Chapter 2

3.8K 19 0
                                    

Five years ago...

Pagkatapos lang ng pagkatapos ng kanyang kontrata sa Bucharest bilang isang nanny/maid ay umuwi siya sa kanila nang nayanig sa isang masamang balita ang pag-uwing iyon.

"Ano? Kung hindi pa ako uuwi ay hindi pa ninyo sinasabi sa 'kin na patay na ang kakambal ko?" naiiyak na aniya sa kanyang pinsan at tiyahin.

Nakasuot ng maitim ang mga ito nang salubungin siya sa airport. Halos magwawala siya sa sakit, galit at lungkot dahil sa kanyang nabalitaan. Hanggang sa isinakay na siya ng mga ito sa isang taxi para magdala sa kanila sa punerarya.

"Sasalubungin niya sana ako. Masaya pa kaming nag-usap noong isang araw!" ang aniya sa mag-ina na tanging kamag-anak na natitira nilang magkakambal dahil sa patay na ang tanging ina nilang kanilang namulatang nag-iisang magulang. Isang disgrasyada ang ina nila at kailanman ay hindi nila nakilala ang kanilang ama at kung ano ito.

Culinary arts ang kanyang natapos sa TESDA pero bumagsak siyang bilang nanny/maid sa Romania dahil nagkataon na iyon ang nangangailangan noon at gusto niyang makaalis kaagad upang may maipagpaaral siya sa kayang kakambal na noon ay nasa pangalawang taon na sa kolehiyo ng Business Ad. Kaga-graduate lang nito at heto, ito pa ang nabalitaan niya sa kanyang pag-uwi. Patuloy pa rin siya sa kanyang paghahagulhol.

"Ang Emerson na iyon ang dahilan kung bakit nagbigti si Alyana," tiim-bagang na anang pinsan niyang si Karen. Kasing-edad nila ito pero hindi siya malapit rito kundi ang kanyang kakambal.

Napalingon rito ang inang nakaupo sa tabi ng driver. At napatingin rin siya sa pinsan na nasa kanyang tabi sa backseat. Naniningkit ang kanyang mga mata sa kanyang narinig. Kilala niya ang lalake, oo. Ito ang unang boyfriend ng kanyang kakambal. At alam niyang nagmamahalan ang dalawa. Ayon pa sa kanyang kakambal iyon. And she always took her sister's word.

"Bakit? Bakit si Emerson?"

"Karen..." mukhang ayaw ng tiyahin niyang may sasabihin ang kanyang pinsan. Kaya napatingin siya sa tiyahin.

"Auntie, bakit si Emerson ang sinasabi ni Karen na siyang may dahilan kung ba't nagbigti ang kakambal ko?"

Napabuntong-hininga ito. Hindi ito agad na sumagot.

"Sabihin mo sa kanya kung ano ang narinig mo, 'nay," ang sabi pa ni Karen sa ina habang pabaling-baling siya ng tingin sa dalawa habang tumutulo ang mga luha.

"Narinig ko silang nag-usap sa cellphone. Nag-away sila ukol sa isang babaeng nakita raw ni Alyana na kahalikan at kayakap ni Emerson malapit sa CR ng mga babae sa kanilang unibersidad. Hindi ko naman narinig kung ano ang paliwanag ng lalake. Narinig ko na lang na sinabi ni Alyana na kung hindi raw titigil sa pambabae ang nobyo ay magpapakamatay siya. Noong isang buwan nangyari iyon, Alodia. At..." nagbago ang boses ng tiyahin niya at halatang umiiyak rin ito. Huminto muna ito sa pagsasalita at suminghot bago nagpatuloy. "At masaya na siya ulit pagkatapos ng away nilang iyon. Nagkabalikan sila. Kaya masaya pa siya noong huli kayong nag-usap noong isang araw. Bago ka lumipad pauwi. Pero kahapon..." umiiling ito sa kanya.

"Bigla na lang namin siyang natagpuan sa kanyang kwarto na nakabigti na. Kahapon ng umaga. Matigas na ang katawan niya. Sabi ng mga pulis ay patay na siya ng nakaraang gabi pa." patuloy pa ni Karen na umiiyak at naiiling.

She didn't want to imagine how her twin sister looked like when her cousin and aunt found her. Lalo naman siyang napaluha dahil noon.

"Akala namin ay kaya siya pumasok sa kwarto niya nang maaga ay dahil pagod lang siya sa kaka-submit ng kanyang applications ng trabaho sa araw na iyon. Ni hindi nga siya kumain ng hapunan," patuloy pa ni Karen. "Nang katukin ko siya ay hindi siya sumagot. Akala ko... akala ko nakatulog na siya..."

Chica BombTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon