Chapter 3

2.8K 19 1
                                    

Hindi niya napunang kanina pa pala siya nakatayo para tumitig rito. At bahagya siyang pinamulahan ng mukha nang ngumiti ang lalake. Wow, she'd never seen such a man with cherry lips! And they looked so kissable!

Teka, bakit ba ako nag-iisip nang ganito sa isang katulad nitong estranghero?Napalunok siya at saka umigham. "I'm sorry. I don't think I should go for a coffee or something with... a stranger."

"If you I know your name and I'll let you know my name, then we're not strangers anymore, are we?" nakangiting tugon naman nitong kumibit ng malapad nitong balikat.

"No. But I don't think I owe you..."

"Then you owe me for picking up your passport," ngumising lusot pa nito sa pagsalungat niya sa imbitasyon nito. Mukhang ayaw nitong tumanggap ng hindi.

Umiiling naman siya. "My employer should be waiting for me by now." At saka tinalikuran na niya ang lalake.

"Your employer?" sumunod pa rin ito sa kanya.

"You should have already known my nationality from my passport. Right?" taray pa niya sa lalake.

"Well, yes. But not all Filipinos are very poor." He said logically. "How would I guess? You could be a tourist here."

Napangiti naman siya. This man has brains! Napahanga siya rito bukod pa sa pagiging gwapo nito.

"By not a tourist you mean something else, don't you?"

Napangiti ang lalakeng may mapupulang mga labi. "I'm just... captivated by you since the moment I saw you."

Hindi na 'yon bago sa kanyang pandinig. Marami ng mga lalakeng nagsasabi sa kanya nang gano'n lalo na't sa ganitong bansa ay kalimitan gusto ng mga tao ang may tan na kulay. Lalo na't Filipina beauty. Marami siyang manliligaw na Romanian pero hindi niya sinagot ang mga iyon dahil wala pa ngang nakapagpatibok sa puso niya. Pero mula nang mamatay ang kambal niya ay nawalan na siya ng gana sa pag-ibig. Pare-pareho na ang tingin niya sa mga lalake. Puro sila ay gusto lang ang mga babae dahil sa iisang bagay. Sex object. Katulad ng pagtingin ni Emerson kay Alyana. She winced when she remembered her twin sister. Ilang taon pa kaya siya magpapamisa para lang mailigtas ang kaluluwa nito mula sa impyerno? Kung meron nga noon. Napasinghap siya dahil doon.

"I saw you since we were in the Turkey airport," dagdag pa ng lalake.

Napamaang siya at saka napakagat-labi para hindi obvious ang kanyang ngisi. Flattered kasi siya.

Bakit hindi ko siya napansin mula pa doon? Pero hindi naman ako naghahanap ng lalake kaya hindi ko siya napansin. On second thought, hindi naman masama kung makikipaglaro ako sa kanya nang kahit sandaling panahon lang. Mabuti na 'yong makipaglaro ako paminsan-minsan sa taong type ko rin naman.

Kinuha niya ang ballpen mula sa kanyang nakaawang na shoulder bag at saka hinawakan ang kamay ng lalake. "This is my address and phone number if you're interested to contact me." Madali siyang nagsulat sa kamay nito habang nakatingin ito sa ginagawa niyang napatawa nang bahagya. "But now, I really have to go."

"I'm Harman Mihalache!" pahabol pa ng lalake sa kanya nang iniwan na niya ang lalake para kunin ang kanyang bagahe at nang makaalis na siya ng airport dahil alam niyang naghihintay na sa kanya ang amo sa labas ng airport. Kumaway lang siya sa lalake na itinago ang ngiti sa kanyang mga labi. Inilabas niya lang ang ngiting iyon nang nakatalikod na siya.

Kinabukasan ay agad siyang tinawagan ng lalake. Nagsabi itong hindi pa rin siya nito nakalimutan mula noong binigyan niya ito ng number at address ng tinitirhan niya sa Bucharest.

Chica BombTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon