Chapter 2: Again and again and again

60 4 0
                                    



       Gwen's POV


 I was about to follow the guy na nasa panaginip ko ng biglang may kumatok ng napakalakas sa pintuan ko at sumigaw ng "Gwen! Pag hindi ka pa bumangon dyan malelate tayo 6:30 na at pag na late tayo pupunitin ko yang mga poster ng favorite bands mo!" as usual si ateng masungit yan the one and only YURIE. Syempre nung nabanggit niya yung pag punit sa mga poster ko napa balikwas agad ako at nag ayos. Pag baba ko ang sama ng tingin ni Lizzy sakin at ni Alex si Yurie naman ang sama ng tingin kay Sophia na patapos na kumain. Pag tingin ko sa orasan ay 7:00 na. Kumuha na lang ako ng sandwich at inilagay yon sa bag. Nakarating kami sa parking lot ng school ay 7:10 na medyo malapit lang kasi sa labas lang ng village ang school. 

 "Principal's office tayo o mag tanong muna sa guard?"- Sophia

 "Guard muna"- Alex

 "Syempre guard muna. Alam niyo ba kung saan yung office? tss"- Lizzy 

 Natahimik na lang si Sophia.

 "Good morning kuya guard!" masiglang sabi ni Yurie.

 "Good morning din po Ma'am. May kailangan po ba kayo?" sabi ni kuya guard.

 "Ano pong pangalan niyo?" singit naman ni Alex.

 "P-po? Ah Caleb po" sabi ni kuya guard.

 "Ah.... Saan po ba yung way papunta sa principal's office?" tanong ni Alex. Alam ko na kung bakit tinanong ni Alex kung ano yung pangalan gwapo kasi eh haha.

 "W-way po s-saan?"

 "Sa principal's office po kamo"

 Tumango na yung guard at itinuro ang daan kung saan kami pupunta pero bago kami makalayo dun kay Kuya Caleb narinig ko pa yung binulong niya. 

 "Akala ko way sa puso ko di pala. Love at first sight ba yun? Ewan basta maganada siya" woooooo!! Ang ganda talaga ni Alex kahit kailan! Di ko muna ito ipapaalam sa kanya, dahil nag mamadali na kami.

 Habang naglalakad, napatigil kami kasi may mga nag kukumpulan na mga estudyante sa isang gilid kung saan may nakalagay na 'bulletin board: section list'. 

 "Guys tingin kaya tayo?" tanong ni Lizzy na tinanguan na lang namin. Pero bago pa kami makapunta doon.

 "Bakit kayo naka civillian?" may isang lalaki na nag tatanong pero di namin alam kung sino ang tinatanong. Tumingin ako sa mga kaibigan ko na sumenyas papunta dun sa may board kasi nawalan ng tao simula nung nag tanong yung lalaki pero bago pa man din kami makapunta don nagsalita ulit yung lalaki.

 "Hoy! Bakit kayo naka civilian?!" dahil naintriga ako at katinng kati na tumingin dun sa kaaway nung lalaki ay lumingon ako. Jusko! Kami pala ang kausap!

 "Ah kasi po di kami naka uniform?" I tried to sound normal pero nairita ako so yun sinagot ko siya. "Boom!" sigaw nung tatlong kasama niya at hindi nag sasalita yung isa. Kasama nung nag salita ay dalawa pang lalaki at yung dalawa naman ay naka sumbrero kaya di kita ang mukha bale 5 silang lahat. Wait, parang namumukaan ko yung isa dun? Ay siguro nakita ko lang sa youtube.

 Feeling ko napahiya yung lalaki kaya ayun umalis  na lang samantalang yung apat tumayo lang dun. 

 "Tara na guys" wika ko kaya napukaw ko ang kanilang atensyon. Tinanguan naman nila ang suggestion ko at dumiretso sa may board. Nakatingin lang ang mga tao samin ng biglang lumapit yung apat na lalaki sa may board kaya nag silayuan nanaman yung ibang estudyante.

 'Ano bang meron sa school na ito? kasi napipikon na ako at gusto ko ng sagutin ang mga lalaking toh! Pero nag promise kami sa mga parents namin na good girl muna kami eh' sabi ko sa utak ko. 

 "Hindi kayo aalis diyan?" tanong nung lalaki na napahiya.

 "Hindi, kasi di pa natin alam section natin?" mapang-inis na sabi ng kanyang kasama.

 "Hoy Kaizer! Ang aga aga binabara mo ko!" So Kaizer pala ang pangalan ng isa sa kanila, hmm? Ano kaya yung iba? Di na lang pinansin ni Lizzy ang mga lalaking yon at nag salita na.

 "Ah guys. Magkakaklase tayo 4-A PILOT ang nakalagay" tuwang tuwa na sabi nito saamin.

 "And that Kaizer guy before ay classmate din natin" bulong ni Sophia sakin.

 "It's okay. punta na tayo sa office" singit naman ni Yurie. Habang nag lalakad kami at naka talikod na dun sa mga lalaki ay biglang may sumigaw na.

 "Sorry Girls! It's not our fault!" nanahimik na ang kami dahil dun sa hindi namin maintindihang sinabi ng lalaki. Sorry girls daw. Ang weird.


 "Ito na yung ID's niyo at uniforms" sabi nung dean pag karating namin dun. 

 "So, nag bago na ang start ng class 8:00 am na. May 30 minutes pa kayo. May mga itatanong lang ako. Pwede ba?" tumango kami sa naging tanong ni Dean.

 "Bakit naisipan niyo na lumipat o pumasok dito?" tanong nito.

 "Feeling ko po kasi maganda ang mga turo dito" sagot ni Lizzy.

 "Ang tingin ko po kasi friendly ang mga students dito eh" sa pag kasabi non ni Pia biglang napangisi si Dean. Weird.

 "Ah.... Nakigaya lang po ako sa kanila" halos pabulong lang na sabi ni Yurie pero bahagyang natawa si Dean.

 "Ikaw? Miss Santos" sabi ni Dean. Paano ko masasabi nakakahiya! Okay lang kaya ko ito. Pero paano ko sasabihin na nagandahan lang ako sa pangalan ng school.

 "Ah kasi po -" naputol ang sasabihin ko ng may nag bukas ng pintuan.

 "Dean si Mr. Valdez at Mr. Williams po nag aaway sa may cafeteria" sabi ng isang lalaki na mukhang secretary niya. 

 "Uhm. Ladies, you may go to your classes now. Enjoy our school. Next time, I'll ask your answer Miss Santos" nag bow pa ito samin bago umalis. Ang galang niya. Plus, ang cute niya pa kasi may dimples siya at kitang kita ito lalo na pag nangiti siya, lalaki kaya medyo cute mukhang wala pang 40's eh. HaHa

 "Valdez? Williams? Tsk Tsk. First day na first day gulo ang ginawa" banggit ni Yurie.

 "Tara na guys. Konting minutes na lang baka malate tayo. Sa isang building pa ang first subject natin eh" sabi ko sa kanila kaya biglang tumakbo na si Alex at Lizzy.

 "Wait for us!" sigaw ko.

 "Bakit ang ingay ingay mo?" may pagkairitang sabi ng isang lalaki kaya napatigil ako sa pag takbo. Pag tingin ko sa kanya siya yung isa sa mga naka sumbrero kanina. Pero pag angat niya ng ulo niya.

 "Ikaw na naman!?" sigaw ko sa kanya. Siya na naman kasi eh pangatlong beses na. Again and again and again.

 "So?! Hindi sayo itong school. Okay!?" sigaw niya pabalik sa akin.

 "Wala naman akong sinabi na akin itong school ah. Ang sabi ko lang naman 'ikaw na naman'. May problema ba dun?" sabi ko sa kanya kaya napaiwas siya ng tingin. Bigla siyang namula parang nagalit. haha. Pahiya kasi eh daming alam. Umalis na lang siya at nag lakad palayo. Kaya nag punta na lang ako sa room. Pag dating ko dun nakita ko na naman siya..... Kaklase ko pala toh. Waahh! Kanina lang nagkasagutan kami tapos ngayon kaklase o pala. Lupet.


The Unexpected RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon