Chapter 1: Birthday

120 5 0
                                    


Gwen's POV


      "Good Morning World!" sigaw ko pagkatunog ng alarm ko. Bumangon agad ako sa higaan ko para makaligo. Papunta ako ng red ribbon para bumili ng cake para sa kaibigan ko na may birthday. Di pa pala ako nag papakilala, wait ito na.


      Hi! Ako si Gwen Santos! Fourth year highschool na ako bukas at ako ang pinaka bata sa amin. Pinaka hyper din ako samin pero pag kailangan mag seryoso, seryoso din dapat ako. Simple lang ako pero may taste pa rin ako sa pagpili ng mga gamit ko. Maliban na lang sa mga kaibigan ko, kung sino yung nandyan, kung sino yung totoo sakin para sakin isa sila sa mga kaibigan ko. Madami akong hobbies pero di ko muna sasabihin para makabili agad ako ng cake.



       Pag baba ko buti na lang wala pang gising. Napaaga pala ang alarm ko 6:00am pa lang, ang usual na gising ng mga kaibigan ko ay 8:30 minsan 8:00. Umalis na ako sa bahay namin and yes you heard me right 'namin' . We live together mga 2 months pa lang kami don. Our parents decided kasi na we need to be independent so they gave us space. They were paying the bills not us so ang kailangan lang namin ay ang maging mabait. 


    *******


      Pag kadating ko sa Red ribbon open na iyon. Namili na ako ng cake na bibilhin, ang naisip ko ay black forest kasi iyon ang favorite ni Alexis. Naka bili na ako ng mahaba na cake na alam ko na magugustuhan niya. Palabas na ako ng red ribbon ng may nakabunggo ako. 

   "WHAT THE?!" sigaw nito kaya napatingin ang mga tao sa loob ng resto, napangiti ako na may halong inis.

  "Miss! Hindi ka ba nakatingin sa dinadaan mo!?" pasigaw na sabi nito.

 "Ikaw ang hindi natingin sa daan. Akala mo ang cool cool mo may pashades pang nalalaman pati headphones. May papikit pikit ka pang nalalaman. Pati yung cake ng bestfriend ko ihinulog mo, dinumihan mo pa yung damit ko" mahinahon ko na sabi na may pagkairita.

  "So you mean ako pa ang may kasalanan?" sambit niya habang nakangisi.

  "Exactly! Buti alam mo. So ngayon ibili mo ako ng bagong cake para makaalis na ako dito at makapag palit na ng damit at maidala yan sa kaibigan ko."

  "Bakit ako ang bibili? Diba sa kaibigan mo yan hindi sakin. So sino ka para diktahan ako ng gagawin ko?" bigla siyang tumalikod sakin at isinuot uli ang headphones at dahil sa inis ko kinuha ko ang candle na nasa taas ng box at ibinato sa kanya. Sapul sa ulo! Napangisi ako at nagpunta sa counter para bumili ng bago.

  "Bye LOSER" diniinan ko pa ang pagkasabi ng 'LOSER'.

  Pagdating ko sa bahay 7:20 na isang oras rin pala ako sa red ribbon. Umakyat ako sa kwart ko at nagpalit ng damit para makabili na ng pizza at maka pag padeliver ng breakfast galing sa McDo. Sumilip ako sa mga kwarto nila at ang hihimbing pa ng tulog ng mga ito. Ang sarap isipin na sana lagi kaming ganito tahimik lang at parang walang problema. 

  Bumaba ako sa tapat ng Domino's para bumili na ng pizza. 

 "Kuya 3 boxes hawaiian pizza." sambit ko pagdating sa counter, tumango na lang ang lalaking nasa counter. Habang hinihintay ang order ko inalala ko ang mukha nung lalaking nakabunggo ko kanina. Parang nakita ko siya kanina eh sa labas ng domino's. Dumating na ang order ko at lumabas na ako sa loob.

 Pag labas ko may naabutan ako na lalaki na malapit lang sa sasakyan ko na may kausap na babae. "Pupunta ako mamaya" sabi nung lalaki sabay ngiti dun sa babae. Pagkaharap nung lalaki laking gulat ko na nakita ko na naman siya.

The Unexpected RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon