Chapter 6

1.7K 14 1
                                    

Napasingkit ang kanyang mga mata. Hindi niya naintindihan ang salitang iyon. Hindi iyon Romanian o kung anumang salitang nalaman niya sa anumang lenggwahe. "Gadzo?" She echoed. Ang alam lang niya'y hindi maganda ang salitang iyon para sa kanya. She was 100% sure of that.

Ngumisi sa kanya ang babae. "Hindi mo talaga maintindihan ang sinasabi ko dahil hindi ka naman isang katulad namin ni Harman," anito sa salitang Romanian. "At ang isang katulad mo ay walang puwang para sa mga katulad namin."

Napatawa naman siya rito. "Anuman ang ibig sabihin ng sinasabi mong gadzo, wala akong pakialam basta't akin si Harman. Naiintindihan mo ba?" kalmanteng sagot niya rito.

Ngumisi naman ang babae pero hindi iyon umabot sa malamig na mga mata nitong nakatitig sa kanya. "You're just Harman's pastime. Your... relationship is not going to last for long. Tandaan mo 'yan, gadzo." Saka tumayo na ito't umalis.

Sinundan niya ng tingin ang babae at saka nakita niyang pinuntahan nito si Harman saka umalis na ito kasama ang lalake nang naka-abre-siyete pa. nilingon pa siya nito at saka ngumisi sa kanya. Nagningitngit siya dahil doon. Napakuyom ang kanyang mga palad. Inis na inis talaga siya sa babaeng mapangmatang iyon! At saka ilang sandali lang ay nakita na niya itong papunta sa kanya. Pinilit niyang ilabas ang kanyang ngiti rito.

"Nagpaalam lang sa 'kin si Laili na umuwi na. Pinapahatid ko na siya kay Pali sa kanila." Ang paliwanag pa ng lalake.

Tumango naman siya. Saka nakita niyang umupo ito at tila hindi ito mapalagay. "You need a drink?" ang offer pa niya rito at tinanggap naman nito iyon mula sa kanyang kamay. Their fingers brushed and she could feel the tingling of that wonderful electricity that moved toward her arm and spine and stopped right in her heart.

Tinungga nito ang laman niyon at saka inilapag sa mesang tumitig ito sa kanya. "Did she... say something to you?" tanong pa nitong tinitigan siya sa mga mata.

Kumibit naman siya. "Like what? What could it be? You seem... worried, Harman. Ano bang nangyayari sa 'yo?" wala sa sariling hinaplos niya ang kamay nitong nakapatong sa mesa. At doon naman napako ang paningin nito bago ito nagsalita.

"Can we... can we get out of here? I wish to talk to you in private," ang anitong tumayo na.

Tumango siya rito. Sumunod na rin lang siya. Saka hinawakan nito ang kanyang kamay. Kahit nagtataka man ay nagpatianod siya sa lalake.

"H-how about your VIPs?" tanong pa niya rito nang nakalabas na sila ng hotel at nakuha na nito ang susi sa limo nito na dala pala nito. Ang isang kotse siguro ang ginamit ni Pali sa paghatid kay Laili kung saan man ito nakatira. At lumulan na sila sa limo na nakaparada sa gilid ng hotel. Tanging iyon lang ang nandoon dahil ang lahat naman ng mga sasakyan ay nasa crowded parking space.

"I have already said my excuse to them. They're just going to enjoy the party." Ang tugon nito nang makalulan na sila sa limo nito. Ngayon ay magkaharap na silang dalawa. Pero parang hindi ito mapakali.

Katahimikan. "So, ano 'yung gusto mong sabihin sa 'kin?" ang tanong pa niya sa lalake.

"I should tell you the truth. About her and me."

Parang bomba iyon sa pandinig niya. May katotohanan kaya sa likod ng mga ipinahiwatig sa kanya ng babae? Na pampalipas-oras lang siya ni Harman? Bakit parang masakit ang pakiramdam niya? Bakit ganito?

Her throat went dry and she gave her most stoic expression in front of him. Sa halip ba na mapaglaruan niya si Harman ay siya tuloy itong nabilog ang ulo at pinaglaruan lang nito? She had to turn the tables around while it wasn't too late!

Chica BombTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon