Clarifying the status

92 3 1
                                    

Sobrang saya ng pakiramdam ni Sabrina ng mga oras na yon. Napakabilis man ng mga oras at pangyayari, alam nya na masaya sya. Masayang-masaya sya.
Alas syete ng magpaalam si Daniel sakanya.
“Uuwi na muna ako, basta, tuloy tayo mamaya ha? Text kita.” Paalam ni Daniel sakanya.
Nakatulog si Sabrina buong maghapon. Nagising sya ng 4PM dahil sa tunog ng cellphone nya.
“Hello?” pupungas-punas na sagot nya sa phone.
“Hi Ms. Veluz, Migs to.”
“What do you want? I’m asleep.” Sagot ni Sabrina
“Wala. Mag-aapologize lang sana ako sa nangyari kagabi. I was out of control pasensya na.” Sambit ni Miggy
“Okay lang. Yon lang ba? Sige na.” Matabang na sagot ni Sabrina
“Gusto ko sanang bumawi sayo. Kwek-kwek tayo?” Alok ni Miggy.
“Migs, wala akong lakas makipag-asaran sayo ngayon. Di ko alam trip mo at wala akong panahon sa mga kalokohan mo.” Pagtatapos ni Sabrina sa usapan
Nag-hang up sya kay Miggy. Inis na inis syang bumangon. Kumukulo talaga ang dugo nya sa lalaking yon. Pakiramdam nya lagi syang hinahanapan ng mali para lang makalamang sakanya.
Bwisit. Istorbo ng tulog. Sabi nya sa sarili. Nagshower muna sya at nagcheck ng cellphone.
“Hi. This is Daniel. I’ll be there in 6PM. Is that fine?” – 092689******
Halos mamula ang buong mukha nya nang mabasa ang mensaheng yon.
“TOTOO NA BA ‘TO?!!!” Napasigaw sya sa sobrang tuwa.
“Hoy. Ano ba yon?” Humahangos na tanong sakanya ni Bianca
“Besssss!!!!! I think, I am in love!!!” napapatiling sagot ni Sabrina kay Bianca.
“Langya ka. Akala ko naman kung ano na yun. Sino? Kay Daniel?” Sambit ng kaibigan.
“Oo, bes!! Hindi ko ma-contain. Grabe!” Napapasigaw nyang sagot.
“Tumawag sa akin si Margo kanina nong tulog ka pa, sinabi nya sa akin na may girlfriend daw yan bes. Sa ibang university nag-aaral. Medyo selosa daw yon.” Mahinahong paliwanag ni Bianca.
“Bes, let me enjoy this moment muna. Please? Magkaibigan pa lang naman kami. I guess. I just want to cherish the happiness, kahit konting oras pa.” Paliwanag ni Sab.
“Sige, pero promise ha, know your limits.” Paalala ni Bianca sakanya.
Iniwan sya ng kaibigan na nakatulala.
Tama nga ba tong pinapasok ko? Sakit ng puso ang hinahanap ko dito eh. Kaya ko kayang dalhin ang sakit? Halos lamunin na sya ng pag-iisip ng may nagtext uli sakanya.
“Hi ulit Sabrina. Okay pa ba? Tuloy pa ba tayo? Sensya na, ang kulit ko.” - 092689******
“Yes, D. Tuloy tayo. See you in an hour.” - Sabrina
“Can’t wait!” - D
Napangiti sya. Hindi nya alam kung anong laro ni Daniel pero handa syang sumugal para dito.
Around 6PM nang dumating ito sa condo nila para sunduin sya. Wala syang idea kung saan sila pupunta.
“Hi Sabrina.” Bati ni Daniel sakanya. “Let’s go?”
“Saan ba tayo?” Sagot niya sa binata.
“Baka magexpect ka ha. Nothing special. Gusto lang talaga kita makasama.” Nahihiyang sagot ng binata.
“Oo, sige. Game.” Sagot ni Sabrina dito.
Nagulat si Sabrina ng magcheck-in sila sa isang resort. Ang tagal na nyang di nakakapag-swimming. Kumuha si Daniel ng iisang room pero dalawa naman ang kama. Ipinaliwanag ng binata na gusto talaga nyang mag-unwind nang araw na yon.
“Ang ganda dito, D. Thank you.” Namamanghang sambit ni Sabrina.
“Mabuti naman at nagustuhan mo. Ang tagal ko ng gustong pumunta dito. Kaso, yung ka-plano ko, mas marami pang ibang bagay na mahalaga sa kanya.” Mapait na ngiting sinasambit ni Daniel.
Kumirot ang puso ni Sabrina. Wala syang nasabi sa mga katagang binitawan ni Daniel.
Naglakad-lakad sila sa paligid. Ang ganda ng pool. Parang gustong-gustong tumalon ni Sabrina. Buti na lang at may mga damit na dala para sakanya si Daniel.
“Dito tayo sa may pool.” Aya ni Daniel sakanila ng makarating sila sa restaurant na malapit sa pool area.
“Order na tayo? Ano gusto mo?” Muling tanong ni Daniel sakanya.
“Beer.” Matipid na sagot nya.
“Hindi ka ba kakain muna? Beer na agad?” Paglilinaw ni Daniel.
“Mamaya na lang. Beer. Ikaw na bahala sa iba.” Mapait muling sagot ni Sabrina.
Uorder ang binate ng pagkain at dalawang bucket na beer. Mukhang nagpasual ito sa naging asal ni Sabrina.
“May problema ba Sab?” Baling sakanya nito ng makaalis ang waiter.
“Daniel, ano ba to? Bakit sobrang nice mo sakin?” Nanginginig nyang nasambit.
“Gusto kita.” Diretsong sagot ni Daniel.
“Gusto mo ako? Gago ka? Di ba may girlfriend ka?” Halos maluha si Sabrina.
“Gago ako. Oo. Kasi gusto kita. Gago ako, oo. Kasi totoo. May girlfriend ako.” Mahinang sagot ni Daniel.
Walang naisagot si Sabrina sa mga nasabi ni Daniel. Masakit nga pala pag kaharap mo na ang katotohanan. Masakit nga pala pag andyan na. Mabubuhay na lang ba sa kasinungalingan at sa pagtatago para lang maging masaya kahit papaano?
“Sab, please.” Walang masabing iba si Daniel.
“D, it’s okay. Let’s enjoy the night.” Pagkukunwari ni Sabrina.
Malakas sya. Yan ang gusto nyang ipakita. Pero, durog na durog sya sa katotohanang kalokohan na naman yon.
Habang nag-aantay ng pagkain biglang may nagtext sakanya.
“Ms. Veluz, I miss annoying you. –Migs”
“Shut up. I’m annoyed already. Stop missing me.” - Sabrina
“Where are you? Can I come to your place?” - Miggy
Hindi na sya sumagot dito. Biglang dumating ang pagkain at inumin nila.
“Cheers.” Sambit ni Daniel nang matapos silang maghapunan.
“Cheers. Again, thank you for bringing me here. Nakakarelax, sobra. Midterms na next week. Hell week.” Sambit ni Sabrina
“Right! Masaya ako na nag-eenjoy ka.” Sagot ni Daniel sakanya.
Nasa gitna sila ng masayang inuman at kwentuhan ng mag-ring ang cellphone ni Sabrina.
“MIGGY is calling..”
“Sino yan?” Tanong ni Daniel
“Si Miggy. The jerk. Never mind.” Mataray na sagot ni Sabrina.
“Ako sasagot.” Wika ni Daniel.
Ini-abot nya ang cellphone dito. Sinagot ni Daniel at nilagay sa speaker mode.
“Hello pare. Daniel to. Kamusta?” Pagsagot ni Daniel sa telepono.
“Tangina pare. Asan ka? Bakit ikaw sumagot?” Pagalit na tono ni Miggy sa kabilang linya.
“Pare, init naman ng ulo mo. Wala. Nagchichill lang kami ni Sab. Salamat pare kagabi ah. I met Sabrina.” May pang-asar na tono na sagot ni Daniel.
Napapangiti si Sabrina sa narinig. Ngunit, mas nagtataka sya sa kinikilos ni MIggy.
“Wala sala-salamat pare. I-uwi mo Sabrina tonight. Ano ka ba!” Mas natindi ang galit ng tono ni Miggy.
“Seryoso nman nito. Bukas pa kami uuwi eh. Okay lang pre, ako bahala kay Sabrina.” Muling sagot ni Daniel
“ULOL. Pakausap nga ako kay Sabrinaaa!” Halos pasigaw na sagot ni Miggy.
Kinuha ni Sabrina ang phone at inalis ang speaker mode.
“What is it, Mr. Ferrer?” Pagtataray ni Sabrina
“What’s with you? Ganyan ka ba talaga kababaw? Sasama sa lalaki kahit kakikilala mo pa lang? Akala ko, party animal ka lang, levelled up na ba sa pagiging malandi?” Galit na tono ni Miggy.
Natulala si Sabrina sa narinig. Halos mapaiyak sya. Ang lakas ng kabog ng dibdib nya. Galit na galit sya. Gusto nyang manampal at magmura. Pero, walang lumabas sa bibig nya. Pumatak ng pumatak ang luha nya. Sa dami ng narinig nyang panlalait kay Miggy, ITO ANG PINAKAMASAKIT.
“Oh gosh. Sab, I’m sorry. I did not mean to―” Pinatay na ni Sabrina ang telepono. Sumabog ang luha nya ng bitawan nya ang cellphone nya.
“Bakit, Sab? What’s wrong? Anong sabi ni Migs?” Nag-aalalang tanong ni Daniel
“Wala. Can we just go to our room? Don na lang tayo umorder ng iinumin?” Pag-yayaya ni Sabrina
“Sure. Kung saan ka komportable.” Pagpayag ni Daniel.
Bumalik sila sa kanilang cottage. Uminom sila ng uminom. Nakalimutan ni Sabrina ang nangyari sakanila ni Miggy. Napalitan ng kaligayahan habang kasama si Daniel. May tama na sila ng alak.
“Alam mo Sabrina, okay naman kami dati. Pero, mapang-under talaga sya mula simula. Lumala na lang ngayon. Bawal ako sa lahat ng bagay. Barkada. Kaklase. Pati basketball, bawal. Nakakasal. Ni hindi ko nga nakakainom yon kasi masama daw tingnan.” Kwento ni Daniel sakanya. Tinutukoy nito ang girlfriend nya.
Tahimik lang nakinig si Sabrina. Gumaan ang pakiramdam nya na sya ang pinagkukwentuhan ni Daniel sa mga ganitong bagay.
“Mas mahalaga pa nga sakanya poise nya eh. Biruin mo Sabb, varsity ako ng basketball. Halos mamatay mga babae sa akin kakatili pag naglalaro ako. Tapos sya? Nagpopost sa facebook nya na inip na inip sya kakaintay lagi sa laro ko. Ang sakit lang. Tapos, hanggang sa nawala na lahat pati sakit. Sawang-sawa na ako.” Pagpapatuloy ni Daniel.
Muli, hindi sumagot si Sabrina. Ngayon, alam na nya. Kailangan ni Daniel ng pagmamahal. At handa syang iparamdam lahat kay Daniel, lahat ng bagay na hindi pinaramdam sakanya ng gf nito.
“Wala ka bang sasabihin?” tanong ni Daniel sakanya.
“Bakit hindi mo hiwalayan?” Nasambit ni Sabrina. Nabigla sya sa kanyang nasabi. “I’m sorry, wala ako sa lugar magtanong ng ganyan.” Pagpapatuloy nya.
“Okay lang. Hindi ganon kadali Sabrina. Anim na taon, ako ang nadehado tapos pag ako nakipag-break ako ang lalabas na masama buong buhay namin. Sayang mga sakripisyo ko Sab pag ganon nangyari. Tiis lang muna hanggang sya mismo ang sumuko sa aming dalawa.” Paliwanag ni Daniel
Habang nagsisink-in kay Sabrina ang dahilan ni Daniel mas lumalim ang pagkakaunawa nya dito. May point ang binata. Naging mabuti syang boyfriend tapos sya pa ang lalabas na maama sa huli?
“Mahihintay mo ba ako, Sabrina?” tanong ni Daniel. “Kasi, gusto kita. Sa’yo ko nakita yung babae na parang hindi ako nasasakal. I can be myself with you. Ngayon palang tayo nagkakilala pero kilalang kilala mo na ako. May mga nakwento na ako sayo na hindi ko pa naku-kwento sakanya. Iba ang pakiramdam ko sayo Sabrina. Komportable ako. Sana maunawaan mo kung selfish ako kasi gusto kita.” Pagpapatuloy ng binate.
Halos mabitawan nya ang hawak nyang bote sa narinig. Hindi sya nakasagot. Nanginginig ang labi nya.
“Sab…” Hinawakan ni Daniel ang kamay nya.
“Oo, iintayin kita Daniel. Asahan mo, andito lang ako.  Sa mga panahong nasasaktan ka, andito lang ako Daniel.” Mariing pagkakasbi ni Sabrina sakanya.
Magdamag silang naging masaya. Naglangoy. Uminom. Sumayaw sa kawalan. Parang sasabog ang puso ni Sabrina sa sobrang kaligayahan. Alam nya sa sarili nyang handa syang sumugal. Kahit gaano kasakit, kahit gaano kahirap ang maging resulta.
Alas tres na nang mapagod sila sa kalalangoy at bumalik sa room nila. Magkahiwalay silang natulog. Hindi sila ganoon kalasing pero alam nila na may tama ng alak sa katawan nila. Maliit na pagitan lang ang layo ng kama nila sa isa’t isa. Humarap si Daniel sa kanya.
“Sabrina..” Tawag ni Daniel sakanya.
“Bakit?” Nakangiting sagot nito sakanya.
“Tabi tayo? Promise, harmless ako.” Nagatatawang sambit ni Daniel.
“Ayan ka na naman sa harmless mo. Halika dito.” Nakangiting sagot ni Sabrina sakanya.
Parang batang excited na tumabi si Daniel sakanya. Niyakap nya si Sabrina. At ganoon din si Sabrina.
“Itatama ko lahat ito Sabrina. Sana mahintay mo ako.” Bulong ni Daniel sakanya.
“Makakaasa ka.” Nakangiting sagot ni Sabrina
Nakatulog silang yakap ang isa’t-isa.

Book 1: AnswersWhere stories live. Discover now