Back for good?

44 3 1
                                    

Humahangos sya paglalakad nang makabunggo nya si Miggy.
“Sorry, excuse me.” Nakatungong wika ni Sabrina
“Hey, Okay ka lang? Ba’t ka naiyak?” Nag-aalalang tanong ni Miggy.
Hindi ito pinansin ni Sabrina. Tuloy-tuloy syang naglakad. Ang gusto lang nya ay makauwi at magkulong sa kwarto. Ngunit, sinundan sya ni Miggy.
“Ihahatid na kita pag-uwi.” Muling sambit ni Miggy.
Hindi sya sumagot. Tuloy-tuloy ang lakad nya kasabay ng pagpatak ng luha nya.
“Sabrina, anong nagyari ba? Please talk to me.” Pangungulit ni Miggy.
“Miggy, please. Wala ako sa mood. Can’t you see?” Mahinang sagot ni Sabrina.
“Is it Daniel?” Pagalit na tanong ni Miggy.
Hinarap nya si Miggy. Tiningnan sa mata.
“If I say yes? Masaya ka na? Kasi, nasasaktan ako? Di ba yon naman gusto mo? Nasasaktan ako? Na mapatunayan na tama ka.” Halos mawalan ng boses si Sabina pagsasalita.
“No, Sab. No… Hindi ganon. Please, just talk to me.” Naiwang nagsasalita si Miggy at tuluyan nang umalis papalayo si Sabrina
Lumipas ang dalawang Linggo. Yun ang pinakamadilim na dalawang Linggo ni Sabrina. Wala syang inatupag kundi uminom gabi-gabi. Pumapasok sya na parang zombie.
Byernes ng gabi, naghahanda muli syang gumimik. Magpakalasing.
“Aba Sabrina, dalawang linggong straight na yang pag-inom mo ah.” Puna ni Bianca sa kaibigan
“Di ka ba sasama? Dalawang linggo mo na rin akong iniiwang maginom mag-isa.” Sarkastikong sagot ni Sabrina
Dumating sila ni Bianca sa bar kung saan sila madalas uminom. Walang bago. Nag-inom silang dalawa gaya ng dati. Walang nakakalapit sakanilang lalaki para magpacharming. Ganon naman si Sabrina eh. Gigimik pero hindi open sa mga lalaki ang territory nya. Maliban na lang nong makilala nya si Daniel. Nagbago ang lahat mula ng gabing yun, nagbago ang lahat, nagbago sya.
Maagap nagpaalam si Bianca dahil sinundo na ito ng boyfriend nya. Naiwang mag-isa si Sabrina kasama ang ilang bote ng beer. Nakita nya si Miggy sa di kalayuang table katapat nila. Nakatitig ito sakanya. Nang biglang may nagtext.
“Pwede ba akong lumapit sayo?” – Miggy
“No. Stay where you are.” – Sabrina
“Please. Two weeks ka ng di makausap ng maayos. I miss you.’ – Miggy
“Tangina mo. Miss mo mukha mo.” – Sabrina
“Sabrina, I am serious. Inom tayo. Inom lang. No fuss. Please let me join you. Inom lang tayo until we forget tomorrow.” – Miggy
Napangiti si Sabrina. Ang tagal na nilang magkakilala ni Miggy. Mula nang tumapak sila ng college, magkaklase na sila. Sa pagkakaalala nya naka dalawang girlfriend lang ito. Hindi sila naging close. Pero, hindi sya tinatantanan ni Miggy nang pang-aasar.
“Come here. DO. NOT. ANNOY. ME.” – Sabrina
Nagmamadaling lumapit sakanya si Miggy.
“Finally!” Sambit nito nang makalapit sakanya.
“Wag mo akong simulan. Sasabuyan kita ng beer.” Pagtataray ni Sabrina
Nang gabing yon, nakalimutan nya ang bigat ng pakiramdam dahil kay MIggy. Nag-kwentuhan sila ng binata. Nag-inom ng nag-inom. Ngayon lang nya nakakwentuhan ng seryoso si Miggy. Infairness naman dito, may sense ding kausap. Bulong ni Sabrina sa sarili.
“Alam mo ang ganda mo, Sabrina.” Seryosong wika ni Miggy
“Miggy, wag mo akong pinagbobobola.” Natatawang sagot ni Sabrina
Hindi na sumagot si Miggy. Ngumiti na lang. Naging masaya sila pareho sa kauna-unahang pagkakataon, nakilala nila ang isa’t-isa. Mas malalim. Mas totoo.
Inihatid sya ni Miggy sa condo nila nang alas Dos ng madaling araw. Maayos silang nagpaalaman. Nakahiga na sya ng biglang tumunog ang cellphone nya.
“I miss you.” – D
Automatic na pumatak ang luha nya ng mabasa nag mensaheng yun. Nagdalawang isip muna sya kung sasagutin ito, ngunit nanaig ang pagkamiss nya kay Daniel.
“Can I see you?” - Sabrina
“I was about to ask you that. Pwede ba kitang puntahan?” – D
Ang lakas ng kabog ng dibdib nya nang mabasa yon. Muli na naman syang umasa sa maganda simula.
“Yes. I will wait.” - Sabrina
Lumipas ang kalahating oras at dumating nga si Daniel. Agad nyang niyakap ang binata nang Makita nya ito.
“I missed you.” Nasambit ni Sabrina habang nakayakap sya sa binata.
Ayaw na nilang bumitaw sa isa’t-isa. Matagal silang magkayakap. Umiyak ng umiyak si Sabrina kay Daniel.
“I missed you. I really do.” Bulong ni Sabrina kay Daniel habang nahagulhol nang pag-iyak
“Ssssh. Andito na ako. I’m sorry.” Malambing na sagot ni Daniel
Matagal silang tahimik habang nakatitig sa kawalan.
“Sabrina..” Mahinang sambit ni Daniel “Nagalit ka ba sakin?”
Parang tinutusok ng karayom ang puso ni Sabrina nang mga oras na yon. Pumatak muli ang luha nya at tiningnan si Daniel sa mata. “Hindi ako nagalit sayo, Daniel.” Mahina nyang sagot
“Bakit? Bakit hindi ka nagalit?” Muling tanong ni Daniel
“Gusto kong magalit. Pero, hindi ko kaya Daniel.” Lumuluhang sagot ni Sabrina
“I don’t deserve you.” Sambit ni Daniel
Muli silang natahimik. Patuloy na umiiyak si Sabrina.
“Wag ka ng umiyak. I’m here.” Panunuyo ni Daniel
Hindi alam ni Sabrina kung bakit o papaano pero ang alam nya nakalimutan na nya ang dalawang linggong pinakamasakit, ang mahalaga sakanya ngayon ay masaya sya. Masaya sya kasama si Daniel. Wala na syang naiisip na iba pa. Masaya syang kasama ang binata. Yun lang.
Sapat na ang kaunting oras na yon para maging okay sila, hindi na nya kailangan ng marami pang paliwanag. Ang kailangan lang nya ay makita at makasama si Daniel.
Lunes ng umaga. Naglalakad si Sabrina at Bianca papasok nang bigla syang tinawag ni Daniel.
“Hi Miss. Pwede bang sumabay?” Nakangiting bati nito sakanya
Hindi maitago ni Sabrina ang kilig sa naging pagbati sakanya ni Daniel.
“Kainis to. Saan ka? May klase ka?” tanong ni Sabrina
“Wala eh, pero, wala din naman akong gagawin sa bahay. Ilan subject mo ngayon?” Tanong ni Daniel sakanya
“Isa lang. Ito lang. bakit?” Sagot ni Sabrina
“Intayin kita. Andon lang ako sa café ha. Paglabas mo, ako agad makikita mo.” Nakangiting sagot ni Daniel.
Kilig na kilig si Sabrina sa sinabing iyon ni Daniel. Natapos ang klase nya at paglabas nya andon na agad si Daniel may dalang bulaklak para sakanya. Nagulat sya at namula ang byuong mukha sa sobrang tuwa. Nag-kantyawan ang mga kaklase niya at nakitang lahat ni Miggy yun.
“Wow pare. Maling school ata ang pinagdalahan mo ng bulaklak ah.” Pang-aasar ni Miggy
“Bakit kailangan lagi mong sirain ang moment ko? Get a life.” Pagdepensa ni Sabrina kay Daniel “Let’s go, Daniel. Ayoko pag-aksayahan ng panahon yan.”
Naging masaya ang maghapon nila ni Daniel. Kumain sila sa labas. Mas lalo nyang nakilala ito. Malambing, makulit, at malalim ang pagkatao.
“Masaya ako.” Sambit ni Daniel habang naglalakad sila pauwi
“Mas masaya akong kasama ka, Daniel.” Sagot ni Sabrina
Everything went well nang dumaang mga linggo. Hatid-sundo sya ni Daniel sa school. Lagi syang may dalang bulaklak, at iba-ibang surpresa. Walang paglagyan ng tuwa si Sabrina. Alam nya na nahulog na sya ng tuluyan sa binata. Ang tanging kulang na lang ay marinig nya ang salitang “mahal kita” at handa na syang sumagot.
“Daniel, attend ka naman ng anniversary celebration namin ng boyfriend ko next week.” Pag-akit ni Bianca kay Daniel nang isang araw n ahinatid sila nito pauwi.
“Biancs, nakakahiya. Baka may gagawin si Daniel. Wag na.” Nahihiyang pangunguna ni Sabrina
“No, it’s okay. Punta ako. Sunduin ko din si Sabrina.” Nakangiting pagpayag ni Daniel
Doon nag-sleep over si Daniel sa condo nila Sabrina. Halos maghapon-magdamag silang magkasama. Gusto mang magtanong ni Sabrina tungkol sa girlfriend ni Daniel at kung papaano at kung bakit parang hindi na sila naghihiwalay. Hindi na naghahanap yun? Bulong nya sa sarili.

Book 1: AnswersWhere stories live. Discover now