-FIFTH PART-
Kalahating oras na ata siyang nakatayo subalit wala pa ring jeep na dumarating. Punuan ang lahat ng pampasaherong jeep. Hindi naman siya pwedeng sumabit dahil baka malaglag siya. Maya-maya ay may humintong kotse sa harapan niya. Pagkababa ng windshield, nakita niya si Toby.
“C’mon, hop in! Baka magkaugat ka diyan eh hindi ka pa rin nakakasakay.”
Wala na siyang nagawa kungdi sumakay dahil napapagod na siya sa kakatayo.
“Mabuti na lang at naisipan kong mag-u-turn. Iniisip kong baka hindi ka pa nakakasakay.”
“Kaya naman pala ako hindi makasakay kasi iniisip mong sana hindi pa ako makasakay. Hahaha. Kidding aside, thanks huh! Nakakahiya naman sa’yo. Kahit sa may EDSA na lang ako bumaba para hindi hassle sa’yo. Dun na lang ako sasakay pauwi.”
“Ano ka ba? Ihahatid na nga kita di ba? Saka wag ka ng mahiya kasi ako naman ang nag-alok eh. Okay? Ituro mo na lang sa akin ang daan patungo sa bahay ninyo.”
At bumiyahe na sila patungo sa bahay nila Andy. Habang nasa biyahe ay marami silang napagkwentuhan. Movies, quotes, philosophy sa buhay, favorite food, color, etc. Ang inaakala niyang suplado at aroganteng binata ay isa palang makwela at gentleman. Animo mag best friends sila at super gaan ng loob nila sa isa’t isa habang nag-uusap.
“Okay, andito na tayo sa amin. Maraming salamat talaga ah! Hindi na kita aanyayahan na magkape man lang sa loob kasi gabi na eh. Baka lalo kang gabihin pauwi sa inyo. Thanks talaga.” At binuksan na niya ang pinto ng sasakyan para lumabas.
“Ahm, Andy, pwede ko bang malaman yung cell phone number mo?” waring nag-aalinlangang tanong ni Toby.
“Hmm, sige pero wag ka umasa na rereplyan kita ha kasi hindi ako madalas nagloload kasi wala naman akong tinitext.” At ibinigay ng dalaga ang kanyang numero sa binata bago lumabas ng sasakyan.
Pagpasok niya sa bahay ay sinalubong siya agad ng kanyang kapatid.
“Hey, sino yung naghatid sa’yo? Boyfriend mo ba yun?” tanong ng kuya niya.
“Kuya, kaibigan ko yun at nagmagandang loob lang siya na ihatid ako dahil mahirap sumakay, okay? Masyado kang paranoid eh.”
“SIguraduhin mo lang dahil kung hindi, bubugbugin ko yung ugok na yun.” Anang kuya niya.,
“Hahaha! Ang adik mo kuya. Sige, akyat na ako sa kwarto. Hindi na ako kakain dahil busog pa ako eh. Good night!”
At tumuloy na siya sa kanyang kwarto. Napakalaki ng ngiti sa kanyang mga labi at hindi niya maiwasang balikan ang mga pangyayari ng araw na iyon.
Matutulog na sana siya ng biglang tumunog ang kanyang cell phone. Tumatawag si Adrian.
“Yes, hello?” aniya.
“Hi, good evening! Nakakaistorbo ba ako? Matutulog ka na ba?” tanong ng nasa kabilang linya.
“Hindi naman, matutulog pa lang naman ako eh pero okay lang, hindi pa naman ako masyadong inaantok. Bakit ka nga pala napatawag?”
“Well, para kulitin ka na umattend tomorrow night. Sige na, please? Attend ka na. Don’t worry about anything, I’ll buy you dress and bring you to a salon. Sige na. Pagbigyan mo na ako. We’re friends right?”
“Hmmmm….let me think…Hindi o hindi? Parang hindi yung sagot eh.” Aniya na nangingiti. “I told you, I really don’t like going to party with a bunch of people na masama ang tingin sa akin.”
“Hindi na ba talaga mababago yang desisyon mo?”
“Hindi na. Sorry Adrian. Maybe next time.”
“Sama ka na, please, Kung iniisip mo yung mga taong titingin sa’yo ng masama, wag mo silang alalahanin, and remember, it’s a masquerade party so may mask ang lahat ng tao. So, you don’t have to worry.” Pamimilit pa rin ng binata.
“Haist, mukhang hindi mo ako titigilan hanggang sa pumayag ako. Sige na nga pero uuwi din ako agad huh?! Ayaw kong magtagal sa party na yun.”
“Okay! I’ll be picking you up tomorrow afternoon! Good night! Have a beauty rest.”
“Hahaha! Nakakatawa ka. AS if naman beautiful ako para magbeauty rest.”
“You’re beautiful in my eyes.” Seryosong tugon ng binata.
“And it’s a joke, right? Sige na, matulog na tayo. Good night !” at inoff na niya ang phone.
Hihiga na sana siya pero muling tumunog ang kanyang phone at inakala niyang si Adrian muli ang nasa kabilang linya.
“Oh bakit na naman? May nakalimutan ka bang sabihin?” aniya.
“Hey, Andy, this is Toby.”
“Oopps! I thought you were someone. Anyways, napatawag ka? May problema ba?” aniya. Mabuti na lang at hindi niya nabanggit ang pangalan ni Adrian.
“Wala naman. Gusto lang kitang makausap. Hindi kasi ako makatulog eh.”
“Bakit, anong tingin mo sa akin? Sleeping pills?”
“Hindi naman sa ganon! Masama bang tawagan ka? Hindi na kita tinext kasi sabi mo baka wala kang load eh.”
“Hmm,pwede bang tomorrow ka na tumawag? Inaantok na kasi ako eh. Pasensya ka na.”
“Ganun ba? Sige, ok lang. sorry kung naistorbo kita.”
“Hindi naman sa ganun, inaantok lang talaga ako. Good night!”
“Good night!”
BINABASA MO ANG
COOKIES
Short StoryKung gaano katamis ang cookies eh kasing pait naman ng ampalaya ang buhay niya. Wala siyang gaanong kaibigan at parati siyang mag-isa tuwing break time. Then, all of a sudden, bigla niyang nakilala, as in face to face, ang hearthrob ng kanilang camp...