How it all started

144 7 4
                                    

Isang normal na umaga para sa kolehiyalang si Sabrina, 3rd year college na sya ngayong taong ito, walang bago, nahihilo sya ng bunga ng inuman na naganap kagabi.
“Good Morning Bianca, ano nangyari kagabi?” Bati nya sa best friend nya. “Wala, gaga. Ang harot mo kasi lagi. Sabi ko na sayo wag ka masyadong uminom kasi may pasok tayo ngayon eh.” Sagot ng kaibigan sakanya.
Wala syang nagawa kundi tumayo, inabot ang kayang towel at tumungo sa banyo. Naikot talaga paningin nya. Hindi nya alam bakit ganoon epekto nong alak sakanya samantalang hindi naman sya nagpakalango. Shit. Bulong nya sa sarili. Kailangan nyang piliting pumasok kasi nasermunan na sya ng professor nya nong nakaraang linggo.
Ordinaryong mag-aaral lang si Sabrina. Pero, hindi ordinaryo ang kanyang personalidad. Matalino sya pero para sakanya mas magaling ang madiskarte kesa sa talino. Mas magagamit nya sa pag-unlad yon.
Matapang sya. Lagi nyang pinaglalaban kung tama sya. Pero, sa likod ng lahat ng yon, sobra syang magmahal. Walang kapantay pag nag-alay sya ng pagmamahal sa isang tao.
“Are you sick, Ms. Veluz?” bati ng professor nya. “No Sir, but I am not feeling well.” Sagot nya. Biglang sumabat si Miggy, “Lasing ka lang kaya ganyan.” At naghalakhakan ang mga kaklase nya. “Fuck you, Miggy.” Sabay irap nya dito. Sinaway sila ng professor nya nang magkantyawan mga kaklase nila.
Si Miguel Raven “Miggy” Ferrer, ang lalaking kinasusuklaman nya. Lagi sya nitong inaasar. Minsan, below the belt ang mga banat nito sakanya. Walang araw na hindi sya nito inaalaska. Para sakanya, mapagmalinis ito at laging pinamumukha sakanya na mababa syang uri ng babae kahit wala naman syang basehan.
Mahilig syang gumimik, pero alam nya kung papano dadalhin ang sarili nya. Ang alam nya, kung ano man ang ginagawa mo as long as wala kang ginagawang masama sa ibang tao. Wala ka dapat ikahiya. You are the pilot of your own plane, ayon sakanya.
“Tangina ni Miggy, bes. I hate him.” Wika nito sa kaibigang si Bianca.
“Wag mong pansinin kasi, hula ko, may gusto yan sayo.” Sagot ni Bianca sakanya.
“No way. Ayoko. Kung sya lang. Wag na lang. Ang judgemental nya. Feeling naman nya ang linis nya.” Sambit ni Sabrina.
“Alam mo bes, maniwala ka sakin. Sooner or later, magsasabi yan sayo na mahal ka nya.” Sagot ni Bianca.
“Whatever, bes. I hate him.” Pagtutuldok ni Sab sa usapan.
Kinagabihan, nagbihis na si Sabrina para sa isang gimik na naman.
“Bes, di ka ba sasama? Tara na. It’s Friday. Andon na sina Sheena. Let’s go!” Pag-aaya ni Sabrina kay Bianca.
“Not now bes. Ang sakit ng ulo ko. Migraine na naman.” Malamyang sagot ni Bianca sakanya.
“Bakit ngayon pa? Despidida ni Margo ngayon. Please. Wag ka na lang uminom. Tara na. I can’t go without you.” Pamimilit nito sa kaibigan.
“Bes, bawi na lang ako sakanya. Kaya mo na yan. Go na. Ang ganda mo pa naman ngayon.” Muling pagtanggi ni Bianca.
“Sige na nga. But make sure to text me pag may kailangan ka ha? Tatakbo ako pauwi.” Paalam ni Sabrina sa kaibigan.
Nakarating sya sa venue ng despidida party ng kaibigan nyang si Margo. Napatalon sya ng makita ang mga kaibigang si Sheena, Margo, Julia at nagmamadaling lumapit sa mga ito.
“Girlssssss!! Hi! Kamusta? Game na ba? Umorder na kayo?” Bati nya sa mga ito.
“Muntik ka ng malate girl. Asan si Biancs?” Bati ni Margo sakanya.
“Migraine na naman. Nandon sa condo. Mag-isa.” Sagot ni Sabrina.
“Ano ba yan? Ngayon pa talaga. Eppal naman ng migraine nya.” Sabat naman ni Sheena sakanila.
Nagsimula na silang uminom. Isa, dalawa, tatlo, hindi na mabilang ni Sabrina ang bote na nainom nya nang mapansin nyang pumasok ang grupo nina Miggy sa bar at naupo sa katapat ng table na inuupuan nila. Napairap sya sa ideya na nasa isang lugar sila ni Miggy. Kasumpa-sumpa.
Tumayo sya para pumunta sa dance floor nang bigla syang lapitan ni Miggy.
“As usual, andito ka. Anong bago naman sayo Ms. Veluz? Party na naman.” Pang-asar ni Miggy.
“As usual, you’re an asshole. Anong bago sayo Mr. Ferrer?” Mataray na sagot ni Sabrina.
“That’s the thing about you Ms. Veluz, you know how to answer on point. Hindi ako nananalo sayo.” Sagot ni Miggy sakanya.
“Here’s the thing Mr. Ferrer, get out of my―” hindi na nya naituloy ang sasabihin nang biglang may lumapit kay Miggy at kinausap ito. Napako ang mata nya. Hindi nya alam pero nag-slow motion ang mundo nya. Totoo ba to? Pwede palang mangyari to. Pwede palang magslow motion ang mundo dahil isang tanawin.
“Ms. Veluz, alis na ako. Tawag na ako ng tropa.” Nagulat sya sa pagsasalita ni Miggy.
“Teka, sandali, di ba si Daniel Buenavista sya?” Sabay turo ni Sabrina sa kasama ni Miggy.
“Ah, ito? This is Daniel Buenavista. Engineering student.” Sagot ni Miggy.
“Hi Daniel. I’m Sabrina Veluz. Classmate ni Miggy.” Sabay abot ng kamay nya.
“Hi Sabrina. It’s so nice to meet you.” Sagot ni Daniel sakanya.
“Tangina. Eppal e. Tara na nga.” Padabog na pagyayaya ni Miggy.
Si Daniel Buenavista ang Varsity Basketball Player na ultimate crush nya. Nanonood sya ng lahat ng game nito. Walang absent.
Naiwang tulala si Sabrina. Hindi nya alam ang gagawin. Nanginginig ang tuhod nya, parang sasabog ang dibdib nya. Hindi nya gusto ang ganitong pakiramdam, alam nya sa sarili nya na kahinaan nya ang pag-ibig. Sa tinagal-tagal ng panahon, ngayon na lang uli sya tinamaan.
Bumalik sya sa table kung nasaan ang mga kaibigan nya.
“Girls!! Nahanap ko na ang soulmate ko.” Napapatiling wika ni Sabrina sa mga kaibigan.
“Oa. Soulmate agad! Sino?!” Sagot ni Julia.
“Oo man, soulmate ko talaga. Ayon oh.” Sabay turo sa direksyon ng grupo nina Miggy at Daniel.
“Ikaw, Sab ha. Ang tagal mo ng na-gimik ngayon ka lang nakahanap ng lalaki. Kakaiba yan.” Komento naman ni Sheena.
“Kasi nga… Ayoko. Pero, ito. Ito na yon eh.” Kilig na wika nya sa mga kaibigan.
“Loka! Si Daniel Buenavista ba? May girlfriend yan noh. High School girlfriend nya. 6 years na sila.” Sambit ni Margo.
“Shit. Totoo? Ang sakit naman. Wala pa nga akong laban, talo na kaagad.” Nanlulumong sagot ni Sabrina.
“Ang dami-dami nanliligaw sayo, hindi mo pinapansin. Tapos dyan ka pa nagkagusto sa may jowa. Wake up girl.” Sagot ni Julia sakanya.
Nilagok ni Sabrina ang isang bote sa sobrang inis nya. Hindi nya alam pero bakit kailangang yong gusto nya ay may mahal ng iba? Nagulo utak nya. Gustuhin man nyang mag-enjoy pero natutuon ang atensyon nya sa parte nina Daniel.
Papunta sya ng CR nang biglang…
“Hi Sabrina.” Nakangiting bati ni Daniel
“Uy! Bakit?” Halos matulala si Sabrina nang makitang si Daniel ang bumati sakanya.
“Pwede ko bang makuha number mo? If okay lang? Promise, harmless ako.”
Kahit harmful ka pa. Sigaw ng isip nya.
Binigay nya ang number nya kay Daniel nang biglang lumapit si Miggy sakanila.
“Ano yan ha?” Pang-asar na wika ni Miggy sakanilang dalawa sabay akbay kay Daniel.
“Wala, pre. Tara na.” Akit ni Daniel
“Thank you, Sab. See you around.” Paalam nito kay Sabrina
Halos mahimatay sa kilig si Sabrina sa nangyari. Lumalalim ang gabi at nahihilo na sya. Lumalabo na rin paningin nya. Tinatamaan na sya ng alak. Nagsasayaw silang magkakaibigan sa gitna ng dance floor nang palitan nang sweet ang tugtog, aalis n asana sila nang biglang lumapit sakanila ang grupo ni Miggy.
“Can we dance?” Nagulat sya ng makitang si Daniel ang nagsasalita. It was so magical. Sabi ng isip nya.
“Yes, yes, of course.” Sagot ni Sabrina sakanya.
Apat na minutong awitin, apat na minuto mong hawak ang bewang ko, apat na minutong tumatalon-talon ang puso ko, Isa lang ang sigurado ko, sa apat na minutong ito, hulog na hulog ako. Yan ang mga katagang binitawan ni Sabrina sakanyang sarili.
Natapos ang kanta, naglalakad na sya para bumalik sa table nila nang lapitan naman sya ni Miggy.
“Trip mo sya, Ms. Veluz?” Tanong ni Miggy.
“None of your business, Mr. Ferrer.” Mataray nyang sagot dito.
“Seryoso ako Sabrina. Gusto mo ba sya?” Nagulat si Sabrina sa seryosong mukha ng binata. Napatitig sya kay Miggy, mapula na ang mukha nito, at seryoso ang mga mata nya.
“Ano na naman ba ito, Mr. Ferrer? Malandi na naman ako?” Muling pagtataray ni Sab
“No, I am asking you. Gusto mo ba sya?” Muling sagot nito.
“If I say, Yes, what is it to you?” Nag-akma na syang humakbang nang bigla syang hinatak ni Miggy at niyakap.
Nanlamig katawan ni Sabrina, Hindi sya makagalaw, nabigla sya. Biglang bigla sya. Sinubukan nyang itulak si Miggy pero mahigpit ang pagkakayakap sakanya. Nasa gitna sila ng dance floor.
“Miggy, ano to?” Nagpapanic na si Sabrina dahil pinagtitinginan na sila.
“Lasing ka ba? Ano ba?” Muling tanong ni Sarina.
“Hindi ako lasing. Bakit sya pa? Bakit sya pa?” Halos pabulong na sagot ni Miggy.
Hindi nakasagot si Sabrina nang maramdamang umiiyak ang binata. Mabuti na lamang at malamyos na tugtog muli ang umalingawngaw sa lugar na yon. Niyakap nya rin si Miggy at sumabay sa indayog ng kanta. Hindi nya alam pero ginawa nya siguro yun para di sila mapahiya sa dance floor.
“Sabrina, don’t let go.” Sambit ni Miggy.
“Lasing ka lang. You’ll be okay tomorrow, Mr. Ferrer. Halika na.” Sagot ni Sabrina sakanya.
“Please, don’t let go.” Muling paghigpit ng yakap ni Miggy sakanya.
“Lasing ka na. Let’s go.” At bumitaw siya kay Miggy.
Inakay nya ito pabalik ng table nila. Lasing na lasing na.
“Uy! Ikaw pa talaga nagdala sakanya dito. Salamat sab!” Bati ni Rob nang alalayang makaupo si Miggy.
Halos matumba ito sa pagkakalasing. Hawak ang kamay nya nang mahigpit.
“Stay with me, babe.” Sambit ni Miggy.
“Kayo ba?” Tanong ni Daniel.
“OO, KAMI PARE. STAY AWAY!!” Nabubulol na sagot ni Miggy.
“No, Daniel. Sira ulo yan. Enemy nga kami nyan eh. Nagiinarte lang yan sakin.” Depensa ni Sabrina.
“Sab, bakit mo ba ako dinedeny?” Muling sambit ni Miggy.
“Tama na Miggy. Lasing ka na.” Sagot ni Sab sakanya. “Kayo na bahala sakanya, babalik na ako kina Margo eh.” Baling nya sa mga kaibigan nito.
“Sige Sab, salamat ulit.” Sagot ng mga kaibigan ni Miggy.
Nang makabalik sya sa table nila.
“What happened? Wasted si Miggy?” Tanong ni Julia.
“Yes, as fuck. Inaasar ako. Babe daw nya ako. Nagdadrama.” Sagot ni Sabrina.
“Ehh gusto ka naman talaga nyan eh. Noon pa.” Pang-aasar ni Margo.
“No! May gusto ba yung grabe akong i-judge? Yong halos ipamukha sakin that I’m a bitch?” Tugon ni Sabrina.
Nagkibit-balikat na lang ang magkakaibigan. Lumalim ang gabi at naparami na rin ang inom ni Sabrina. Nahihilo na sya. Nagewang na din syang maglakad. Nagpaalam na rin silang magkakaibigan paguwi. There she is, mag-isang uuwi kasi wala ang kaibigan nyang si Bianca. Halos matumba sya paglalakad.
“Hey Sab! I got you!” Napamaang sya ng makitang nasa likod nya si Daniel.
“Hey, Mr. Handsome,” nabubulol nyang sagot, “Why are ss-still here? I’m going home.”
“Kanina pa ako dito. I wanted to offer na ihatid ka kanina kaso in bad shape na si Migs so inantay ko muna syang makauwi. You’re drunk.” Paliwanag ni Daniel.
“No, I don’t get drunk Misshter handsome.” Habang pagewang gewang syang maglakad. “I am the boss of me. I am fine.” Mariing sambit ni Sabrina.
“Ooops. Okay. But, please let me take you home.” Wika ni Daniel
Dumaan sila sa isang restaurant bago umuwi. Kumain sila hanggang sa malinawan si Sabrina.
“Thank you. I am a little fine now, much better kesa kanina.” Sambit ni Sabrina.
“It’s okay. Uhm, Sab, can I ask you something?” Tanong ni Daniel.
“Yes, anything.” Sagot ni Sabrina
“Can we go out tomorrow night? Just us.” Mariing tanong ni Daniel sakanya. Mahihimatay sya sa kilig nang marinig ang mga katagang yon. Para syang nasa cloud 9. Hindi nya alam kung nananaginip ba sya.
Aware si Sabrina na unang pagkikita lang nila yon. Masyado pang maaga para masabing mahal nya ito, pero, anuman ang dahilan at parang hulog na hulog sya sa binata. Hindi sya ganoon kadaling magmahal. Dahil kilala nya ang sarili, pag nagmahal sya, walang matitira sa sarili nya. ALL OUT, ika nga.
“Yes, sure. Sabado naman eh.” Nakangiting sagot ni Sabrina.
Hinatid sya ng binata sa condo nila ni Bianca.
“Okay ka lang bang umuwi? Dapat di mo na ako hinatid. Naabala ka pa. It’s 2AM. May masasakyan ka pa ba?” nag-aalalang tanong ni Sabrina.
“I’ll be fine, Sab. Go inside.” Nakangiting sambit ni Daniel.
“You wanna come in?” Nahihiyang tanong ni Sabrina.
“Naku, hindi na. Baka magalit kasama mo sa bahay. I’m sure may masasakyan pa naman ako.” Natatawang sagot ni Daniel.
“NO! COME IN!” Sigaw ni Bianca sakanila. Gising pa pala ito. Sanay kasi silang magkaibigan na hinihintay ang isa’t-isa.
Pumasok si Daniel sa condo nila. Naupo sa couch. Halos sumabog ang puso ni Sabrina sa mga pangyayari.
“Ahhh, Daniel, this is Bianca, my sister-best friend.” Pagpapakilala ni Sabrina kay Bianca.
“Hi Daniel. It’s very rare to see a friend guy kay Sabrina. So congrats.” Nang-aasar na bati ni Bianca.
“Ganon ba? Hahaha. Salamat. Nice meeting you.” Sagot ni Daniel kay Bianca.
Iniwan sila ni Bianca sa sala. Nagkwentuhan sila. Parang naikwento na nila ang buong buhay nila sa isa’t-isa. Hindi nila namalayan na maliwanag na sa labas. Parang di sila nakaramdam ng antok.
“Umaga na pala, gusto mo ng kape?” Alok ni Sabrina kay Daniel.
“Wag na, stay here a little bit long.” Inakbayan nya si Sabrina at hinilig sa balikat nya. “There, perfect. Sunrise and you.”

Book 1: AnswersWhere stories live. Discover now