Chapter 8

1.3K 10 0
                                    

Madalas na silang nag-aaway at nagbatian naman ni Harman pagkatapos ng insidenteng iyon. She knew she must have been unreasonable for him but she couldn't help it. Laging sumasagad sa kanyang buto ang mga sinasabi ni Laili sa kanya.

Minsan ay bago siya nakapasok sa condo ng lalake ay naratnan niya ang babae doon. Ngumiti pa ito sa kanya bago ito nagpaalam kay Harman at iwanan silang dalawa doon. Nilambing naman siya ng lalake at sinabing may ibinigay lang sa kanyang dokumento ang babae. But she thought it was so nonsense kung kaya't nagalit na naman siya.

"Why does she have to bring that document over to your condo? You have an office. Besides, I didn't know that she works for your company, Harman!"

"Alodia, she's not exactly working for me. Her father is also one of the investors of the company. May share sila. May pinirmahan lang ang ama niya at pinabigay sa 'kin. In fact, nagbigay ng karagdagang investment ang ama niya para makapagpatayo kami ng branch sa Sibiu at Constanța!"

"Wala bang sekretarya ang ama niya?"

Bumuntong-hininga ang lalake. "Of course he has a personal assistant even. Pero nag-presinta nga si Laili na ibigay sa 'kin 'yon dahil sa magkaibigan kami."

"You should have already known that I hate that bitch!"

Inis talaga siya. Kumukulo talaga ang dugo niya dahil sa babaeng iyon. Mukhang pinamumukha nito sa kanyang kahit anumang oras ay maaagaw talaga nito sa kanya si Harman. At ipinakita pa nitong isa lang siyang pampalipas-oras ng lalake. At kailangang burahin niya sa isipan ng lalake ang babaeng iyon!

No! Hindi ako makakapayag na pumapangalawa lang ako! Akin lang si Harman hangga't gusto ko pa siyang paglaruan! Sigaw pa ng kanyang isipan. Parang gusto na siyang magwala.

Bigla niyang niyakap si Harman at itinulak ito sa kwarto at sa kama nito. Nagulantang man ito sa ginawa niya ay nagpaubaya ito sa kanya. She made love to him. She was in control to his amazement.

Pagka-summer na siya dinala ng lalake sa pamilya nito sa Vaslui. Ngunit hindi lahat ng mga ito ay masaya siyang nakilala bilang nobya ng lalake. Iilan lang sa mga ito ang talagang natutuwa para sa kanilang dalawa. She could see their enmity and coldness.

"Huwag mo na silang pansinin," ang sabi pa sa kanya ng isang butihing tiyahin ng binata. Nasa kusina silang dalawa sa mga oras na iyon habang nakipagkwentuhan si Harman sa mga pinsan nito.

"Medyo... hindi po madaling gawin 'yon," ang turan naman niya na may mababang boses.

Saka nakita niya ang isang pinsan ng binata na babae na may tinatawagan sa telepono doon sa kusina mismo. Siguro ay sinadya nito iyon para marinig niya. Dahil patingin-tingin pa ito sa kanya at sa ina nitong nagbabalat ng patatas at tinutulungan naman niya ito.

"Punta ka na agad rito, Laili. May party sa bahay. Makakaabot ka pa sa dinner." Ang sabi pa ni Flavie.

Napakagat-labi pa siya dahil doon. Saka napatingin sa kanya nang may pag-uunawa ang tiyahin ni Harman na si Fairuza. Saka bumaling ito sa anak na wala pang dese otso ngunit may asawa na ito, na ipinagkasundo rin ng pamilya ni Harman sa pamilya ng asawa ni Flavie.

"Ingratang putang babae ka! Bakit mo tinawagan ang anak ni Yanko? Wala naman tayong party sa bahay, ah!" pinagalitan pa nito ang anak pagkatapos ng tawag nito.

"May bisita nga tayo, di ba?" ang tugon pa ng batang babae. "Anak ng hari ang pupunta rito kaya magkakaroon na tayo ng party!" ang dagdag pa nito at saka umalis na ito pagkatapos nitong mailagay sa lalagyan ang cordless phone.

Sino ang anak ng hari? At may hari pa ba rito nang hindi ko alam? Democratic country ang Romania! Ang anang isipan niya. Saka siguro ay repleksyon iyon sa kanyang isipan sa mukha niya kung kaya't naiiling na napabuntong-hininga si Fairuza sa kanya.

Chica BombTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon