Nagising syang nakatulala. Naisip nya ang nangyari nang nagdaang gabi. Ang bilis ng pangyayari. Handa na ang puso ya na iwan at kalimutan si Daniel. Nakuha na nya ang gusto nya sa akin, ako na mismo alng lalayo. Ayokong parusahan sya na makaramdam ng guilt kasi ako naman may gusto nito. Handan na akong lumayo. Para sakanya. Lalayo ako kasi ayoko na mahirapan pa syang mag-isip tungkol sa nanagyari. Lalayo ako para sakanya. Kahit masakit. Sigaw ng isip nya.
Pagkatapos ng araw na yon, hindi nya sinasagot ang tawag at mga texts ni Daniel.
“Babe, whats wrong?” – D
“Galit ka ba?” – D
“Babe, I don’t want to lose you. Not now. Not ever.” – D
Nalungkot syang titigan ang mga mensaheng yun. Mas pinili pa rin nyang wag sumagot at magpakita sa binata.
“Bes, natawag si Daniel, hanap ka. Sabi ko andito lang tayo sa condo.” Sambit ni Bianca sakanya
“Bakit mo sinabi? Naku, aalis muna ako. Pag hinanap ako, sabihin mo, kakaalis lang.” nagmamadaling sagot ni Sabrina
Umalis sya sa condo. Nagpalipas ng oras sa mall. Nanood ng sine mag-isa. Tatlong oras na syang nasa labas ng condo. Muli nyang chineck ang cellphone nya.
“NASAAN KA BA, SABRINA!!” – D
“Wag mo naman akong torturin ng ganito. Please come home. Iniintay kita dito.” – D
“Babe, kahit iwasan mo ako ng iwasan, aantayin kita. Hindi ako papayag na mawala ka sakin.” – D
“I’ll do anything Sab. Please just come back.” - D
Hindi nya mapigilang mapangiti sa mga nabasa. Akala nya, wala lang talaga sya sa binata, pero, naghahabol ito sakanya.
Lumipas pa ang 3 araw at hindi nya pa rin hinaharap si Daniel. Maulan ang araw na yon. Pauwi na sya mula sa school nang may narinig syang natakbo.
“Sabrina!” Tawag ni Daniel sakanya. Basang basa ito ng ulan. Nakajacket. May dalang bulaklak.
“Bakit nagpapaulan ka?” Nag-aalalang tanong ni Sabrina
“Wag mo ako alalahanin. Bulaklak para sayo. Ano bang nagawa ko? Patawarin mo na ako.” Nag-susumamong sambit ng binata.
Nagulat si Sabrina nang magsimulang lumuha si Daniel. Wala syang naisagot.
“Sabrina, alam ko gago ako. Pero, ayokong mawala ka. Maniwala ka pag sinabi kong, ayokong mawala ka. Nababaliw na ako kaiisip. Ayoko nang wala ka.” Muling sambit ni Daniel
Hindi pa rin nakasagot ni Sabrina. Nakatingin sya sa mata ni Daniel. Wala syang ibang naiisip kundi ang mga katagang Mahal na mahal kita, Daniel. Handa na sya. Handa na si Sabrina para mahalin ng buo si Daniel. Anuman ang harapin nya. Gaano man kasakit.
“Sabrina, please say something. Please. I cannot lose you.” Pagpapatuloy ni Daniel
Niyakap nya ang binata. “Mahal na mahal kita Daniel. Wag ka ng umiyak. Mahal na mahal kita, hindi mo kailangang sumagot kung di ka pa handa. Hindi ako mawawala sayo. Mag-iintay ako kung kailan handa ka na.”
Niyakap sya ni Daniel. “Thank you, Sabrina. Please, wag ka ng lalayo sakin. Nakakasira ng ulo.”
Iyon ang pinakamasayang araw ni Sabrina. Hindi man sinabi ni Daniel ang nararamdaman nya, alam nya kahit papano, kahit konti, may halaga sya sa buhay ng binata.
Naging masaya ang sumunod na mga araw. Hindi kailangan ng label, masaya na sya na alam nyang masaya silang dalawa. Yun lang kasama nya si Daniel. Masaya na sya. Presensya lang nito, sapat na.