-THIRD PART-
Nagbubunyi ang buong campus sa pagkakapanalo ng basketball team nila. May party kasabay ng foundation week nila. Sa last day ng foundation week ay mayroong masquerade ball at walang balak si Andy na umattend sa party na iyon. She never wears dress, at wala siyang hilig sa mga party.
“Hi! Musta? Are you attending the party tomorrow night?” tanong ni Adrian kay Andy na kasalukuyang nagbabasa ng libro sa library.
“Hmm, nope. Matutulog na lang ako sa bahay kesa umattend sa party at saka wala naman akong gagawin dun eh. Magmumukha lang akong tanga.”
“Wag mo namang sabihin yan. Masyado mo naman atang dinodown ang sarili mo.”
Napansin ni Andy na pinagtitinginan sila ng mga taong naroroon. Naririnig niya na pinagbubulungan silang dalawa
“Adrian, mas mabuti siguro na umalis na ako. Baka bigla na lang akong sabunutan ng fans club mo. Ang sasama ng tingin nila sakin eh.”
“Hayaan mo sila. Hindi ka naman nila masasaktan kasi andito ako eh.” At umupo sa tabi niya.
“Ano bang ginagawa mo. Lalo mo naman akong pinapahamak niyan eh. Baka hindi ako makalabas ng campus ng buhay.”
“Hindi ka ba nagsasawa sa routine ng buhay mo? Puro ka aral, aral, aral. SIguro ang tanging alam mo lang eh school at bahay niyo.”
“Ano namang masama dun? At least matataas ang marka ko at hindi ako napapahiya sa magulang ko. Hindi ko sila nadidisappoint! At saka wala naman akong kaibigan so wala akong pupuntahan.”
“I am your friend. Gusto mo bang sabay tayong pumunta sa party bukas?” tanong ng binata na ikinagulat niya.
“Hahahaha! You’re kidding right? Alam mo, kumain ka na lang para matauhan ka, okay?”
“Pero hindi ako nagbibiro. Gusto kong makasayaw ka. I mean, makasama ka sa pagcecelebrate ng pagkapanalo ng team namin.”
“Naku, mukhang nilalagnat ka! Ito ang paracetamol, uminom ka para hindi ka magkasakit. Sige na, aalis na ako. Super sama na ng tingin saken ng mga tao dito.” Kita kits next week. Enjoy the party tomorrow night!”
Nagmamadaling umalis si Andy, hindi dahil takot siya sa matatalim na mata na nakatingin sa kanta habang kausap niysa si Adrian kungdi sa lakas ng tambol ng dibdib niya ng alukin siya nitong makasayaw sa party. Hindi niya alam ang iisipin kung kaya umalis na siya. Baka bigla siyang mapa-oo sa alok nito.
Imbes na umuwi eh naisipan niyang maglakad lakad sa mall total wala namang pasok kinabukasan, Tumingin tingin siya sa mga damit na naka display. Meron siyang nakitang dress na talagang nagustuhan niya, Ilang minuto niyang tinitigan ang dress kaya hindi niya namalayan na may tumabi sa kanya.
“You can try it on If you want. Hindi ka naman nila pagbabayarin pag sinukat mo yan.” Anang pamilyar na tinig.
“No thanks. Wala naman akong pag-gagamitan niyan eh. Sige, aalis na ako.” At tumalikod na siya sa pero sinundan siya ng binata na walang iba kungdi si Toby.
“Bakit ba parang ilag na ilag ka sakin? May virus ba ako na nakakahawa? Gusto ko lang naman makipag-kaibigan sa’yo gaya ni Adrian.”
“Bakit? Para may mapagtripan ka? Or baka naman nakikipagpustahan ka sa mga kabarkada mo na lahat ng babae eh mahuhumaling sa’yo.”
Naguguluhan din si Andy kung bakit mainit ang dugo niya sa binata gayong wala naman itong ginagawang masama sa kanya. Maybe dahil babaero ang tingin niya dito.
“Of course not! Bakit ko naman gagawin yun? Napakasamang tao ko naman kung gagawin ko yun di ba? At saka anong mapapala ko kapag ginawa ko yun? Wala naman di ba? So pwede bang peace na tayo?” at inilahad ng binata ang kanyang palad.
Nahiya naman si Andy na hindi abutin ang kamay ng binata dahil pinagtitinginan sila ng mga tao dun. Baka isipin ng tao eh choosy pa siya, hindi naman siya kagandahan.
“Ok, fine! I’m sorry kung masyado akong feelingera at isnabera.”
“It’s okay. I know hindi lahat ng babae eh mahuhumaling sa angkin kong charms.”
“Okay, hindi na ako kokontra.”
“Teka, kumain ka na ba? My treat!” aya ng binata.
“Actually, I’m planning on watching a movie ng dumating ka eh.”
“Ganun ba? Then, let’s watch a movie. My treat pa rin. Let’s go at iginiya siya nito patungo sa cinema.
Napansin niya na napaka gentleman nito. Ito ang bumili ng tickets pati ng makakain nila sa loob. Ito rin ang naghanap ng mauupuan nila.
“Mahilig ka bang manood ng sine?” tanong ng binata sa kanya.
“Actually, hindi. SA bahay ako nanonood ng movies. Wala naman kasi akong makakasama sa panonood ng sine. Maiinggit lang ako sa mga taong may mga kasamang kaibigan o kai-bigan o pamilya, kaya naman bumili ako ng portable dvd at dun ako nanonood.”
“So this is the first time na nanood ka ng sine?”
“Hindi naman. Nung high school kami, parating may film showing.”
“I see.”
“Ikaw, mahilig ka bang manood ng sine? Siguro parati mong kasama yung mga babae na umaaligid-aligid sa’yo.”
“No. I haven’t gone to a cinema with a girl. Gusto nila, parating you know, s*x agad gusto nila. I really haven’t gone to a real date. Puro flings. Meron akong naging serious relationship when I was in high school. I was really serious with that girl. Hindi pa ako heartthrob noon. I was just a simple and ordinary guy way back then. On our first anniversary, nakita ko siyang nakikipaghalikan sa captain ng basketball team. When I asked her, she said “break na tayo! You’re just an ordinary guy. Bye!”. Ni hindi man lang siya nagsorry sakin. After noon, nagsikap ako na mapabuti yung appearance ko. Ginawa ko lahat. Nagtraining ako ng basketball at naging magaling naman ako.”
BINABASA MO ANG
COOKIES
Short StoryKung gaano katamis ang cookies eh kasing pait naman ng ampalaya ang buhay niya. Wala siyang gaanong kaibigan at parati siyang mag-isa tuwing break time. Then, all of a sudden, bigla niyang nakilala, as in face to face, ang hearthrob ng kanilang camp...