Hanging Part 2

37 3 1
                                    

Dumating ang araw ng celebration ng anniversary ni Bianca at boyfriend nito.
“Sunduin kita in a while, Miss Beautiful.” – D
“I will wait for you, love.” - Sabrina
Lumipas ang isang oras. Malilate na sila sa party, wala pa din si Daniel.
“Love, san ka na?” - Sabrina
“And who are you, bitch? This is Franz. Her girlfriend.” – D
Napaupo sya nang mabasa ang mensahe. Nahihilo sya. Hindi nya ito sinagot. Hindi gusto ni Daniel na nakikipag-away. Ayaw nya na maging katulad ng girlfriend nito. Mananatili syang composed.
“Ano? Natauhan ka no? Feeling mo, magiging masaya kayong dalawa? Umali slang ako nang ilang buwan, naghanap lang na palipasan si Daniel.” – D
Muli, hindi sya sumagot dito. Umiyak sya ng umiyak. Napakasakit masampal ng katotohanan.
“Magreply ka. Kung ayaw mong ipahanap kita at kaladkarin ng alam mo ang pakiramdam pag ako ang kinakalaban.” – D
“Miss, I don’t wonder why you’re boyfriend hates you. You act cheap, talk cheap. And stop your empty threats. Remember, I know your face but you don’t know mine. I can slap you anytime and anywhere without you knowing it’s coming.” – Sabrina
Nagsunod-sunod pa ang text nito sakanya. Ngunit hindi na nya pinatulan pa. Umiyak sya ng umiyak hanggang sa halos iluha na nya ay dugo.
“Bes, asan ka na? Ikaw lang wala. Please, come here.” – Bes Biancs
Pinilit nyang bumangon at pumunta sa anniversary ng kaibigan. Andon lahat ng barkada nya. Si Sheena, Julia, Margo at maging ang grupo nila Miggy. Kitang-kita sa mata nya ang kalungkutan. Dinaan nya sa alak, yosi, alak, yosi ang gabing yun. Hindi sya natayo, hindi sya nakikipag-usap.
Ganito ba kasakit? Akala ko ba handa na ako? Akala ko ba alam ko na mangyayari ang lahat ng ito. Bakit ang sakit-sakit? Bakit wasak na wasak? Tuloy-tuloy ang luha nya habang naiisip ang mga katagang paulit-ulit sa utak nya.
“TANGINA!” Napasigaw si Sabrina. Nagtinginan ang lahat.
“TANGINA, ANG SAKIT! TANGINA, ANG SAKIT-SAKIT!” Habang sinasabi ito ay tuloy-tuloy ang luha nya. Niyakap sya ng mga kaibigan para i-comfort. Sinubukan nilang sabihin na kalimutan na lang nya si Daniel.
“Yun na nga ang masakit dito, pagkatapos ng lahat ng ito, ang inaantay ko lang ay makita sya, magpaliwanag at handa akong patawarin sya. Ganon ba ako katanga?” Muli nyang nasabi
“Hindi ka tanga. Nagmamahal ka lang.” Biglang nagsalita si Miggy, lumapit sakanya at niyakap sya. “Pasensya ka na, ako ang nagdala sakanya sa buhay mo. Pasensya ka na wala akong magawa para mabawasan ang nararamdaman mo.”
Lalong umagos ang luha ni Sabrina. Ang sakit-sakit. Wasak na wasak. Walang saktong salita ang makakapaglahad ng nararamdaman nya.
Nauna na syang umuwi sa mga kaibigan. Hinatid sya ni Miggy. Habang naglalakad ay hinawakan ni Miggy ang kamay nya.
“Aalalayan kita hanggang sa kaya mo na.” Wika ni Miggy
Hindi sya nagsalita. Wala syang lakas para magsalita. Wala syang lakas para mag-function. Gusto nya lang makauwi.
“Sabrina, alam mo ba na ikaw ang may pinakamagandang tawa na narinig ko?” nakangiting sambit ni Miggy
Hindi pa rin sya nagsalita. Walang napasok sa isip nya. Sarado ang isip nya. Masyado syang pagod para magsalita.
“Alam mo ba Sabrina, gustong-gurto kitang iligtas sa sakit na nararamdaman mo?” Patuloy na nakinig lang si Sabrina. Hindi sya nagsasalita “Pero, hindi ko magawa. Kasi, nong maging kayo ni Daniel, yun ang pinakamagandang ngiti na nakita ko sayo mula ng magkakilala tayo.”
Napatigil sa paglakad si Sabrina. Humarap kay Miggy at niyakap nya ito. Muling pumatak ang luha nya.
“Sapat na baa ng mga ngiting yun para lumuha ako ng ganito?” Nangangatal na tanong ni Sabrina
“Hindi. Hindi mo deserve yan. Pero, ikaw lang makakapagligtas sa sarili mo. Hindi ako. Hindi si Daniel. Ikaw lang.” Mahinang sagot ni Miggy
“Ayokong iligtas sarili ko. Mahal na mahal ko sya. Mag-hihintay ako hanggang sa maging handa na sya.” Mariing sagot ni Sabrina
Bumitaw sya kay Miggy at nagpatuloy maglakad.
Lumipas ang isa, dalawa at marami pang buwan. Nakatapos ng 3rd year si Sabrina. Huling taon na nya sa unibersidad. Tuloy ang buhay para sa karamihan pero para sakanya, tumigil ang lahat at naiwan sya sa mga oras na kasama nya si Daniel. Hindi na sya tumingin sa iba. Hindi sya nagpaligaw. Hindi sya nag-entertain ng iba. Maging si Miggy ay hindi na nya kinakausap. Alak lang ang kaisa-isang bagay na nagmay-ari sakanya. Maraming nagbago. Natuto syang manigarilyo nang hindi naaawat. Lagi syang mag-isa. Hindi sya masaya. Isa syang zombie na may patay na puso at luganggang na isip. Hindi nagkakasalisi ang landas nila ni Daniel. Araw-araw nya itong inaabangan sa Engineering department, pero madamot ang pagkakataon, hindi nya ito naaabutan. O hindi lang talaga natatagpuan ang taong ayaw magpakita.
Paulit-ulit ang araw-araw. Nakakasuya. Nakakasawa. Kung pwede lang na paliparin ang araw para makaalis na sya sa pag-kokolehiyo. Gagawin nya.

Book 1: AnswersWhere stories live. Discover now