NearGroup 1

176 2 0
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
'Some People are like clouds,

Once they disappeared,it's a Beautiful Day'

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kynn Pov:

"Hi kynn,anong nilalaro mo?" Biglang lapit saakin ng classmate ko at bahagya pa siyang tumingin sa cellphone ko( take note: siga po siya dito sa school,akala naman niya siya ang nagpatayo nito para maghari-harian siya dito). Ito nanaman ang nakakainis na feeling pag may lumalapit saaking lalaki

"Tsk,wag ka ngang lapit ng lapit saakin? Gusto mo kutungan kita ha? Kingina mo" inis na sabi ko sa classmate ko. Nakakainis naman kasi kitang naglalaro ako ng minecraft,nangdidisturbo

"Ano nga kasi ang nilalaro mo?" Tiningnan ko muna siya saglit at nakita ko pa siyang ngumisi-ngisi habang nakatingin sa mga classmate naming tutok ang tingin saamin,psh pasikat ang tangina. To be honest ayaw ko ng atensyon. Ayokong nasa akin ang spot light baka kasi may insecure diyan sa tabi-tabi at sasabihan ako ng 'attention seeker'. Nung inalis niya ang tingin niya sa mga classmate namin tsaka siya nakatanggap ng isang malakas na suntok galing saakin. Tsaka ko ipinagpatuloy ang paglalaro ko ng minecraft habang ngumunguya-nguya pa ng buble gum

"Boooo, bwahaha wala ka pala carlo eh,taob ka sa babae" nagsitawanan ang mga classmate namin pero hindi ko nalang sila pinansin. Nakita ko sa peripheral view ko na lumabas ang gago kaya nagpatuloy parin ako sa paglalaro

"Peste,dumugo ang ngipin ko" tumatawa pa niyang sabi nung nakabalik na siya dito sa loob. Psh may saltik na talaga siya. Nasasaktan na nga't lahat-lahat nagawa pang tumawa. Gaya ng nararamdaman ko sakanya. Kahit sobrang sakit na,nagawa ko paring tumawa

Psh. Pasikat lang kasi yun. Gusto niyang nasa kanya ang spot light,gusto niya na hinahangaan kuno siya. Tsk siya ang tunay na attention seeker hindi ako -_-

Lumapit ang mga taong papansin saakin kasi sa lahat ng estudyante dito sa room namin,ako lang yung hindi interesado sa mga lalaki,ako lang yung tipong babae na ayaw na ayaw sa mga lalaki. Gusto nila na sila lang ang may kakayahang magpapalambot sa bato kung puso,gusto nila na sila lang ang gigiba sa malaking haligi na nakabalot sa pagkatao ko. Pero alam ko namang wala maski isang tao ang makakagiba nun, kasi sinigurado ko na kahit mga kaibigan at pamilya ko hinding-hindi makakagiba sa haliging ginawa ko.

Isa akong simpleng babae dati. Yung tipong babae na palakaibigan,isip-bata,mabait sa kapwa at higit sa lahat palakaibigan sa mga lalaki. Pero nung nakilala ko siya,lahat ay nagbago

Iniisip ko na 'pare-pareho lang ang mga lalaki, pare-pareho silang hilig magpaiyak ng mga babae'. Girls are fragile,easy to get hurt. Alalahanin naman sana nila na may babae paring kagaya ko na mahina pagdating sa pag-ibig,na bobo pagdating sa minamahal at tanga kung siya na ang pinag-uusapan

"Okay ka lang girl? Ang cool mo" sabi ni jennica saakin, ngumisi lang ako habang patuloy parin sa paglalaro ng minecraft sa cellphone ko

"Hala ka,bakit mo sinuntok ang mukha niya? Kakarmahin ka talaga, mas matanda pa siya sayo tas sasaktan mo lang pala" pangongonsensiya sa akin ni jomarie.

'Buti pa yung classmate ko na sinuntok ko inaalala niyo? Ako kaya? Kailan niyo kaya alalahanin yung nararamdaman ko nung sinaktan din niya ako?'

Sabi ko sa isip-isip ko. Hayyss I hate drama,pero kung involve naman siya sa sa pinag-uusapan namin hindi ko magawang hindi magdrama. Ganito siguro diba?pag nagmahal ka? Hindi mo maiiwasang hindi magdrama?

Hindi ko nalang siya sinagot at nagpatuloy nalang ako sa paglalaro ng minecraft. At dahil nga makukulit ang mga kaibigan ko pilit parin nila akong pinapakonsensya. Tsk,patience kynn patience

"Hala ka"

"Bakit mo kasi siya sinuntok?"

"Baka aabangan ka sa labas ng gate"

"Baka sa morgue ka na pupulutin"

" hala kynndria,hala kynndria" paulit-ulit na sabi ni raineah sa akin,at sa sobrang inis ko dahil ang kukulit nila. Idinura ko kay raineah ang kinakain kong bubble gum. Kaya ayun sapol sa mukha niya. Bahagya pa siyang nakapikit dahil nga diba? Dinuruan ko siya ng bubble gum?. Knowing her na ang arte-arte pa naman niya

"What the fuck kynn?" Sabi niya at tiningnan ako ng masama. Inirapan ko nalang siya at patuloy parin sa paglalaro ng minecraft. Yung iba ko namang mga kaibigan tinatawanan lang si raineah na ngayon ay inis na inis na.

***
#decemeber 2,2017

It's Started With A NearGroupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon