~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Don't depend too much on anyone :(Everyone changes when they meet new people
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kynn Pov:
Ang bilis-bilis ng panahon,parang kailan lang grade 9 pa ako. Ngayon grade 10 na ako. Ang gaan-gaan lang sa feeling kasi next year Senior High School na ako. Finally! Malalampasan ko na din ang apat na taong paghihirap ko dito sa Junior High School
But at the same time mamimiss ko yung mga taong naging bahagi ng High School days ko. Mamimiss ko yung mga taong laging nandyan para saakin. Yung mga kaibigan kong totoo at may malasakit saakin. Yung mga kaibigan kong pinupuri ako pag nakatalikod ako,hindi yung tipong kaibigan na kapag nakatalikod ako sinisiraan ang pagkatao ko. I'm so thankful to have them sa high school days ko
And about sa feelings ko kay kelvin?. Wala na,as in hindi ko na siya gusto. Ewan ko basta nagising nalang ako na isang araw hindi ko na siya mahal,hindi ko na hinahanap-hanap ang presensiya niya. Siguro puppy love lang yung nararamdaman ko sa kanya, and about sa ex ko? Hindi na rin ako masyadong apektado pag marinig ko yung pangalan niya. Parang normal na sa pandinig ko yung pangalan niya. Hindi kagaya dati na kapag marinig ko lang ang pangalan niya,nasasaktan at naluluha ako. Thankful ako sa nangyaring debate kuno namin ni crisha,dahil sa mga sinasabi niya natauhan ako. Dahil sa sinabi niya nasabi ko nalang sa sarili ko na 'bakit ko ba iniiyakan ang mga taong hindi naman ako binigyan ng halaga? Bakit ko ba pinagpilitan ang sarili ko sa kanya,kung ayaw naman talaga niya' at oo,nakatulong saakin ang mga pinagsasabi ni crisha saakin last year, dahil sa words of wisdom niya natauhan ako. Aaminin ko, ang hirap talagang magmove-on. Yung tipong maisip mo nalang na maglaslas kasi doon isang sakit lang ang mararamdaman mo,hindi yung ganito? Paulit-ulit nalang,nakakasawa na. Itinuon ko nalang sa pagaaral ang atensyon ko,para sa ganun maging proud naman saakin ang pamilya ko at hindi na nila ako ikukumpara sa ate ko
About naman sa ugali ko,hindi ko alam pero parang nakasanayan ko na talagang maging manhater. Gustuhin ko mang makipagkaibigan sa mga lalaki pero tutol sa desisyon ko ang puso't-isip ko. Yung tipong pag may lalapit saaking lalaki parang may sariling isip ang katawan ko at pinagsasapak at sinusungitan ko ang lalaking iyon.
Nandito na kaming magkakaibigan sa labas ng gate,sabay naming titingnan ang names namin sa bulletin board. Okay lang kung wala akong lovelife,as long as kasama ko ang mga totoong kaibigan ko masaya na ako. At sana lang talaga classmate parin kaming magkakaibigan
Naniniwala kasi ako sa kasabihang 'pag makakita na ng bagong kaibigan ang mga taong malalapit sayo,makakalimutan na nila ang pinagsamahan niyo' natatakot ako :(. Na baka isang araw, makita ko na silang may bagong kasama samantalang ako nag-iisa habang tinatanaw silang masaya. Na baka mawala nalang ng parang bula ang pinagsasamahan namin sa sampung buwan.
"Girls? Wait lang,may sasabihin lang ako,okay? Pag sakaling hindi tayo maging magkakaklase,promise natin sa isa't-isa na walang iwanan, na dapat kahit hindi na tayo pareho ng section palagi parin tayong magbobonding at magkasamang umuwi. Dapat hindi mawawala ang closeness natin sa isa't-isa, okay? Pinky promise?" Sabi ni crisha sa harap namin, at bahagya pang itinaas ang little finger niya. Gumaya din sila sa ginawa ni crisha samantalang ako itinaas ko naman yung middle finger ko atsaka ikinawit namin ang mga daliri namin sa little finger ni crisha
"Bad girl ka talaga,kynn"
"As usual"
Mga komento nila at bahagya pa akong binatukan, babatukan din sana ako ni crisha nung magsalita ako
"Subukan mong idapo ang kamay mo sa ulo ko,kung ayaw mong puputulin ko isa-isa ang mga daliri mo" walang emosyon kong sabi at nilaro-laro ko yung cutter na dala-dala ko lagi. Nakita ko namang nagulat sila pareho sa ginawa ko
"Eto naman,hindi naman kita babatukan eh, aayusin ko lang ang bangs mo kasi natatakpan na ang mata mo, ang ganda-ganda mo talaga bessywap,kaya love na love kita eh,hihihi" natatarantang sabi niya at inayos niya nga talaga ang bangs ko. Nung inalis na niya ang kamay niya sa mukha ko saka ko pa hinipan ang bangs ko na nakatabon sa mata ko. Nang mawala na ang tensyon na namamagitan sa grupo namin saka pa nagsalita si Jomarie
"Promise yan ha? Walang iwanan" sabi niya and we do a group hug
We are in the middle of the hall way when we did a promise not to left each other
***
#december 2,2017
BINABASA MO ANG
It's Started With A NearGroup
Cerita PendekAng NearGroup ay isang sikat na apps ngayon. Isa siyang apps sa messenger kung saan makakachat ka ng mga taong hindi mo kakilala. Yung tipong ginagawang libangan ng mga kabataan ngayon. Makakachat mo yung mga taong nasa iba't-ibang lugar Pero? sinon...