako sanay na naka make-up eh. Nakakailang.”

“No,wag ka ngang paranoid. You’re beautiful kaya okay lang yan. C’mon!” at hinawakan nito ang kanyang kamay. Animo sila magkasintahan habang namimili sila ng isusuot niya para sa party.

Ito mismo ang namili ng isusuot niya. Isa iyong black dress na hapit sa kanyang katawan. May mga small beads na nakatahi sa bandang ibaba ng damit na kumikinang sa tuwing tinatamaan ng ilaw. Ito rin ang pumili ng sapatos niya pati mask na isusuot niya. Nang matapos makapamili eh nag-aya ang binata na kumain muna sila.

“Hindi ka ba naiilang? Kanina pa tayo pinagtitinginan ng mga tao?”

“Ano ka ba, wag mo silang pansinin. Kumain ka na lang. Inggit lang ang mga iyon sa iyo. Then, pwede na tayong magpalit dahil dederetso na tayo sa school. It almost started by this time.”

Minadali nila ang pagkain then nagpalit sila sa mismong comfort room ng restaurant na kinainan nila.

“Well, well, well. I’m thankful at napapayag kita na umattend. You look gorgeous in that outfit.”

“Tigilan mo na nga ang kakapuri sa akin. Tara na, at para makauwi ako ng maaga.”

Hinawakan nito ang kanyang siko upang alalayan siya sa paglalakad. Nagulat siya ng bigla itong bumulong ng “The guys are looking at you!”

Namula naman siya dahil hindi niya inaasahan ang ginawa nito. Sa tingin niya eh nananaginip siya ng mga oras na iyon. Bigla namang sumagi sa isip niya si Toby. Kung may kadate din ba ito.

“Hindi!” utal ni Andy na ikinalingon ni Adrian.

“May problema ba? Anong hindi?”

“Ah,wala, wala. May naisip lang ako bigla. Malapit na tayo sa school so isusuot ko na tong mask para hindi ako mailang sa kung sino mang makakasalubong natin.” At isinuot na niya ang mascara na tumatabing sa kalahati ng kanyang mukha kaya naman walang makakakilala sa kanya maliban kay Adrian.

“Okay,here we are!” ani Adrian. Matapos i-park nang maayos ang kanyang sasakyan, ipinagbukas nito ng pinto ang dalaga. “Shall we go?”

COOKIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon