MAGULONG USAPAN

59 3 1
                                    

Alas otso na ng magising sya para mag-gayak ng pagpasok. Biglang tumunog phone nya.
"Sabrina, sorry ha. Thank you for waiting." – D
Halos lumundag ang puso nya. Tama si Miggy. Magiging okay din ang lahat.
"Okay lang baby, sunduin mo ko?" – Sab
Ngunit hindi na ito sumagot.
"Miggy is Calling..."
"Migggs!!! Nagtext na sya." Excited na bungad ni Sabrina
"Sab... Check Daniel's profile." Malamlam na sagot
Naguguluhan si Sabrina. Binuksan nya laptop nya.
"Bakit, ano ba yun?" Nagtatakang tanong ni Sabrina
"JUST CHECK IT." Galit na galit ang boses ni Miggy
"DANIEL'S IN A RELATIONSHIP WITH YSABEL."
Sabay lumabas ang mga pictures nong swimming nila. Sobrang sweet. Ang saya nilang tingnan.
Nabitawan nya ang phone nya. Gumuho ang mundo nya. Halos mag-unahan ang luha sa mata nya. Gusto nyang sumigaw, pero walang boses na nalabas. Nagwala sya. Tinapon nya lahat ng gamit na makita nya. Gusto nyang manakit, gusto nyang saktan ang sarili. Nanginginig sya. Nanlalambot buong katawan nya. Natumba sya sa kaiiyak. Katok ng katok si Bianca at Miggy sa labas pero wala syang balak buksan. Ang alam lang nya, sobrang sakit ng nararamdaman nya. Sigaw sya ng sigaw. Hindi natatapos ang sakit. Hindi natatapos ang pagtatanong kung bakit.
Sinubukan nyang tawagan si Daniel. Paulit-ulit. Pero, pinatay nito ang phone nya. Halos mahimatay sya sa kaiiyak. Hinang hina na sya. Nakadapa sya sa sahig na mapwersang buksan ang pintuan nya. Humahanagos na tumakbo sakanya si Miggy.
"Sabrina. Tama na." pag-aalo nito sakanya
"Miggy, ang sakit. Miggy, ang sakit." Namamat-al nyang sagot dito
Halos magmura si Miggy sa sobrang galit kay Daniel. Awang-awa sya kay Sabrina.
"Bes, tama na ha. Please naman sana matauhan ka na." Wika ni Bianca
"Hindi, kaialngan ko syang makausap. Kailangan kong malaman ang dahilan nya. Sigurado ako may dahilan kung bakit." Wika ni Sabrina
"Anong dahilan Sab? Anong dahilan ang inaabangan mo? Walang dahilan. Talagang gago lang sya." Mariing sagot ni Miggy
Nagpatuloy umiyak si Sabrina. Pinakalma ni Miggy si Sabrina nang araw nay un. Tulog na ito nong umalis sya.
Nagising si Sabrina nang alas sais ng umaga. Maaga syang bumangon para pumunta sa school. Kakausapin nya si Daniel, kailangan nyang makita ito. Sinubukan nyang hanapin sya sa Engeering department pero wala. Maghapon syang nag-abang pero hindi nya nakita, tinatawagan nya pero hindi sumasagot.
Kahit anong paliwanag Daniel. Tatanggapin ko. Parang awa mo na, Gusto lang kitang makausap.
Halos 3 araw nyang ginagawa ito. Abang-hanap-abang-hanay—MAGHINTAY. Pero, wala syang Daniel na naabutan. Hanggang sa makasalubong nya ito sa labas ng campus.
"Daniel!" Sigaw nya dito
Tiningnan sya ni Daniel pero umiwas ito. Dali dali itong naglakad.
"Daniel, sandali. Kausapin mo naman ako. Please." Nagmamakaawang pagpigil nya dito habang hawak ang braso ng binata
"Sabrina, umuwi ka na." Pagtaboy ni Daniel
"No. Daniel. Please. Gusto kong malaman, bakit?" Sagot ni Sabrina
Tinanggal ng binata ang kamay nya at dali-daling umalis. Naiwan si Sabrina. Tuloy-tuloy ang luha nya. Naglakad sya pauwi. Hindi nya alam kung anong nagawa nya bakit ganon-ganon na lang. Hindi nya alam bakit kailangan nyang masaktan ng ganito. Hindi natatapos ang mga katanungan. Hindi nauubos ang sumbat. Hindi nawawala ang pait.
Lumipas pa ang ilang linggo, hindi sya nawawalan ng pag-asa. Araw-araw nyang inaantay si Daniel. Umaasa na magkikita uli sila para kausapin sya. Pero, lagi itong naiwas sakanya. Kulang na lang ipagtabuyan sya palayo.
Isang hapon, kasabay nyang umuwi si Miggy nang makasalubong nila si Daniel.
"Daniel, please magusap tayo." Paghabol ni Sabrina
"Sabrina, tama na naman." Sagot ni Daniel
"Pare, siguro nga hindi deserve ni Sabrina ng label para sayo, pero deserve nya ang paliwanag. Wag kang bastos." Pa-angil ni Miggy
Walang nagawa si Daniel kundi harapin si Sabrina. Lumayo ng konti si Miggy.
"Daniel..." Nagsimula ng pumatak ang luha ni Sabrina, "Alam ko, wala akong karapatang magatanong, pero BAKIT DANIEL? Bakit ganon? Bakit hindi ako?" Nagsusumamong tanong ni Sabrina "Daniel, di ba sabi mo, ayaw mo ay commitment? Sabi mo gusto mo ako? Ginawa ko naman lahat. Daniel naman. Hindi ko kaya. Please." Pagpapatuloy ni Sabrina
"Sab, alam mo naman palang wala kang karapatang magtanong. Bakit ka pa nagtatanong?" Malamig na sagot ni Daniel
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Sabrina. Wala syang naisagot. WALA. Nahilo sya. Nanginig ang buong katawan nya. Napaatras sya.
"Sabrina, mapagod ka naman." Muling sambit ni Daniel sabay talikod sa dalaga.
Naglakad papalayo si Daniel, tinitigan nya ito habang nalayo. Hindi tumigil ang pag-agos ng luha nya. Iyon ang huling beses na nakausap nya si Daniel. Ilang beses silang nagkakasalubong ngunit nalayo ito ng daan.
Ilang beses sinubukang mag-reach out ni Sabrina para lang marinig anong paliwanag ni Daniel, hindi ito nasagot sakanya. Natapos ang mga araw ng kolehiyo.
Ako si Sabrina. Heto ako, limang taon na ang nakakalipas. Nagtatanong pa rin kung bakit? Nagtatanong kung anong nangyari? Nagtatanong kung saan ako nagkamali? Nagtatanong kung bakit hanggang ngayong masakit pa din?
Ako si Sabrina, umaasa at naghihintay, sa sagot na kahit kailan hindi naibigay.


FIN

Book 1: AnswersWhere stories live. Discover now