The Stolen Kiss

64 3 3
                                    

-SEVENTH PART-

Nahihiya man pero iniabot ni Andy ang kanyang mga kamay sa binata. Nanginginig siya na hindi niya mawari. Pagpasok nila, maraming kababaihan ang napapailing dahil may kasamang misteryosong babae ang popular na basketbolistang si Adrian. All were murmuring “Who’s she?” and no one knows na si Andy yun. She seems relieve lalo na nga’t nakamask siya, pero naiilang siya sa suot niya na hindi man lang lumampas sa tuhod niya. Nakasalubong nila si Toby. Wala itong kasama.

“Napakagwapo niya sa suot niya.” Bulong ni Andy sa sarili.

“Adrian, pare! Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap eh. And who is this lucky girl na kasama mo? Pwede ko ba siyang makilala?” tanong ni Toby.

“Well, this girl is my special someone. You’ll know who she is later.Sige, sasayaw muna kami. Maganda yung tugtog eh.” At iginiya siya ni Adrian sa dance floor.

Alam ni Andy na nagbibiro lang ang binata sa pagsasabi nito na special someone ang kasama. Hindi niya alam. Basta naguguluhan siya.

Slow ang tugtuging pumapailanlang sa paligid. Habang magkasayaw ang dalawa kasama ng iba pang magkakapareha sa dance floor eh pinagmamasdan silang maigi ni Toby.

“You really look awesome tonight. I’m lucky to be your escort.” Ani Adrian sa kanya.

“Wag mo naman akong bolahin masyado. I know you’re a good person pero kung pinagtitripan mo lang ako, please stop habang maaga pa. I don’t want to get hurt.”

“Hindi naman kita binibiro eh. Maybe nung una, I don’t like you dahil hindi pa kita nakikilala ng lubusan and hindi ko pa nakikita yung tunay mong ganda.”

“In short, pangit ako mag-ayos at hindi ako pansinin?”

“Hindi naman sa ganon? Mahirap ba akong paniwalaan? Look into my eyes and you will see that I’m telling the truth. I really like you Andy.”

Right there in the middle of the dance floor, Adrian confessed to her. Hindi niya alam kung anong gagawin niya at nagulat na lang siya ng halikan siya nito. Waring nanigas ang kanyang katawan at hindi siya nakakilos. Then, hindi niya namalayan na hinubad nito ang suot niyang maskara. Sa kinatatayuan ni Toby ay nakilala niya kung sino ang babaeng hinalikan ng kaibigan niya. Walang iba kungdi si Andy.

Nagulat siya. Hindi niya akalain at lalong hindi niya inaasahan ang ginawa ng binata. Tumakbo siya kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta. Hindi dahil galit siya sa binata kungdi dahil nahihiya siya. Nahihiya siya sa sarili niya at paano kung nakita sila ni Toby. Bigla siyang napahinto dahil sa naisip niya si Toby. Napailing na lang siya at iwinaksi ang binata sa kanyang isipan.

Waring may sariling isip ang kanyang mga paa at hinabol ni Toby ang dalaga. Sinundan niya ito at naabutan niya itong naglalakad sa may parke. Medyo malayo-layo din ang tinakbo nito. Nakita niyang umupo ito sa isa sa mga swing na naroroon. Umiiyak ito ng nilapitan niya at waring hindi siya napansin ng dalaga ng makalapit siya.

“Are you okay?” tanong niya at inabutan ito ng panyo.

Nagulat naman ang dalaga ng marining ang tinig ng binata. “Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito?” At pinunasan ang kanyang mga luha.

“I saw you running kaya sinundan kita. Anong nangyari?”

“I don’t know. Hindi ko alam. Mabilis ang mga pangyayari. Adrian treat me to a salon then he bought me this dress and this shoes. Everything that I am wearing today. When we are dancing, he suddenly confessed to me then kissed me. I don’t know what to do, I don’t know what to say. I don’t know whether to believe him or not. Or maybe I’m just dreaming right now.” Anang dalaga.

Hindi alam ng dalaga kung matutuwa ba siya dahil isang heartthrob na naman ang nagtapat sa kanya ng pag-ibig. Natatakot siyang maniwala dahil baka masaktan na naman siya.

Biglang niyakap ni Toby ang dalaga. Ayaw niya itong makitang umiiyak. Nais niyang pawiin ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa mga mata nito. “Tahan na, wag ka ng umiyak. Adrian’s my friend. For sure, kung ano man ang mga sinabi niya sa iyo ay tunay. I know him at hindi siya manloloko.” Pangungumbinsi ng binata sa dalaga pero parang nais niyang bawiin ang kanyang mga sinabi. Nais niyang sabihin na hindi siya manloloko at aalagaan niya ang dalaga subalit hindi niya masabi.

“Maraming salamat ha? Nakita mo na naman akong umiiyak for the second time around. Nakakahiya.” At pinunasan ang kanyang mga luha. “Dahil sa mga sinabi mo ay gumaan ang loob ko. Thanks talaga. I’ll call him dahil baka nag-aalala na siya.” At kinuha ang cell phone sa maliit na bag na dala-dala niya. “Hello, Adrian. Sorry kung bigla akong umalis. No, no, hindi ako galit sa’yo. Yeah, yeah, Okay lang ako. Magta-taxi na lang ako pauwi. Don’t worry about me. Sige, sige, magkita na lang tayo bukas. Bye!”

“Gusto mo bang ihatid kita? I’ll just get my car and I’ll take you home.” Alok ng binata.

“Wag na. Okay na ako. Magtataxi na lang ako. Masyado na kitang naaabala. Imbes nagsasaya ka sa party eh narito ka at pinapatahan ang isang iyaking tulad ko.”

“No, I insist. I’ll take you home. Baka kung ano pang mangyari sa’yo kung magtataxi ka.”

“As if naman pagsasamantalahan ang isang gaya ko.”

“Oo, nag-aalala ako na baka nga may mangyari sa’yong ganon. Okay? Please don’t act as if nothing will happen or you’re just nothing. Wait for me here. Kukunin ko lang yung kotse ko.” Bago umalis ay ipinatong ng binata ang coat niya sa dalaga. “Baka lamigin ka eh. I won’t take long.”

Nang makuha ng binata ang kanyang kotse, pinuntahan agad nito ang dalaga.

Habang nasa biyahe ay tahimik lang silang dalawa hanggang sa makarating sa bahay ng dalaga.

“Thanks sa paghahatid. Gusto mo bang bumaba muna para magkape?”

“Sure.”

Nang makapasok ay dumiretso sila sa kusina. Nagtimpla siya ng dalawang tasang kape.

“Haist, ano kayang mangyayari sa lunes. Sana naman walang gawing masama sa akin yung fans club ni Adrian.” Aniya para may mapag-usapan sila.

“Hindi ka naman nila siguro sasaktan. Gusto mo rin ba si Adrian? Sasagutin mo ba siya?” anang binata.

Hindi malaman ni Andy ang isasagot. “Hindi ko alam.” Aniya at nang tumingin siya sa mata ng binata ay waring may nais itong ipahiwatig. Nagulat siya ng hawakan nito ang kanyang mga kamay.

COOKIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon