Chapter 4: Twins

50 5 0
                                    


 Alexis POV

 Hello ako si Alexis Guevarra but they call me Alex. Sporty,makulit,mahilig mag basa pero hindi nerd at higit sa lahat DYOSA! Joke! Tama lang yung ganda ko! I will tell something about myself. Nagkaroon na ako ng 2 boyfriends and sa past ko may mga hindi nangyaring maganda pero masaya na ako ngayon dahil andito naman ang mga bestfriends ko. Now, ang pinagtutuunan ko ng pansin ay ang studies ko, gusto kong maging kasing talino ni Lizzy eh. 

 Pagkagising ko nag ayos agad ako at dali daling bumaba para makakain. "Goodmorning guys!" masayang bati ko sa kanila. "Late ka gumising" masungit na sabi ni Pia. "Oh asan ba si Lizzy?" piangtataka ko. "Nagbibihis pa lang" sagot ni Gwen. "Ano oras start ng class ngayon?" I asked. "Seven thirty. Kahapon lang 8 kasi first day" sagot niya uli. "So ano ng kakainin?" tanong ni Yurie na nakapamewang pa. "Drive thru na lang. Mcdo? Jollibee?"  "Kung anong unang makita" -Yurie. "LIZ!" sigaw ni Pia. "Uso bilisan!" dugtong pa nito. Pagkababang pagkababa ni Lizzy tumakbo agad siya sa labas at sumakay sa sasakyan niya then alis na. 

 "What happen kaya?" umakyat si Gwen sa kwarto ni Lizzy at nakitang naka open ang loptop nito. Nagtataka kaming sumakay sa kanya kanyang kotse at umalis na ng bahay. Pagdating naming apat sa school. Nakita naming nandun si Kuya Caleb at nag goodmorning kami isa isa. "Goodmorning po" pagkasabi ko non bigla siyang nag blush. Cute. Napatingin silang lahat sakin at sabay ngisi, tinaasan ko sila ng kilay dahil alam ko ang iniisip nila. "G-good m-morning p-po" nginitian na lang namin si kua Caleb bago umalis. Biglang hinawakan ni Pia ang buhok ko at parang pinahaba niya pa ito na parang kay Rapunzel. "Guys tulungan niyo naman ako ang haba ng buhok ni Alex eh" inirapan ko lang sila, dahilan para tumawa silang lahat.

 Napatigil kami sa paglalakad ng makita namin si Lizzy. Basa ang damit na parang tinapunan. "Sorry Miss" pagkasabi nung lalaki bigla siyang umalis. Lizzy's hand became into a fist. "Hey! Sinadya mo toh diba?" napatigil yung lalaki sa paglalakad. "Excuse me? Kung tumitingin ka sa dinadaanan mo edi sana di kita natapunan ng tubig" he shook his head then turn around at naglakad na naman palayo. Hindi na gumanti si Lizzy at naglakad siguro papunta sa locker. Sumunod kami sa kanya at sumilip sa loob ng locker niya. OMG. 

 "What the heck?! Who the hell did this?!" pasigaw na sabi ni Lizzy, ng makita ni Yurie ang nangyari sa mga libro ni Lizzy na si JK Rowling ang author sumigaw agad ito na bwisit ang kung sino man ang gumawa nito. "Nananadya ang may gawa nito eh" sabi ni Lizzy. "Alam niyo guys" humarap ito saamin. "Kaya ako nagmamadali kanina ay may nag message sakin na ginulo niya ang locker ko. And boom tinotoo niya" sabi niya samin. "Kahapon alam niyo nung mag c-cr ako may nakabunggo ako,  nanghingi agad ng number si kuya. Tapos nung nasa cr na ako nung girls nasa labas siya ng cubicle kaya sumigaw ako. Tinakpan niya yung bibig ko kaya inapakan ko yung paa niya. Tapos bigla niya akong tinawag na babe kaya ayun sinikmuraan ko" tumawa kami sa naging araw kahapon ni Yurie. After magkwento ni Yurie ay nagbihis si Lizzy at ng paalis na kami sa locker ay may biglang dumaan na apat na lalaki. Nag madaling tumalikod si Yurie, Gwen at Pia kaya sumunod na lang kami. 

"Babe!" 

"Miss!" 

"Hey!" 

 Napatingin kaming lima na may halong pagtataka sa mga nasa likuran namin. Bahagyang  kumunot ang noo ko ng makitang naka tingin ang tatlong lalaki kay Gwen, Yurie at Pia. "Babe! Bakit mo naman ako iniwan sa cubicle kahapon?" sabi nung isang lalaki kay Yurie. "Ikaw yung nagulat ko kahapon diba?" sabi naman nung Kaizer ata yon kay Pia. Sa pagkakatanda ko Kaizer yon. "Miss ikaw yung nag sasalitang mag-isa nung isang araw diba?" sabi naman nung isa kay Gwen. "Ikaw yung nagtapon ng tubig sa damit ko diba?!" sigaw ni Lizzy. "Guys tara na" tumango ang mga kaibigan ko kasi baka pag nagtagal kami don at magka-war pa. Nag punta na lang kami sa room at nanahimik. 

  Gwen's POV

 Biglang tumunog ang bell na meaning ay lunch na. Lumulutang  pala yung utak ko kanina habang nag lelesson. "Tara na" aya ni Alex samin. Habang namimili kami para makakuha na ng kakainin. May kumalabit sakin. "Hi! Ikaw yung nag sasalitang mag isa diba?" masayang pagkakasabi nung kumalabit sakin. Napatingin yung lalaking katabi niya sakin. OMG! "Ahhh! Multo!!" tumakbo ako papunta sa likod ni Yurie at tinuro yung isang lalaki kanina. "Multo? Asan?" tanong sakin ni Yurie. "Ayon Multo!" tinuro ko yung lalaking nakatingin sakin at nakataas ang kilay. "Huh? Ito multo?" tinuro nung kumalabit sakin kanina yung katabi niya. Tumango ako at natawa siya sa naging sagot ko. "Mukha ka palang multo sa kanya tol eh! Haha" posible kayang kambal sila? pero hindi yun pwede iisa lan yung mukha nila eh. "Duh. Gwen naman kambal nga diba edi mag kamukha" ay napalakas pala pagkakasabi ko sa utak ko. 

"Ma'am. Ano po ang order niyo?" nabaling ang tingin ko sa nag titinda at umorder na. Habang papunta ako sa lamesa ng mga kaibigan ko ay iniiwasan ko yung mga lalaking mag kamukha.

 "Guys sa tingin niyo sinong multo dun sa dalawang yon?" tanong ko sa kanila pag kaupong pagkaupo ko. "Kambal sila Gwen" sabay sabay na sabi nilang apat sakin. After naming kumain ay bumalik na kaming room para pumasok sa History class namin. Dahil sobrang boring ng subject muntikan na akong mahuli ng teacher ko na inaantok. After ng history nag lesson naman si Ma'am Mendez tungkol sa arts. "Mr. Lee. Bakit hindi ka nakikinig?" tanong ni Ma'am. "Ginugulo po ako ni Zander" turo nito sa kanyang katabi. "Okay. So, sagutin mo ang tanong ko Mr. Zander. What do you call when all the elements of art work together?" tanong ni Ma'am. May sinulat sa papel yung Mr. Lee tapos ipinakita niya ito kay Zander na nakatayo. "Harmony in art Ma'am" sagot nito habang nakangiti. Cheaters. "Okay good" After ng Arts ay dapat PE na kaso wala si Sir Dela Fuente. Kaya nag iwan na lang siya ng notes na kailangan namin gawin. Habang nag susulat kaming girls nag babatuhan naman ang ibang boys ng papel. Ng may tumamang papel sa ulo ko tiningnan ko agad ang nakasulat na may nakalagay na HI :) . Hinanap ko agad ang nagbato at nakita ko na nakangiti sakin yung Zander tinaasan ko lang siya ng kilay at nag sulat ulit.

 Pagkatapos ng klase nag punta muna kami ni Alex sa cr. May narinig ako na nagbukas ng pinto kaya may pumasok malamang. "Sa tingin mo tatagal yung mga new students dito?" boses babae. "Pustahan tayo tatagal yan may maganda kasi akong feeling about them eh" sagot nung isa at lumabas na din sila. Paglabas ko ng cubicle nag bukas din ang pinto kung nasan si Alex. "Tayo kaya yung tinutukoy nila na hindi magtatagal?" kibit balikat lang ang nakuha kong sagot mula sa kanya. "Hoy" napasigaw ako ng 'ay pusa' dahil bigla na lang may sumusulpot na tao sa harapan ko. "Hindi ako multo" poker face na sabi nito sakin. "Yeah he's not a ghost Gwen" bulong sakin ni Alex sabay alis. I pinch his right cheeks and stretch it. "Omg! For real! Your not a ghost right?" I asked while parang nandidiri siya sakin. "Yeah. I'm not a ghost. Were twins" sagot nito sakin at tumalikod na siya.

 Pag dating ko sa Parking lot halatang naiinip na ang mga kaibigan ko bukod kay Alex. "Ang tagal Gwen" sabi ni Lizzy sakin. "Thanks" I sarcastically said. Sumakay na kami sa kanya kanyang kotse at umuwi na sa bahay. 

 "Thank you sa Menudo Alex at Lizzy" sabi ni Pia. "Isa kaya yan sa specialty namin. Haha" nag high five lang silang dalaw at nagtawanan kami. "Tulugan na. Agahan niyo ah. 7:00 ang pasok bukas" sabi nito saamin. 

The Unexpected RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon