~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
My past is my past,
I've made mistakes,but I have learned from them
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kynn Pov:
"Woii? Bessywap? Diba magkapit-bahay kayo ni kelvin? Ano ba yung tipong babaeng gusto niya? Hihi wag kang malisyosa,nagtatanong lang" bago pa nakasagot si Crisha inunahan ko na siya na nagtatanong lang ako
"Oo na,defensive mo naman. Hmmm si kelvin ba? High standards na babae ang gusto niya. Yung tipong babae na maganda katulad ng mga artista,yung maputi at makinis gaya ng mga koreana,kasing sexy ni Nadine Lustre,kasing Hot ni Maja Salvador at kasing yaman nina carmina villaroel" sabi niya saakin habang nakatingin ng nakakaloko,hayysss nakakainis bakit ba kasi wala ako nun? Bakit ba kasi hindi ako kasing ganda ng mga artista,kasing kinis at puti ng mga koreana,kasing sexy ni nadine,kasing hot ni maja,at kasing yaman nina carmina?. Hayysss
"Bakit? Crush mo no? Akala ko ba manhater ka? Akala ko ba bitter ka? Akala ko ba ayaw mo ng magmahal?" Sabi niya habang pinapakita sa akin ang nakakalokong ngisi niya.
"Maraming namamatay sa maling akala bessywap, sinong may alam? Ikaw na ang susunod?" Seryosong sabi ko sakanya kaya nakatanggap ako ng batok. Tsk sakit ah
"Ngina mo,dinamay mo pa ako" sabi niya at inirapan ako. Kinginang babaeng to
"Bakit ba ang hilig niyong saktan ako ha? Sinaktan na nga niya ako emotionally,sinaktan mo din ako physically. Tell me? Ano bang mali saakin ha? Para makaramdam ako ng ganitong klaseng sakit? Hindi niyo ba kinonsider ang nararamdaman ko na isang pagkakamali niyo lang malaki na ang epekto saakin nun? Bakit niyo pa ako kailangang saktan kung pwede namang kausapin niyo ako ng masinsinan?.minahal ko kayo ng buong-buo pero bakit sakit lang ang iginanti niyo? Dahil ba dun sa sinabi kong maling akala ha? Eh sa totoo naman eh, madaming namamatay sa maling akala. Gaya nung dati,akala ko mahal niya ako, akala ko panghabangbuhay ko ng mararamdaman ang sayang hinahangad ko. Pero di ko rin pala akalaing sakit lang pala ang dulot nito" mahabang sabi ko sakanya at nagulat na naman ako nung itulak niya ang mukha ko
"Seriously? Ang drama mo. Ganyan ka ba kynn? Hindi ba nauso sayo ang salitang move on at let go?" Sabi niya saakin habang seryoso ang mga tingin
"Sa tingin mo ba crish? Ganun kadaling magmove-on at maglet go? Sa tingin ko naman hindi. Hindi mo kasi nararamdaman ang nararamdaman ko kasi hindi mo naman naranasang magmahal. Mahal ko siya crish,bakit pa ba naimbento ang pagmamahal kung sakit lang pala ang dulot nito? Crish pag nagmahal ka,ang kakambal nun ay ang salitang sakit. Bakit pa ako nagmahal kong ilelet go at magmomove on lang naman ako sakanya. Mahal ko siya kaya ipaglalaban ko parin ang pagmamahal ko sakanya" sabi ko sakanya at agad naman siyang napapikit ng mariin atsaka siya dumilat
"Oo hindi ko pa naranasang magmahal ng ganyan. Oo wala akong kaalam-alam sa mga bagay na yan. Pero kasi kynn? Wag ka namang tanga oh? Alam mo namang wala ng pag-asa pero bakit pinagpilitan mo pa ang sarili mo sa kanya?. Hindi porket mahal na mahal mo siya wala ka ng kakayahang maglet go at magmove-on sa kanya. Kung may awa ka pa sa sarili mo edi gawin mo ang sinabi ko. Hindi yung paulit-ulit mong sinabi na ipaglaban mo ang nararamdaman mo sa kanya, ang tanong? Pinaglaban niya din ba yung nararamdaman niya sayo? Hindi diba? Kasi wala na siyang nararamdaman sayo?. Hindi porket wala akong experience sa ganyan. Hindi ko na alam ang nararamdaman mo. Kaibigan kita at alam ko ang bawat ikot ng bituka mo. Babae rin ako kynn. Kung mahal mo siya? Palayain mo na siya at ibigay mo sa kanya ang kalayaan na dapat ay matagal na sanang nasa kanya. Mahal mo siya diba? Edi sana hayaan mo siyang maging masaya, diba kapag mahal mo ang isang tao? Ang kaligayahan niya lang ang inintindi mo?. Palayain mo na siya kasi hindi niya deserve na masakal sa taong tulad mo. Oo,sabihin na nating sinaktan ka niya,ginago ka niya,pinaluha ka niya at niloko ka niya. Pero kasi kynn? May mga bagay na hindi talaga para saatin, hindi lahat ng gusto mo,nakukuha mo. Kung kayo,kayo talaga"sabi niya saakin at tinapik ang balikat ko
"Pano naman ako crish? Pano naman yung nararamdaman ko? Sino ba talaga ang kinakampihan mo? Yung lalaking mahal ko na sinaktan,ginago,pinaluha at niloko ang kaibigan mo? Or yung kaibigan mong nagbago dahil sa lalaking mahal niya to the point na hindi mo na siya kilala? Kasi parang pinalabas mo na ako ang may kasalanan,na ako ang gumawa ng dahilan para ako lang ang masaktan. Parang sa nakikita niyo ako nalang ang palaging may mali" this time tumulo na ang luha ko, worst feeling yung feeling na mas kinampihan pa ng kaibigan mo yung taong di niya kaano-ano kesa sayo
"Nagkakamali ka kynn,wala akong kinampihan sainyo. Pareho kayong may maling dalawa. Mali ang taong mahal mo,at mali ka rin kasi magmahal ka na nga lang, sa lalaking hindi mo pa nakita sa personal. Ang point ko kasi dito kynn is. Wag mo naman sanang gawing tanga ang sarili mo, oo na,mahal mo na siya,pero kailangan mo ding magmove-on dahil hindi lang naman siya ang tanging lalaking dadating sa buhay mo. May lalaki pang dadating sa buhay mo. Yung kayang gawin ang lahat mapasaya ka lang,yung tipong hindi ka niya iiwan at sasaktan,yung lalaking magpapadama sayo kung gaano ka niya kamahal at kahalaga sa pinapakitang actions niya. Wag mong hayaan kynn na magbago ang sarili mo dahil sa pagmamahal mo, wag mong hayaan ang sarili mo na maging mahina. Isipin mo laging nandito parin kaming mga kaibigan mo sa likod mo. Na kahit anong mangyari nananatili parin kaming nasa likod mo" sabi niya at tuluyan ng umalis sa harap ko. Bigla akong napaupo sa sahig,di ko alam ang gagawin ko. Nalilito na ako :(
***
#December 2,2017
BINABASA MO ANG
It's Started With A NearGroup
Short StoryAng NearGroup ay isang sikat na apps ngayon. Isa siyang apps sa messenger kung saan makakachat ka ng mga taong hindi mo kakilala. Yung tipong ginagawang libangan ng mga kabataan ngayon. Makakachat mo yung mga taong nasa iba't-ibang lugar Pero? sinon...