Chapter 3: Beginning

61 4 0
                                    


    Yurie's POV

 Hi! Ako si Yurie Alonzo! Paano mag pakilala? Di kasi ako sanay sa ganun. Nakakainis si Gwen eh di ako pinakilala. Okay ito na papakilala na nga ako. 

 Ako si Yurie Alonzo. Ako ay nanalo dati sa isang chess contest pero dahil tinamad ako di na ako nakapag laro kahit kailan. Dati ang tawag sakin ng trainer ko nung nanalo ako ay 'chess master' siyempre nakakahiya kasi mas magaling siya sakin. Basta tama na ang introduction ko. Balik na tayo sa story. 

 "Wait for us!" narinig kong sigaw ng isa sa mga kaibigan ko. Hindi na ako tumigil sa pagtakbo dahil alam nila kung saan ang room. Nang makarating ako sa isang building. Tiningnan tingnan ko ang mga pangalan ng sections. Tumigil ako sa isang room na sobrang ingay pero tahimik ang mga babae. Nakakapagtaka. Nagulat ako ng may biglang humawak sa balikat ko. 

 "Ito na ba yun?" nagkibit-balikat lang ako kasi walang nakalagay na section. Kumatok si Alex sapintuan. Tumigil lang saglit sa pag -iingay ang mga boys at nag ingay ulit. Kumatok ulit si Alex at may napatingin na sa kanyang babae. Nung nakita na kami ng ibang girls bigla silang nag bulungan. Pumunta ang isang babae patungo samin. 

 "Ano pong kailangan niyo?" tanong nito. "Ah kasi po. Dito po ba ang 4-A?" singit ni Lizzy. Napangisi ang babae at itinuro samin na may lima pang bakanteng upuan sa likod. "Aish. Asan na naman si Gwen?" kibit balikat lang ang naisagot niya sakin.

 Nakita na lang namin si Gwen na hingal na hingal. Siguro galing sa pagtakbo.

 "Aba. Aba. Hoy Gwen Santos. Saan ka galing?" hindi mo malalaman kung naiinis o nag aalala ang itsura ngayon ni Pia eh. "May nakita akong panget sa labas eh, yun tinarayan ko" sabi na't hindi sasagot toh ng ayos eh. haha. "Nonsense ka Gwen" sagot niya kay Gwen. Ang nasa pinaka unang nasa row ay si Gwen sunod si Pia, ako, si Lizzy sa may tabi ng window naman si Alex. Pagdating ng teacher kaming lima lang ang nag good morning na ipinagtaka ko. Habang nagtuturo nahulog yung ballpen kaya napatayo ako at pinulot iyon. 

 "Yurie. Umihi ka ba?" tanong sakin ni Alex. "Huh? Ako? Hindi. Bakit?" naguguluhang tanong ko sakanya kasi naman hindi ako mapapaihi ng hindi ko alam. Biglang nagtawanan ang mga boys dahilan para makuha nila ang atensiyon ng teacher. "Boys. Why are you all laughing? Is there any problem?" pati ako di ko alam kung bakit. Napatingin ako sa direksiyon ni Lizzy na para bang may itinuturo siya sa likod ko at saktong inginuso niya ang likuran ko and boom! Basa ang pwetan ko! Ang lakas ng topak ng kung sino man ang naglagay ng tubig doon. "CR lang po ako" sabi ko sa teacher namin na nagtuturo. Tinanguan niya lang ito at lumabas na ako ng room.

 Habang nag lalakad ako patingin tingin ako sa likod ko baka kasi may tao. Nakakailang kasi.  

"Aray!" sigaw ko sa nakabunggo sakin. "Miss. Can I get your number?" aba! nanghingi pa ng number ang loko! Di man lang ako tinulungan tumayo ah! Kahiya sayo kuya number agad! Tumayo na lang ako kasi baka masapak ko toh. Dumiretso na lang ako sa CR. Pag dating ko dun nag wiwi lang ako at naalala ko may jacket pala akong suot kaya ipinulupot ko na lang sa bewang ko. "AAHHH!!" sigaw ko sa lalaking nakatayo sa labas ng pintuan ng cubicle. Bigla niyang tinakpan ang bibig ko. In fairness ah ang bango ng kamay ni kuya. Pero hindi kasi yun eh! Dahil tinakpan niya ang bibig ko inapakan ko na lang ang paa niya. "Shit! Sakit babe ah!"  Shit talaga! Kanina pa yang lalaking yan ah! 

 "Babe your face!!" sinikmuraan ko yung lalaki kaya ayun naka salampak sa sahig. I gave him a little smirk before going back to our classroom. Bumalik ako sa classroom na parang may natapos na mission. Bwisit na lalaki kasi yun eh. Pag balik ko sa room parang problemadong problemado ang tatlo kong kaibigan sa likuran.

 "Anyare? San si Pia?" tanong ko sa kanila pagkarating ko sa upuan ko. Buti pwede kaming makapag ingay kasi walang teacher. "Pagkalabas mo kasi papunta sa cr. Lumabas din siya kasi nawiwiwi daw. Hanggang ngayon wala pa. Baka naligaw na kasi yun eh. Eh hindi pa naman break time kaya bawal pang lumabas kaya di namin mahanap" nag aalalang sabi ni Lizzy.


  Sophia's POV

"CR lang po ako" sagot ni Yurie kay Ma'am ba go lumabas. Sakto naman na nawiwi din ako kaya nag paalam ako kay ma'am. Lumabas ako ng room para hanapin ang cr. Feeling ko naliligaw ako, pero buti na lang may nakita akong lalaki na nakatalikod mula sa kinatatayuan ko. "Kuya, saan po ba yung daan papuntang cr?" tanong ko dun sa lalaki na nakatayo. "Aahh!" napasigaw ako dahil sa gulat. Dali dali niyang tinakpan yung bibig ko at tinanggal yung suot niyang creepy mask at tsaka tumawa ng malakas. "Your reaction is so funny hahaha" sabi nung Kaizer na nakita nila kaninang umaga. Tinanggal niya agad ang kamay na nasa bibig niya. "Eeewww! Kadiri ka! I don't even know you! How dare you touch me!" inapakan ko yung paa niya kaya napatigil siya sa pagtawa. Iniwan ko siyang patalon talon don may heels kasi eh haha. Buti na lang may teacher ako na nakasalubong at sinabi kung saan ang daan papunta sa pupuntahan ko. 

 "Hay. Natapos din" sabi ko agad pagkalabas ko ng cubicle at diretso na sa room. "Yo Guys!" sigaw ko sa mga kaibigan ko. Pagtingin ko sa isang side nandun yung guy na inapakan ko kanina. He's giving me a deadly stare. So, I raise my one left eyebrow at him with a smirk. "Pia! There you are" sabi sakin ni Alex. "Hey! You make us so worried" wika naman ni Lizzy. Hindi nagsalita si Yurie at Gwen sinamaan lang nilang dalawa ng tingin si Pia. "Sorry guys for making you worried" sabi nito na tinanguan naman nila. Natapos ang buong araw namin na maayos, noong umaga nga lang hindi. Pagkauwi naman namin kumain ay lang kami ng meryende then dinner at natulog. "Goodnight World"


The Unexpected RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon