Chapter 1

8.9K 33 0
                                    

Isinara na niya ang gate ng malaking bahay. Napatingin siya sa kalangitan. It was a sunny day in that winter day. Malamang maputik maya-maya dahil magsisitunawan ang snow. Palinga-linga siya sa kalsada nang may mangilan-ngilang mga tao na paroo't parito para magpunta sa trabaho, sa eskwela o kaya naman sa kung saan kailangan ng mga itong magpunta.

Nandilat na lang ang kanyang mga mata nang makita ang lalakeng nagpapala ng snow para hindi ma-stranded ito kapag dadaan ito sa makapal na snow sa dadaanan nito mula sa garahe. Malamang ay kanina pa nilisan ng mga tagalinis ng snow sa daan kung kaya't may kailangan pang hukayin ang lalake. Kahit nakatalikod ito sa kanya ay nakilala niya ito.At lumakas naman kaagad ang tahip ng kanyang dibdib.

Bumalik sa kanyang balintataw ang guwapong mukha ng lalake. He was tanned as ever. Maganda ang matipuno pa ring katawan nito. His slightly beaky nose was looking arrogant as ever. The set of his jaw and lips were strong and manly. And his hair seemed thicker and curlier than usual. Hindi ba ito nagpagupit?

Kailan pa siya dumating rito? Natunton kaya niya ako? Tanong pa niya sa sarili saka nauntag na lang siya sa kanyang pag-iisip nang hilahin ng kanyang kasamang batang si Nicu.

"Alodia, let's go," sabi pa ng batang Romanian.

Agad siyang tumalikod bago pa siya makita ng lalake. Kinakabahan talaga siya.

"Let's go," ang aniya sa bata. Maglalakad pa sila papunta sa bus station dahil magko-commute lang sila. Nasiraan kasi ang isang kotse ng amo niya kung kaya't hindi niya ito magagamit. Samantalang ang isa'y ginagamit naman ng kanyang amo/kaibigan dahil sa medyo matagal-tagal na rin silang magkasama. Tatlong taon na rin iyon at malapit sila sa isa't isa na parang magkapamilya na.

Bukod sa pagiging governess niya kay Nicu ay para na rin siyang yaya nito dahil siya ang nag-aalaga rito kapag wala ang ina nito. Sabagay, stay-in governess siya kung kaya't hindi maiiwasan iyon pero napamahal na sa kanya ang bata kung kaya't hindi na niya iniisip pang extra work na iyong ginagawa niya para sa bata.

Hatid-sundo niya ang walong taong bata. At kapag wala siyang ginagawa ay nasa bahay lang din naman siya at naglilinis o kung anu-ano pa ang pinagkakaabalahan niya. Paminsan-minsan ay cross-stitching o kaya naman ay ang pagluluto.

"I saw you staring at that man. Our new neighbor," ang sabi pa ng bata na nag-i-Ingles pa rin kaya parati silang nakakakuha ng atensyon sa ibang mga taong nasa bus. Maliban na lang sa kanyang pagiging isang Asiana. Siya lang kaya ang Pinay sa Iași City? Buti kung Bucharest dahil medyo marami-rami sila doong Pinay. At bukod pa doon ay mayroon ding iilang Pinay sa iba't ibang bahagi ng Romania.

Hindi rin naman kasi mayamang bansa ito. Sa katunayan nga'y nag-iimport ng work force sa Europa, Amerika at Asia ang mga Romanian katulad ng mga Pinoy. At marami rin silang mahihirap na mga tao. Isa na sa mga ito ay ang gypsies. Pagala-gala ang karamihan sa mga ito. Nagpapalimos. At kalimitan ay mga oportunista ang mga ito maitawid lang ang pang-araw-araw na buhay. Iilan lang sa mga ito ang nagiging matagumpay sa buhay.

And there was this one particular gypsy man she gave her heart to. Si Harman Mihalache. Ang lalakeng siyang mismong nakita niya kani-kanina lang.

"Are you listening to me, Alodia?" ang tanong pa ng bata na hinila ang kanyang scarf.

"Huh? I'm sorry. Did you say anything, Nicu?" tanong pa niya sa bata. Kanina pa kasi titig na titig sa may bintana ng bus. Hindi man lang nakikita ang kanilang dinaanan dahil sa malalim na pag-iisip.

Ang akala pa niya'y nakalimutan na niya ang lalake sa loob ng tatlong taon. Ngunit hindi pa pala. At dapat na alalahanin niyang may mga gabi ring hindi siya makatulog dahil sa kaiisip sa lalake. Ngunit para sa kanya'y dapat na niya itong kalimutan. If they really loved each other truly, then she had to endure this another heartache in her life...

Chica BombTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon