Chapter 9

1.3K 8 0
                                    

Napatitig sa kanya si Nicoleta na tila wala sa sariling nilaro-laro ang kanyang kwentas na siyang birthday gift noon sa kanya ni Harman. Hanggang ngayon ay nakasabit pa rin iyon sa kanyang leeg at kailanman ay hindi niya iyon inihiwalay. Iyon ang tanging alaala niya sa lalake mula nang iwanan niya ito.

Hindi na siya naratnan ng lalake noong nasa Vaslui sila. Iniwan na niya ito. Nauna siyang umuwi sa Bucharest, sa bahay nina Iustina. At dahil sa last week na niya iyon sa poder ng mga ito ay sinabi na niya sa mag-asawa na hindi na siya mag-extend pa sa kanyang kontrata. Buo na ang pasya niya at uuwi muna siya sa Pilipinas bago siya babalik para sa bagong kontrata na handa na niyang tanggapin. Iyon ay malayo sa Bucharest. Sa Iași ang panibagong trabahong haharapin niya.

"Is something wrong, Alodia? Akala pa naman namin ay i-extend ka katulad ng sinabi mo noong isang linggo," ang alalang sabi pa ni Iustina sa kanya.

"Pasensiya na kayo ni Petru, Iustina. Hindi ko lang talaga kayang manirahan pa rito. Ayoko nang makita pa si Harman. At kung... kung... pupunta siya rito, sana ay sasabihin mong hindi na ako babalik pa."

She could still remember Iustina's disappointed expression. Pero wala naman itong magagawa at nangako ito sa kanyang iyon ang sasabihin nito kay Harman.

"Ah, Alodia. Kanina ka pa tulala diyan. Di mo pa ginalaw 'yang cake mo, o," ang untag pa sa kanya ni Nicoleta.

Saka bigla siyang napakapit sa isang kamay ng amo/kaibigan. "Tulungan mo ako, please, Nicoleta." Ang aniyang bigla rito. At nagtataka naman ito sa inasal niya.

"Ano bang nangyari sa 'yo?" tanong pa nito. Saka napabaling ito kay Nicu. "Nicu, punta ka muna sa living room at mag-uusap kami ni Alodia, OK?" pakiusap nito sa anak.

"OK, Mama," ang tumalimang anang bata at saka dinala nito ang pagkain sa sala at doon na lang kumain ng hapunan nito habang manonood ng TV.

"B-bumalik... na-nakita ko siya, Nicoleta kaninang umaga." Aniya rito nang pautal-utal. At hindi alam kung saan magsisimula.

"Sino bang tinutukoy mo? Teka, si Harman ba?"

Napalunok siyang tumango. "Oo. At... At... alam niya kung saan ako nakatira. At... alam ko rin kung saan siya ngayon nakatira..."

Biglang napatawa si Nicoleta. "Ano ka ba? Baka hindi naman si Harman 'yon," she knew that her friend tried to console her like she was afraid that she'd lost her mind totally.

"S-siya talaga, Nicoleta. At alam kong babalikan niya ako rito. Nandiyan lang siya sa tapat nakatira. Kalilipat lang niya. Kahit tanungin mo pa si Nicu, nakita niya si Harman."

Napakurap-kurap si Nicoleta. Her green eyes were fixed on her. Her blond head shook to negate it. "Pero... paano niya nalamang...? Alodia, this is not making any sense! It happened years ago!"

"Alam ko, Nicoleta! Pero, hindi ako nanaginip o namalik-mata man lang. Alam na niya kung nasaan ako! Dapat itago mo ako! Dapat na ilayo mo ako rito!" pakiusap pa niya rito.

Hinawakan ng kaibigan niya ang kanyang kamay nang mahigpit. Naaawa itong nakatingin sa kanya. "We'll... we'll think of a way. Pero baka naman ay wala siyang masamang intensyon sa 'yo. Baka naman ay..."

"Pero ayoko na siyang makita pa!"

Napatitig sa kanya ang kaibigan. "Is that really what you want?"

Hindi siya nakatinag. Iyon nga ba talaga ang gusto niyang mangyari? Gusto niyang sumagot ng 'oo' dahil iniwan na nga niya ito noon. Tatlong taon na ang nakalipas mahigit. Pero sa puso niya ay malaki naman ang butas roon dahil sa pagkawala ng parteng iyon na pinag-uukulan na niya ng puwang para sa lalake. Baka nga'y masasabi niyang nawala na ang puso niya mula nang iniwan niya ang lalake. Naiwan niya ang puso niya sa mga kamay ng lalake. Which was more like it. Dahil ni minsan ay hindi na siya nakipag-involve pa sa mga lalake mula nang iwan niya si Harman.

Chica BombTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon