Chapter 11: Leo Cain Miller

55 3 1
                                    

Gwen's POV

Hindi ko alam, kung anong pwedeng gawin. Hindi naman ako inaantok. Hindi ako mapakali. Sana naman may maisip ang mga magaling kong kaibigan na gagawin. It's Saturday, pero nakatunganga lang ako, kami sa bahay. As if on cue, may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Tinatamad ako, walang pwedeng gawin" si Pia.

"Anong ginagawa mo, Gwen?" tanong ni Pia.

"Wala nga eh" naglakad ako sa buong room ko. Paikot ikot at hinihintay na mapagod ang sarili. Ginaya ako ni Pia.  

 "Gosh! Kanina pa ako paikot ikot sa buong bahay, ngayon lang ako napagod" sabi ni Pia, after mga 5 minutes. 

 "Same" I opened the aircon, at humiga sa kama, na sinundan ni Pia. 

 "Pwede ba akong matulog, dito?" tanong niya. 

 "Of course!" natulog kami ni Pia. Sigurado ako, pag gising namin gulo gulo na ang kamang hinihigaan namin. 



 Yurie's POV 

"Asan sila Gwen?" tanong ni Lizzy. Hindi ako sumagot, hindi ko naman alam kung ako tinatanong, eh nakapikit ako kaya di ko sila kita. 

"Huy" 

"Huy"

"Huy, hindi ka pa naman tulog eh. Hindi mo kayang matulog ng ganyan, kung si Gwen pwede ba. Kung saan saan yun natutulog eh" 

"Ako, ba tinatanong mo?" dumilat ako at nakita ko ang pag-tango niya. 

"Aba, anong malay ko kung nasaan ang mga yon. Nakita mo namang tatlo lang tayong magkakasama dito sa mall eh. Baka may nakikita ka pang iba?" 

"Bwisit" ngumiti na lang ako habang nakapikit. 

"Alex!" 

"Lizzy naman, wag kang sumigaw nasa counter pa si Alex oh" 

"Bala ka, dyan" she stuck her tongue out to me. Napa-iling na lang ako sa inaasta ni Lizzy. Pumunta na lang siya kay Alex sa couner. "Hey, miss. Can I sit here?" dumilat ako at nakitang ako ang tinatnong, tinaasan ko lang siya ng kilay. "Uhh, n-" bigla na lang umalis yung lalaki parang natakot. Weird. 

 "Hoy, What are you doing here ?" napatingin ako sa gilid ko. 

 "Ako ba tinatanong mo?"

 "Ay hindi, yung tissue, yung tissue. Oo 'no, tissue bakit nandito ka?" sinamaan ko lang ng tingin si Zander. Napaka-epal, ayaw ipreno ang bibig eh. We just glare at each other when we heard someone. Umalis na nga yung lalaki kanina, may mga kampon naman na dumating.

 "Zander, bakit nandyan ka? Nandon ang table natin" nang makalapit siya samin, nagulat siya.

 "Hoy. Ang bagal niyo inip na inip na ako" walang emosyong sabi ni Luke habang papalapit samin. 

 "Hay, nako. Mga epal nga naman. Sinusundan niyo ba kami?" napatingin kami kay Alex na bigla bigla na lang magsasalita. 

 "IKAW!?" nagkasabay si Kevin at Alex sa pagsasalita, nag samaan sila ng tingin at parang may kuryente na na-labas sa mga mata nila. "Stalker kita 'no? Hay nako, pwede mo naman sabihin na may gusto ka sakin. Hindi yung sinusundan niyo pa kami. Mamaya magmukha pa kayong mga magnanakaw na sumusunod samin" ngumisi si Alex pagkasabi niya non kay Kevin. 

 "Ikaw, ang epal! Grabe kung hindi ka lang talaga, babae! Kanina pa kita napatulan. Umalis na nga tayo dito! May mga kampon ng kadiliman dito!" ang pikon naman ni Kevin. Haha. 

The Unexpected RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon