MFFL#1

388 8 1
                                    

Chap 1: Screwed 

ANESCA'S POV 

JUNE 13

Ako nga pala si Anesca Arst Villanueva Carson De Raizel. Mahaba ba? Isa ako sa mga Princess dito sa campus yet... I'M IN SECOND! im 15 years of age. Huling Highschool year ko na to sa Amherst University Highschool department kaya gagawin ko lahat para makarank ng First before dumating ang Sept 15, Dyan mangyayare ang coronation. Pero mawawalan na ako ng pag asa, Ang laki kaya ng gap ng votes ko kay CLAIRE FIAMATTA ARGUS. Mga 34K ang kailangan ko para mafirst ako at para maging Crowned Queen. Hayst aasa ba talaga ako?

*RING*

Uwian na, wala man lang akong kaalam alam sa mga lessons, kasi umabsent ako ng isang week. Niligpit ko na ang mga gamit ko at umalis sa classroom. Papalakad na sana pauwi ng biglang....

"Arst!" Lumingon ako sa tumawag sakin, si Claire Fiamatta lang pala at ang Tatlong princess. oo nga pala, Meet Claire, ang First at ang inaasahang Crowned Queen ng Campus, Then Amber Shei Aguilar ang third, Bella Vetallea The fourth And Cray Allison the fifth. Kami ang mga Campus princess. 

"Oh? Ano balita?" Sabi ko sakanila. 

"Alam mo bang may boyfriend na kami?" Sabi niya. Teka boyfriend? Bat di ko alam? Teka...'KAMI'? so silang lahat? 

"Ah... di eh. Bakit?" Tanong ko sakanya. 

"Oh My Gosh Anesca Is that you? Pag ka tapos mo kami iniwan ng 1 week wala kanang pake samin?" sabi naman ni Amber. 

"May boyfriend na kami, Sakin Popular, same as me, isa nga siya sa mga kings sa campus eh. Kay Amber naman Hot tulad Niya, pero sa ibang school nag aaral. Kay Bella naman romantic, at kay Cray, cute kagaya niya. So ikaw meron ka ba?" Sabi ni Claire, minamaliit ata niya ako, the way she talks, halata kaya. Tinaasan nila ako ng kilay. Well ako si Arst at di ako basta basta pumapayag na maliitin ng ibang tao. 

"Oh my gosh really? Sino una nag confess?" Tanong ko sakanila at nag papafake na nagulat. Alam kong sila ang naunang mag confess, desperado sila sa rank. At di mag papahuli sa style at uso. 

" syempre kami!" Sigaw ni Cray, siniko naman siya ni Amber, sabi na eh balak nilang mag sinungaling.

"Ah buti pa kayo meron, Mag kakaroon na din ako kasi todo effort tong manliligaw ko, gusto niya talaga ako mapasakanya, kaya niyang lumuhod no. Ah oo nga pala details about sa manliligaw ko, Mas popular pa siya kesa sa bf ni Claire, Mas hot sa bf ni Amber, Mas romantic kesa sa Bf ni Bella at syempre mas Cute kesa sa Bf ni Cray. Hahaysst, i guess makikiuso nalang siguro ako, bibigyan ko nalang siya ng matamis kong oo"

sabi ko sabay alis, flip hair HAHAHA. Iniwanan ko silang nakatunganga, Im such a bitch and a big fat liar. Baka makarmahan ako neto. Pero oh well di ko naman sinabi na dito nag aaral ang so called 'bf' ko. 

Lumabas na ako sa Campus, bigla nalang akong kinabahan bakit? ano meron? Nag lie ako nakalimutan ko pala na di sila basta basta nauuto. Oh nooo

*Phone Rings* 

O__O 

My heart is racing. But i should answer the call. 

"H-hello" -me

[Oh! Bukas Arst pumasok ka at ipakita mo samin ang pic ng bf mo ah] sabi niya sabay end call. Halatang galit si Fiamatta sa sinabi ko kanina, ang arrogant ko kasi. Okay chill, Isang shopping lang kakalma na ako. 

Pumasok ako sa pinakamalapit na boutique sa School. Tumingin ako sa mga damit, at may nahanap akong Damit na kulay black, medyo nakakaagaw pansin siya. Kukunin ko sana kaso naunahan ako. 

Aba aba... 

Kinalabit ko yung guy na nakatalikod sabay sabi, "Excuses me, pero sakin po ang da-" Naputol ko yung sinabi ko ng humarap si Oppa este Kuya. Ang gwapo niya, pure black ang buhok medyo di na uso pero ang cute niya, matangos ang ilong, Pale, singkit ang mata niya, pula ng labi niya at ang mga mata niya pure black na parang ikakalunod mo na.

Tinignan niya ako ng pabored look, HEAD-TO-TOE.

Agad ako tumalikod. Jusko nag mukha pa akong tanga ng mga 5 seconds. Nakakahiya para sa gwapong nilalang na to. 

Aha! 

Kinuhaan ko siya ng pic na pasecreto, pa-as if na may tinatawagan pero kinunan ko na pala ng pic. 

Di pa sapat ang Stolen.. may plan ako.

"KUYA!" Sigaw ko sakanya, napalingon naman siya, Agad agad ko siya kinunan ng pic. Tapos tumakbo ako, hinabol niya ako at paikot ikot kami sa Boutique, lumabas ako ng shop pero siya di siya pinalabas kasi di niya pa nabayaran ang damit na kinuha niya kanina. BWAHAHAHA im going to use his pic nga. 

excited na ako bukas. 

_____

*kinabukasan*

Bumaba ako ng kotse at pumasok sa Campus. Agad ko naman Natagpuan ang mga Social climbers (isa na pala ako dun) Andito sila Claire. 

Lumapit ako sakanila. Ngumisi sila. Umasa ata sila na matatalo nila ako. Una nag pakita si Claire ang pogi ng bf niya. Sunod naman si Amber then Bella tapos si Cray tama lahat ang pag describe nila sa bf nila. Pinakita ko na yung saakin, next, next, next and... next

"Actually, sinagot ko na siya kagabi, kawawa kasi lagi ko nalang pinapagalitan at tinatangihan." Sabi ko. Hahaha di na ako kakabahan, pic lang naman hiningi nila eh. 

"Si ano to ah... SI KING! FIRST KING OF THIS CAMPUS!!" sabi ni Amber. 

I....

Am....

So....

Dead....

My First Fake LoveWhere stories live. Discover now