The Confession (Final Part)

87 3 14
                                    


“Andy, I know this is not the right time pero gusto kong malaman mo na gusto kita. Mula noong magkita tayo sa roof deck. Parati kitang nakikita doon pero hindi ka na umaakyat doon simula nang magkausap tayo. Then sa tuwing magkikita tayo, parati kang nakaangil sa akin. Nasaktan ako nang malaman kong magkaibigan na kayo ni Adrian. I’m so happy nung pumayag kang manood ng sine kasama ko. I considered that day as our 1st date.”

Nagulat ang dalaga sa mga ipinahayag ng binata. Feeling niya, talagang nananaginip siya. Magkaibigan ang nagtapat sa kanya ng gabing iyon pero mas Masaya siya sa pagtatapat ni Toby sa kanya. Narealize niya na mahal niya ang binata subalit ayaw niyang aminin iyon.
“So tell me, do you like my friend? Wala ba akong pag-asa sa puso mo?”

“Honestly speaking, I’m so happy that I became friends with both of you. Nagkaroon ako ng maituturing kong mga kaibigan. I like you pero paano naman si Adrian? Ayaw kong magkaaway kayo.”

“Tama bang narinig ko? You like me too? “

“Yeah. Hala, teka, sinabi ko ba yun?? Ahm,  Pero paano si…” hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil bigla siyang hinalikan ng binata. That was a sweet kiss.

“I’ll call him.” At kinontak ang kaibigan.”hey, Adrian, I already confessed to Andy and she said that she likes me too.”

“That’s good pare! Akala ko, hindi mo gagawin yun eh. Kailangan pang halikan ko siya sa harapan mo para maamin mo na mahal mo siya. Pwede ko ba siyang kausapin?”

Ibinigay ng binata ang cp niya sa dalaga.

“hey, pretty lady, congrats! I heard na kayo na ng kaibigan ko. Sorry about what happened. That was all an act. Ang torpe kasi niyang kaibigan ko eh. Thank God at nagtapat na siya sa’yo.

“You’re so bad!” aniya sa binata na natatawa sa kabilang linya. “Thanks ha, for everything!”

“It’s okay, Basta sabihin mo diyan sa kaibigan ko na ako ang 1st kiss mo. Hehehe!”

Namula ang dalaga sa sinabi ng nasa kabilang linya. It was true. Ito ang unang nakahalik sa kanya. Inagaw ng binata ang cp sa kanya.

“Lagot ka sa akin bukas, Hahalikan kita. Babawiin ko ang 1st kiss ni Andy.” At in-off na ang phone.

“So, tayo na ba? Girl friend na ba kita?”

“Hindi ko alam. Ata?”

“Anong ata? Hindi ka pa sure? Gusto mo bang halikan kita ulit?”

“Sige na nga, tayo na! But make sure na hindi mo ako sasaktan ha! I’ll break your neck if you make me cry!”

“Promise! Hindi kita paiiyakin. I’ll cherish you forever!” At niyakap ang dalaga.
At muli ay pinagsaluhan nila ang isang matamis na halik.

Mula noon ay parati na silang magkasama. Hindi na rin siya inaapi ng kanyang mga classmate. Naisyu man siya sa school dahil sa nangyari sa masquerade ball, nawala din iyon dahil mismong sina Adrian at Toby ang nagpaliwanag sa mga ito at parati siyang pinagtatanggol ng dalawa.

Nasa roof deck siya at hinihintay niya ang binata. Madami na siyang nakakain ng dumating ito.

“Haist, nakakainis yung prof namin. Ang tagal magpalabas.” Anito na sumalampak ng upo sa tabi niya. “Kanina ka pa ba dito?”

“Hindi naman, okay lang. Here, ito yung binake ko ngayong araw.” At inabutan ito ng pagkain.

“You really are the best in baking. Kaya love na love kita eh. May gayuma ata mga pinapakain mo sa akin eh.”

“Kapal!”

“Hahaha! By the way, I’ve got something for you!” at naglabas ito ng maliit na kahon. “Happy anniversary!”

Isa iyong chain ring. Isinuot nito ang isa sa kanya at ang isa naman ay suot-suot ng binata.

“happy anniversary! I love you.” Anang dalaga na yumakap sa binata.

“I love you more and more!” ani Toby.

-END-

COOKIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon