Chapter 10: Gymnasium

38 2 0
                                    

  Alex's POV

 Lumipas ang isang linggo na puro pangiinis at pang-gagalit ang inabot namin kila Kaizer. Hindi ko alam kung bakit parang lalong uminit ang dugo nila samin. Kinuwentuhan lang kami nila Gwen, Yurie at Pia.

 Flashback

 Dumating si Pia na parang inis na inis. May binubulong siya di ko lang marinig. Sumunod si Gwen na nakapout. Huling pumasok si Yurie naka pokerface. 

 "Problema niyo?" walang sumagot.

 "Huy" 

 "Yohoo. May tao din dito" kinalabit ko si Yurie. 

 "Ay palaka ka! Wag kang manggulat!" napapoker face na lang din tuloy ako. Sa wakas, Bumalik na din sa kanikanilang diwa ang mga kaibigan ko. 

 "Oh? Ano ngang problema niyo?" 

 "Wala" sabay sabay pa ang tatlo. 

 "Inlove?"

 "Kilabutan nga kayo" tinawanan lang namin sila Yurie, Pia at Gwen dahil sa naging reaction nila. 

 "So, what happened nga?" nakakainis ang tatlong ito. 

 "Wala nga" sabi ni Gwen.

 "Tatawagan ko si Jaxe" akmang tatayo na ako pero hinila ako pabalik ni Gwen.

 "Subukan mo lang" sinamaan niya ako ng tingin. 

 "Magsalita na lang kayo" usisa ni Lizzy. Sabay kasi kaming umuwi gawa ng cooking club kami parehas. 

 "Si Kaizer"

 "Si Draco"

 "Si Zachary" 

 "Bakit? Anong ginawa sa inyo ng mga bwisit na yon? Ha? Ano? Sinaktan? Pinahiya? O baka naman?! Ay wait, sino si Draco?!" hinila ako pabalik ni Gwen ng mukha na naman akong naghihysterical.

 "OA mo"  

 "Tama na naman yang pahila hila ng damit. Luluwag ang damit ko sayo Gwen" nag peace sign siya.

 Lizzy break the silence. 

 "So... Sino si Draco?" 

 "Kasama ko sa chess club" kalmadong sabi ni Yurie. 

 "Si Kaizer. Anong ginawa sa iyo?" this time hinayaan ko na lang na si Lizzy ang mag salita. Baka hindi na naman ako kausapin ng maayos ng mga yan. Napaghahalatang may favoritism eh! Joke, haha. 

 "Napa tagal ako sa pag uwi at sa clinic dahil sa kanya"

 "Ano bang nagawa mo at nasa clinic ka?" tanong ko. Sorry naman nakakaintriga kasi eh. 

 "Wala"

 "Andaya naman. Pag si Lizzy sinasagot ako hindi. May problema ba kayo sakin?" natawa na lang sila sa reaction ko at sinabing mukha akong batang magsusumbong. 

 "Natamaan ko siya ng bola ng volleyball eh. May kasalanan din ako pero inabuso niya! Naghintay akong magising siya sa loob ng 3 hours para makapag sorry tapos nung gumising siya pinadagdagan pa niya ng 30 minutes eh!"

 "Easy lang. Tinatanong ko lang kung anong ginawa sayo. Nag explain ka na" 

 "Syempre itatanong mo rin naman eh" napatawa na lang ako. She has a point. Haha. 

 "Ikaw" hinarap ko si Gwen na nakain ng chocolate. 

 "Uhm ano... wala lang" pinagpatuloy niya lang ang kinakain niya. Sabi na eh. Wala kang makukuhang matinong sagot pag nakain ng chocolate at ice cream si Gwen. Hinarap ko na lang si Yurie. 

The Unexpected RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon