Hanging Part 1

52 3 1
                                    

Ala una ng hapon nakabalik sa condo si Sabrina. Walang paglagyan ng tuwa ang puso nya. Dumiretso sya sa kwarto para magpahinga at kahit papaano ay makatulog. Nagcheck sya ng phone nya at napakaraming messages. Napasimangot sya ng makitang kay Miggy ang mga yon.
“I’m sorry Sab, I cross the line.” - Miggy
“Sab, I am sorry.” - Miggy
“Sab, please umuwi ka na wag kang magpalipas ng gabi dyan.” - Miggy
“Please. Nag-aalala ako sayo. Asan ka ba?” - Miggy
“Alam mo bang pwede kang sugudin ng girlfriend ni Daniel? Ayoko na mangyari sayo yon.” - Miggy
“Sab please.” - Miggy
Dinelete nya lahat yon. Mas maniniwala sya sa sinabi ni Daniel sakanya. Mas maniniwala sya sa pangako ni Daniel. Kailan pa naging concern sakanya si Miggy? Wala naman itong alam kundi laitin lang sya. Ngayon na gusto nyang maging masaya, Miggy’s trying to ruin it for her. Kumukulo ang dugo nya sa isiping yon.
Nahiga sya sa kama, sa lalim ng kanyang pag-iisip, muling tumunog ang cellphone nya.
“Babe, how are you? Rest well.” – D
“Yes B. I am fine. You?” - Sabrina
“Ang sarap sa pakiramdam na alam kong meron akong Sabrina.” - D
Mabibitawan nya ang cellphone sa sobrang kilig.
“D, stop spoiling me with flowery words. Baka ma-fall ako ng hard sa’yo, hindi na ako makaahon.” - Sabrina
“Babe, please fall hard. Kasi, di na kita hahayaang makaahon talaga.” - D
Hindi na nya nagawang sumagot sa text na yon dahil tuluyan na syang nakatulog.

Lunes ng umaga. Simula na ng review week nila para sa darating na midterms. Sabay silang pumasok ni Bianca. Naiinis syang maisip na kasama na naman nya sa isang classroom si Miggy. Parang ayaw nan yang pumasok sa isiping yon.

Pagpasok nila ni Bianca sa classroom, nandoon na kaagad ang grupo ni Miggy. Naupo sila malayo sa mga ito. Ngunit, nilapitan sya kaagad ni Miggy.

“Ms. Veluz, I’m sorry for what I said—“ Hindi na nya naituloy ang sasabihin nang sumagot si Sabrina, “I am not in the mood Mr. Ferrer, get lost.” Mataray na sagot ni Sabrina.
“Sabrina, please. Let’s talk. I was trying to contact you the whole weekend. Saan ba kayo galling?” Makulit na pagtatanong ni Miggy.
“Stop calling me in my first name. Di tayo close. And it’s none of your business. Sandali nga, ano bang trip mo at suddenly you are interested with my whereabouts and whoabouts?” Muling pagtataray ni Sabrina.
“Matagal na akong interesado. You’re just too busy giving attention.”  Mapait na sagot ni Miggy.
“Alam mo Miggy, hindi ko alam kung anong laro yang ginagawa mo, pero I am not interested. Hindi ako susugal sa isang masakit na sitwasyon.” Sagot ni Sabrina
“Hindi ka susugal? Eh, bakit si Daniel? Hindi mo ba alam gaano kasakit ang pinapasok mo?” Paangil na tanong ni Miggy.
“STOP. Stop it Miggy. I am so done with you.” Pairap na tinapos ni Sabrina ang usapan.

Sobrang sakit ng ulo nya nang matapos ang maghapon nya sa klase. Chineck nya ang cellphone nya pero walang message, walang missed call. Shit. Parang ang bigat ng dibdib nyang naglakad pauwi. Sinubukan nyang tawagan, pero walang nasagot. Nagsend din sya na ilang mensahe, pero hindi pa rin sumagot.
Nakarating sila ni Bianca sa condo pero wala pa ding nasagot sa mga tawag at texts nya.

“Ano? Sinabihan na kita dyan ha.” Sambit ni Bianca sakanya.
“Bes, pag umiyak ba ako, masama ba yon?” Malamlam nyang sagot sa kaibigan.
“Hindi yun masama, pero, wag ka kasing ma-fall. Hindi naman totoo yan eh.” Pag-aalalang sagot ni Bianca.
Patak na patak ang luha nyang tinungo ang kwarto nya. Ni ha ni ho wala syan narinig kay Daniel nang araw na yon. Nag-antay sya ng text o tawag magdamag, pero wala pa din. Nalilito sya. Okay naman silang naghiwalay. Pati ang mga huling text sakanya ni Daniel, okay sila. Gulong-gulo ang isip nyang nakatulog.

Lumipas ang exam week. Sobrang bigat ng pakiramdam ni Sabrina. Hindi nagpakita, nagtext  tumawag si Daniel ng isang linggo. Nawala ng parang bula. Ininda nya ang pag-iisip para lang makatapos ng midterms ng maayos. Pero, hindi na sya makaintay. Hinanap nya sa buong campus si Daniel. Sinuyod ang Engineering department. Room to room, sinilip nya. Nang makarating sya sa Room 204, andon si Daniel. Nag-eexam pa. Gustong-gusto nyang tawagin pero strikto yung professor na nagbabantay sakanila.

Isa, dalawa, tatlo, apat… apat na minuto ko syang tinitigan. Yun na ata ang pinakamatagal na pagsulyap ko sa buong buhay ko. Apat na minuto kitang inantay lumingon. Apat na minuto lang pero sapat na para mabawi ang isang linggong hindi kita naramdaman. Apat na minuto lang sapat na para panghawakan ko ang lahat ng sinabi mo.

Nagdesisyon si Sabrina na hintayin matapos si Daniel sa pag-eexam. Tatlong oras syang nag-intay. Nang lumabas si Daniel. Lalapitan na sana nya ito nang may lumapit na babae, hinalikan si Daniel sa pisngi at magkaakbay na naglakad papalayo. Napaatras sya. Muntik na syang matumba. Nanginginig ang tuhod nya. Umalis syang umiiyak. Hindi nya pinansin ang dami ng taong nakakasalubong nya, patak na patak ang luha nya. Gusto nyang sumigaw. Ganon pala kasakit pag nasa harapan mo na. Pag totoo na. Parang sinasampal ng paulit-ulit.

Book 1: AnswersWhere stories live. Discover now