Chapter 7

1.6K 7 0
                                    

Doon siya natulog sa magandang condominium ng lalake dahil magdamag silang magkaniig. Masaya ang lalake nang kinompirma niyang nobya na siya nito. Ewan ba niya, mas gusto niya ang kanyang nararamdaman kaysa sa reaksyon nito. Oo, unang nobyo niya ang lalake. Kung hindi niya bibilangin ang mga naunang sinagot niya para paglaruan lang niya.

Pero ano bang pagkakaiba kay Harman? Di ba't paglalaruan mo rin din siya? Ang tanong ng isipan niya kinabukasan nang makauwi na siya. Malapit na ang tanghalian noon dahil ipinagluto pa siya ng lalake ng breakfast nila para sabay sila.

Oo nga, ano? Pero... gusto ko siya. Iyon siguro ang pagkakaiba sa mga dumaang mga lalakeng pinaluha ko. Ang sagot naman ng kabilang panig ng isipan niya.

Basta ako, I'm telling you. Iba ang pakiramdam ko para kay Harman. Aaminin ko na lang sa 'yo later, ang sabad naman ng puso niya.

"So, how was your date last night?" makahulugang tanong pa ng nakangiting si Iustina nang kumain sila nang sabay ng tanghalian bandang alas tres ng hapon.Nagluto siya ng sour soup at saka pork steak. Kasama nila si Giani na busy sa kapapanood ng TV habang kumakain nang mag-isa.

Umalis ang amo niyang lalake na si Petru dahil may out of town business meeting ito kahit weekend. Normal lang iyon sa katulad nitong isangsikat na arkitekto.

Ngumiti siya sa amo. "It was... great! Thank you for asking." ang tugon niya rito at saka sumubo ng steak.

"Hmm... I bet it is more than great," kumindat pa ito sa kanya. "For a gorgeous man like him, I should say you really had a gorgeous night, too. Right?"

Napatawa naman siya rito nang kinilig siya sinabi ng amo. And Iustina gave her a knowing smile.

Tumawag sa kanya ang nobyo pagkalipas ng ilang oras para sunduin siya mamayang gabi. Idi-date daw siya nito sa isang café na alam nitong magugustuhan niya. So she chose her dress carefully for their date. Napili niya ang isang simpleng summer dress na may semi-balloon. Pinaresan naman niya iyon ng isang open high heeled sandals na kulay puti. Nag-make up lang siya nang manipis at saka lumabas na ng kanyang kwarto para salubungin ang lalake sa porch.

Nakapagpaalam na siya kay Iustina at nangako siyang hindi uumagahin ng uwi dahil sa may trabaho ang amo kinabukasan at balik trabaho rin siya sa pagbabantay kay Giani. At alam din naman iyon ng nobyo kung kaya't sinabi lang nitong pupunta sila ng café at uuwi kaagad.

"You just look so gorgeous than ever!" ang bulong pa nito sa kanya nang nakangiti. Hinalikan siya ng nobyo sa labi nang makalulan na sila ng kotse bago ito nagmaneho. Nginitian niya lang ito bilang sagot. At ninamnam niya ang sarap ng pakiramdam ngayong kasama na niya ulit ang lalake pagkatapos ng nangyari sa kanila kagabi.

Dinala siya ng lalake sa Grădina Verona. Isa iyong garden oasis na nasa likod ng isang kilalang bookshop. Nag-order si Harman para sa kanya ng inuming iced-tea infusions na magkahalong peony flower, lime at mangga.

"You should try that," ang anitong nakangiti habang hinihintay nila ang kanilang pagkain.

Hindi pa nga siya nakasubok niyon. Nang tikman niya'y nandilat ang kanyang mga mata at napatawa ang lalake. The taste was weird but good. Napangiti naman siyang uminom ulit.

"Mukhang kanina pa 'yung order natin, ah," ang sabi pa niya sa lalake nang maubos na niya ang inumin.

"Matagal talaga ang serbisyo nila rito. Pero OK lang. Mas makakasama pa kita nang mas matagal," ngumising anito sa kanya.

"Ang loko mo talaga! Alam mo naman palang ang bagal ng serbisyo nila rito. Dinala mo pa ako rito." Natatawang reklamo pa niya rito.

"Kaya nga, eh. Sinabi ko na ang dahilan ko." Ngumisi pa ito sa kanya at kumindat pagkatapos.

Chica BombTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon