Chapter 5: Paint

51 7 0
                                    


 Lizzy's POV

"Ano bang oras tayo aalis?" naiinip na tanong ko. "Saglit diba! Nagsusuklay lang" sabi ni Gwen. "Ang dali suklayin ng buhok mo Gwen" binigay niya saKin yung suklay. "Suklayan mo ako sa loob ng kotse ah. Kala mo dyan ang dali dali. Hmp" aba ayos din siya pa itong galit eh. Dumiretso a kami sa loob ng sasakyan at ginawa ang utos ni Madam. 

****

 "Bwisit talaga yung lalaki na nag sira ng libro ko eh. Sarap patayin" sabi ko after ko isara yung locker ko. "Pag nakita mo Liz ah sabihin mo sakin. Tutulungan pa kita sa pag kill" naiiritang sabi ni Pia. Papunta kami ng room ng may nakita kaming halos lahat na babae sa loob ng cafeteria at parang lilima lang yung lalaki. Napatingin ako sa direksiyon nung mga tinititigan nila. Yung lalaking yon! Yung limang nakasalubong namin nung isang araw. Lumayas na lang kami sa cafeteria at dumiretso sa room. Habang naglalakad kami may narinig kaming nag uusap na pababa sa hagdan.

 "Uy. Nasa Cafeteria na naman daw yung lima at punong puno yung room" sabi nung isang girl. "Sino si Kaizer Edwards, Kevin Lee, Luke Scott, Zander Williams, at ang kaisa isang Zachary Williams?" tinanguan niya ito na parang kinikilig pa. "Iww.. Kinikilig ka ba?" sabi nito at umalis na tatawa tawa pa. 

 "Hey Guys. Yun pala yung pangalan ng limang nakakainis na yon" hindi sila nakasagot at nagdirediretso na. Mga baliw. Di daw ako pansinin. 

 "I'm Miss Alcantara your new teacher in Music. Where is the five students at the back?" masungit na tanong nito. "Were here!" napalingon kaming lahat kung saan galing ang sigaw. 

 "Why are you late?" may binulong yung isa sa mga late sa sumigaw.

 "Traffic po" 

 After ng usapan na yon. Nag klase agad kami at nakinig sa teacher. Habang nagsusulat ako ng notes bigla namang may tumama na crumpled paper sa ulo ko. Hindi ko na lang pinansin yon kasi baka hindi lang sinasadya yon. Umulit ng umulit, hanggang naka-apat na bato na sa ulo ko. Tumingin ako sa paligid ko at nakita ang lalaking nakangisi. Siya yung tumatawag ng babe kay Yurie ah! Tinaasan ko siya ng kilay at ibinaling na lang ang tingin sa teacher. 

 "Ma'am binato po ako ng papel sa ulo ni Ms. Park" napatigil ako sa pagsusulat pati ang mga kaibigan ko. Lumaki ang mata ko dahilan para mapa-ngisi siya. "Who is Ms. Park?" tumayo ako baka kasi pagalitan pa ako. 

 "Ako po Miss" 

 "Binato mo raw siya?" 

 "Hindi po ang sa totoo nga po yung katabi niya yung nangbabato sakin ng papel eh yung nasa kanan po niya. " mahinahong tugon ko. 

 "Lee, Lee, lee"

 "PO?" napatayo agad siya sa kanyang kinauupuan.

 "Lily pa man din ang pangalan ng anak ko. At pamangkin ka pa naman ng asawa ko. Sa tingin mo paano kita mapapagalitan?" 

 "Wag niyo na lang po ako pagalitan. Tutal wala ka naman po pa lang maisip na parusa" 

 "Bastos ka na pala ngayon. So now, follow me" naglakad na palayo si Miss, pero di pa din naalis dun yung lalaki. 

 "Come now or else...... Sasabihin ko sa daddy mo na tanggalan ng laman lahat ng cards mo" dali daling umalis yung lalaki don at lumabas. Madali naman palang kausap, dami pang ek ek eh. Tinapos na namin ang pinapakopya samin ni Miss. "Class dismiss" sabi ni Sir Dimples este Sir Fernandez. Eh kasi naman kung maka ngiti wagas kitang kita yung mapuputi niyang ngipin. Mag kamukha nga sila ni Kuya Caleb yung parang ka age lang namin. "Ang tahimik naman dito" napatingin kami kay Gwen na nag salita habang nanguya. 

The Unexpected RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon