Mutual Understanding

46 3 1
                                    

Nasa labas sya ng campus, naninigarilyo nang may umagaw ng sigarilyo nya sakanya.
“Alam mo bang masama yan?” Isang pamilyar na boses ang narinig nya
“Dan—“ Muli na naman namuo ang luha sa mga mata nya nang masilayan nya ang mukhang yon. Hindi sya makagalaw. Hindi sya makapagsalita. Ganon pa din ang epekto ng binata sakanya. Walang nagbabago. Walang nabawas.
“Kailan ka pa natutong magsigarilyo sa public place?” Paangil na sambit ni Daniel
Hindi sya pa rin sya nakasagot. Nanatiling nakapako ang tingin nya sa mukha nito. Nagsimulang pumatak ang luha nya nang di nya namamalayan.
“Sabrina…” Muling sambit ni Daniel “I missed you.” Pagpapatuloy nito.
Lalong pumatak ang luha ni Sabrina. Niyakap sya ni Daniel.
“I’m sorry. I’m really, really sorry.” Muling wika nito
Tanging hagulhol ang naisagot sakanya ni Sabrina. Walang salita ang makakapagsabi kung gaano sya kasaya nang makita ang mukhang yon.
Nag-usap sila sa condo nila Sabrina.
“Kamusta ka na, Sabrina?” wika ni Daniel
“Yung totoo, hindi ako naging okay. Kahit kailan. Hindi ako magiging okay pag wala ka.” Malungkot na sagot ni Sabrina
“I’m sorry.” Hinawakan nya ang kamay ni Sabrina, “Tatanggapin mo pa ba ako?” Patuloy nito
“Nong Sinabi ko sayo na hihintayin kita, hindi ako nagbibiro non. Hinintay kita. Tatanggapin kita.” Nakangiting sagot ni Sabrina kasabay ang pagpatak ng luha nya
“Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, gusto kong kwestyunin ang lakas ng puso mo, Sabrina.” Naluluhang sambit ni Daniel “Alam ko marami akong pagkakamali sayo, hndi ko alam saan ko ilulugar sarili ko ngayon, maraming buwan Sabrina… maraming buwan. Pero, andito ka, handa akong tanggapin. Hindi ko alam kung karapat-dapat ba ako sa pagmamahal mo―” naputol na pagsasalaysay ni Daniel
“Wala kang dapat itanong, wala kang dapat ipagtaka, andito ka. Yun ang mahalaga sa akin. Nong sinabi ko sayong mahal kita, kasabay non ang pagsugal ko sa kung anong pinasok ko. Hindi mo naman ako inutusan eh, ako ang may gusto nito Daniel. Sarili kong desisyon lahat yon. At masaya ako na ikaw pa din ang pipiliin ko. Masaya ako na nakita kita.” Naluhang sagot ni Sabrina
Niyakap sya ni Daniel. Yakap na hindi na naman sigurado kung hanggang kailan. Pero, sapat na yakap para mabawi ang buwang nawala sa tabi nya ang binata.
Hindi ko alam kung saan na naman ang hantong ko nito, pero sapat ka ng dahilan para maniwala akong kahit papaano, masaya ako sayo at darating ang araw magiging masaya tayo Maaaring mali ako, pero handa akong muling sumugal at umasa sa isa pang pagkakataon na lahat ng pagkukuwaring ito, ay may kahahantungan.
Walang nagbago sa pinagsamahan nila, hindi silang naiilang, bumalik sila sa dati. Marami syang gustong itanong sa binata. Marami syang paliwanag na gustong marinig. Pero, paano nya sisimulang magtanong? Alam nyang wala syang karapatan.
Nasa kalaliman sya ng pag-iisip ng biglang may nagtext…
“Bumalik ka na naman sakanya.” – Miggy
“Hindi ako handa sa mga sermon mo ngayon, Miggy.” - Sabrina
“Nakita ko na naman ang mga ngiti mo, pinakamatamis na ngiti mo. Na sana ako ang dahilan, pero hindi.” – Miggy
Hindi na nya nagawang magreply dahil biglang tumawa si Daniel.
“Hello, bakit?” Mahinang sagot ni Sabrina sa telepono
“Sabrina…” Mahinang sambit ni Daniel
“Bakit, may problema ba?” May pag-aalalang tanong ni Sabrina
“Gusto ko lang marinig boses mo. I missed you, my Sabrina.” Masuyong sagot ni Daniel
Pumatak ang luha ni Sabrina sa narinig. Hindi na naman sya nakasagot.
“Sa twing ako kausap mo, naiyak ka.” Muling sambit ni Daniel
“Naiyak ako kasi mahal na mahal kita Daniel. Sapat na bang dahilan yon?” Mariing sambit ni Sabrina
“Sobra pa yun. Sobra pa.” Muling sambit ng binata
“Baka nga sobra ako kaya di tayo magkita sa gitna.” Pagal na sagot ni Sabrina
“Hindi totoo yan. You are enough.” Mahinang sagot ni Daniel, “Magkita tayo bukas, okay lang? May sasabihin ako sayo.”
“Sige. Text mo na lang sakin saan. I’ll be there.” At pinatay na nya ang cellphone.
Maaga syang nakatulog ng gabing yun. Alam nya na sa kabila ng lahat ng katanungan nya, masaya ang puso nya. Kumpleto sya pag andyan si Daniel.
Alas sais ng umaga, may kumakatok sa pinto. Pupungas-pungas syang nagbukas ng pinto.
“Good morning, beautiful!” Sabay halik sa pisngi nya si Daniel
May dala itong bulaklak, breakfast at chocolates.
“Good morning. Ano meron?” Nakangiting sabi nito sa kanya, kinuha nya ang mga dala nito, hinayin sa lamesa.
“Di ba sabi ko, magkita tayo.” At niyakap sya sa likod.
“Ang aga mo, D. Para kang Chinese.” Pang-aasar ni Sabrina
Masayang silang nag-almusal. Nagkwentuhan sila ng masasayang ala-ala nong mga panahong nakalipas. Napawi lahat ng katanungan ni Sabrina. Napawi ang lungkot, pagdududa. Hangga’t hawak ni Daniel ang kamay nya, alam nyang panatag ang puso nya.
“Tara sa Enchanted.” Akit ni Daniel
“Pwede. Kailan?” Nakangiting sagot ni Sabrina
“Ngayon. Ligo ka na.” Sagot ng binata
“Ano? Ngayon?” Nagulat na tanong ni Sabrina
“Yes, now. Ligo na. Go, go. Natakbo oras.” Pagtataboy sakanya ni Daniel
Naghanda si Sabrina. At biglaan nga, dinala sya ni Daniel sa Enchanted Kingdom.
Naging masaya ang maghapon nila. Nagpicture sila, kumain, sumakay sa mga rides. Sumigaw ng sumigaw habang ninanamnam ang lula at saya ng pakiramdam. Hindi binitawan ni Daniel ang kamay nya sa buong oras na magkasama sila. Walang paglagyan ng kasiyahan si Sabrina. Lahat ng mga buwan na di nya kasama ang binata tila ay bawing-bawi ng mga oras na yon.
Para sa highlight ng EK experience, naupo sila sa bench at inabangan ang fireworks display. Nabighani si Sabrina sa ganda ng mga ilaw. Nakatingin sa langit. Nagrereflect sa mata nya ang iba’t-ibang ilaw ng display.
“Sabrina…” Mahinang wika ni Daniel habang nakatitig sa dalaga,”Wala na kami ni Franz.”
Hindi nakasagot si Sabrina. Muli syang tumingin sa makulay na langit. Parang walalang narinig, pinakita nya kay Daniel na hindi sya interesado.
“Mag-iisang buwan na kaming wala. Akala ko, masasaktan ako, hindi. Ang sarap sa pakiramdam maging Malaya, Sab. Pero, hindi ka nawawala sa isip ko. Sobrang gago ko para saktan ka.” Pagapatuloy ni Daniel
“Bakit sinasabi mo sakin to, Daniel? Hindi ko naman kailangan ng assurance. Mahal kita. Kung napepressure ka, pasensya ka na. Kayo man o hindi, kasama kita ngayon, masaya na ako doon.” Nakangiting sagot ni Sabrna
“Hangang-hanga ako sa tibay ng puso mo Sabrina. Maswerte ako kasi mahal mo ako. Pero, sinasabi ko sayo to kasi gusto kita, Sabrina. Hindi yun kalokohan lang. Alam ko mahirap paniwalaan, pero yun kasi talaga eh. Gustong-gusto kita. Gusto kitang ipagdamot.” Napabuntong-hininga sya pagkatapos sabihin ang mga katagang yon. “Sabrina, allow me to deserve you.”
“I love you. Sayo lang ako kahit alam kong dehado. Sayo lang ako.” Mariing sagot ni Sabrina
Niyakap sya ng binata.
Umuwi sila pagkatapos ng masayang araw na yon. Nagulat sila nang datnan si Miggy at Bianca na nag-uusap sa sala.
“Ayan na pala eh.” Sambit ni Bianca “Kanina ka pa inaantay ni Miggy bes. Ginabi na kayo.”
“Kamusta pare?” bati ni Daniel kay Miggy
Tumayo si Miggy at sinuntok sa mukha si Daniel. Natumba sa sahig sa Daniel. Tumakbo agad si Sabrina sakanya.
“Ano ba Miggy? Para saan yon?” Sigaw ni Sabrina habang inaalalayan si Daniel tumayo.
“Di kita maintindihan pare eh. Tangina ka.” Mariing sambit ni Miggy
“Miggy, tama na please!” Sigaw ni Sabrina
“Tandaan mo Daniel, hindi inaabuso ang puso na walang ibang alam gawin kundi ang magmahal ng buo, nang walang iniintay na kapalit. Isaksak mo sa utak mo na ang kagaya ni Sabrina, hindi tinatarantado.” Muling hinayaan ng suntok ni Miggy si Daniel nang bigla itong umatras, “Pasalamat ka, mahal ka ni Sabrina. Kung di lang dahil sakanya, mapapatay kita.” At dire-direchong umalis si Miggy.
Naiwang nakamaang si Daniel. Agad nilagyan ni Sabrina ang nang ice pack ang pisngi ni Daniel.
“Galit na galit si Miggy.” Sambit ni Daniel
“Ewan ko ba don, parang tanga. Pasensya ka na ah.” Sagot nito habang nilalapatan ng ice pack ang mukha ng binata
“Wag kang humingi ng pasensya. Galit yun kasi tama sya, ang gago ko kasi.” Nakangiwing sagot ni Daniel
Hindi na sumagot si Sabrina. Nilagyan nya ng cream ang mukha ni Daniel para di tuluyang mamaga. Nagtataka sya sa inakto ni Miggy. Ngayon lang nya itong nakitang ganon kagalit. Nagaapoy ang mata at halos sumabog sa sobrang galit.
Umuwi na rin si Daniel para makapagpahinga. Nangako ito na susunduin syang maagap kinabukasan para sabay silang pumasok.
“I’m home, sab. Thank you for today.” – D
“Nothing to be thanked about. Good your safe.” -  Sabrina
“Sabrina… uulitin ko, allow me to deserve you.” – D
“You deserve me. Please do. Di ko kaya pag wala ka sa tabi ko.” -  Sabrina
“Sabrina, payagan mo ako na bigyan ng linaw kung ano tayo, gusto kita Sabrina, pero hindi ko pa talaga kayang pumasok sa relasyon. Pakiramdam ko, nasasakal pa din ako sa nakaraang relasyon na meron ako. Pero, nangangako ako na andito lang ako. Masaya naman tayo diba?” – D
Napalunok si Sabina sa nabasa. Ngayon lang nagkakalinaw kahit papaano kung ano sila.
“Daniel, basta kasama kita, wala akong iniisip na kung anuman. Masaya ako sayo. Yun ang mahalaga.” -  Sabrina
“Hanga talaga ako sa tibay ng puso mo. Napakaswerte ko sayo, Sabrina.” – D
Nakatulog na si Sabrina pagkatapos ng mga salitang iyon.
Naging maayos ang sumunod na mga araw sa kanila. Hatid-sundo sya ni Daniel, hindi nalipas ang araw na wala itong surpresa sakanya. Sa halos isang taon na pagkadurog ng puso nya, heto at buo ulit syang nakakangiti, nakakatawa. Wala ng mas sasaya pa sa pakiramdam na yun.
“Babe, di ka pumasok? SInundo kita sa school, asan ka?” – D
Hindi nagawang magreply ni Sabrina dahil sa sobrang hilo nya buhat sa mataas nyang lagnat. Wala syang kasama sa condo dahil may klase si Bianca.
“Sabrina Veluz!!” – D
“Naiinis na ako SABRINA!” – D
Nanginginig ang mga daliri ni Sabrina, nilalamig sya at nahihilo. Nagsend sya ng empty text sa binata para kahit papano alam nito na nababasa nya ang mga messages.
“D is calling…”
‘Hello, D.” Pagal na sagot ni Sabrina
“Asan kaba? You’re making me worried sick! Nasa bahay ka ba? Papunta na ako dyan!!” Bulyaw ni Daniel sa kabilang linya.
Hindi na sya sumagot at namatay na din ang linya ng tawag.
Dumating si Daniel sa condo na salubong ang kilay. Halos kumaripas ito ng takbo nang makitang nagsusuka si Sabrina sa banyo.
“Sab!! Napapano ka?” Inalalayan nya ito “Mainit ka. Napapaano ka?” Nagaalalang patuloy ni Daniel.
Binuhat nya ito sa kama, kinumutan at kumuha ng bimpo at maliit na planggana. Pinunasan nya ang mukha ng dalaga.
“Kaya mo bang kumain? Para makainom ka ng gamot?” Tanong ni Daniel
Hindi sumagot si Sabrina.
Pinagluto ng binata ng lugaw ang dalaga, pinainom ng gamut at pinagpahinga. Magdamag nyang binantayan si Sabrina.
Nagising si Sabrina ng alas dos ng madaling araw. Humupa na ang lagnat nya pero nanghihina pa din sya. Nagulat sya ng makita si Daniel na nakayakap sa tabi nya.
“Sabrina, are you okay?” Mumukat mukat na tanong ni Daniel
“Yes, yes. Matulog ka na uli.” Mahinang sagot ni Sabrina
Niyakap sya ng binata at pumikit uli. Napangiti si Sabrina. Halos matunaw ang puso nya sa mga pinapakita ni Daniel. Tanga lang ang di makakapagsabing may pagmamahal na ito sakanya. Pero, aasa ba sya kung hindi man lang ito masabi ng direcho sakanya ng binata?
Lumipas ang araw, linggo, hanggang maging buwan. Anim na buwan silang naging masaya. Walang naging sagabal sa kanilang pagsasama.
“Daniel…” Mahinang sambit ni Sabrina nang isang gabi nagdidinner sila.
“Yes, B?” Nakangit sagot nito sakanya.
“Pwede na ba akong magtanong?” Tiningnan nya sa Mata ang binata, “ Pwede ko na bang itanong kung ano tayo? Hindi naman ako nagmamadali, hindi kita pinepressure, pero minsan kasi sobrang saya natin baka masanay ako eh wala naman tayo diba?” Pagpapatuloy ni Sabrina
“Naiinip ka na ba sakin, Sab?” Malamlam na tanong ni Daniel
“Hindi naman, medyo nalilito lang. Kasi, ramdam ko na mahal mo ako pero hindi ko naririnig sayo. Hindi ko alam isasagot ko sa mga taong nagtatanong kung ano tayo? Pero, wag mo namang isipin na naiinip ako ha. Masaya ako sayo. Hindi ko kailangan ng kahit ano.” Pag-bibigay ng assurance ni Sabrina
“Pasensya ka na Sabrina kung yan nararamdaman mo ha? Masaya ako sayo sobra. Pero, naeenjoy ko yung ganito, hindi toxic na relasyon. Masaya. Sana wag kang magsawa. Kailangan pa ba natin ng salita kung nararamdaman mo naman?” Sagot ni Daniel
“Hindi ako magsasawa. Basta andyan ka, yun lang mahalaga sakin.” Nakangiting sagot ni Sabrina
Sa isang maliit na parte ng puso ni Sabrina, alam nya na nakaramdam sya ng lungkot. Maliit pero malalim na kalungkutan, hindi nya alam bakit hanggang ngayon parang hindi pa rin kumpleto ang lahat. Muli, binalewala nya yon.
Malapit na ang finals ng 1st semester ng huling taon ni Sabrina. Nagpaalam si Daniel na mag-focus muna sila sa review hanggang matapos ang examination. Hindi maintindihan ni Sabrina kung bakit takot n atakot sya ng mga oras na iyon. Ayaw nyang maulit ang mga nangyari. Ayaw nyang mawala uli sa tabi nya ang binata. Pero, pinigil nya ang sarili. Malinaw sakanya ang gusto ni Daniel, gusto nitong maging malaya. Ayaw ni Sabrina na maging isang katulad ng ex ni Daniel, kailangan nyang magtiwala.
“I miss you baby! Isang subject na lang today and finals over na!! See you!!” – D
Napangiti si Sabrina na mabasa ang mensahe ni Daniel na yon. Labis ang kaligayahan ng kanyang puso sapagkat hindi nakalimot tumawag at magtext si Daniel nang mga oras na hindi sila nagkikita.
“Good luck baby! See you!” - Sabrina

Book 1: AnswersWhere stories live. Discover now