~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Once you find new people,Never forget your old ones
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~Kynn Pov:
Classmate parin kami ni kelvin pero kahit isang hapdi o kirot man sa puso ko ay wala akong naramdaman. Para bang normal lang saakin na makita siya, para bang kahit panandalian hindi siya naging bahagi ng puso ko
Napagdesisyunan naming magkakaibigan na sabay kaming magrerecess, matapos magbell ay nakita ko àng mga kaibigan ko na nag-aabang saakin sa labas ng pinto ng room namin. Nginitian nila ako pareho pero tinanguan ko lang sila. Sabay kaming pumunta sa canteen at nag-order ng makakain pagkatapos naman naming mag-order ay naghanap kami ng mauupuan. Paglapag pa lang ng pagkain namin sa table ay kanya-kanya silang labas ng cellphone. Hindi ko nalang sila pinansin at patuloy parin sa pagkain. 20 mins lang ang recess namin at mahigit limang minuto na kami pero hindi parin nila ginalaw ang kanilang pagkain. Hindi ko nalang sila ulit pinansin at nagpatuloy pa rin ako sa pagkain
May biglang lumapit sa akin! Di ako nagkakamali ay parang grade 8 pa ito. Lalaki siya at tansya ko ay may gagawin itong masama o di kaya'y mang-aasar. Tiningnan ko ang I.D niya ' Kenneth Ronda'. Minsan ko na rin siyang nakita sa guidance noong grade 9 pa ako. Hindi ko lang alam kung ano ang atraso niya kung bakit suki siya sa guidance. Tiningnan ko lang siya pero ngisi-ngisi siya
"Kain pa taba, para tumaba lalo yung boobs mo. HAHAHAHA ang laki ng boobs,parang baboy na bagong anak HAHAHHA" malakas na sabi niya kaya narinig sa kabilang table at sa malalapit ng table namin. Di ko nalang siya pinansin. Akma kung sisipsipin yung juice ko pero inagaw niya yun mula saakin at itinapon sa pagmumukha ko. Sa sobrang inis ko dahil para akong basang sisiw ngayon nagsisitawanan yung mga tao sa canteen. Tawa din ng tawa ang batang nasa harap ko, ang akala niya ay famous na siya pag ginawa niya yun
"Bakit mo ginawa yun" tanong ko sakanya na nakakunot ang noo
"Boring eh,ang tahimik ng paligid gusto ko yung lahat ay nagtatawanan, at dahil trip kita, kaya ayan na HAHAHHA masaya ba? HAHAHA" tawang tawa siya pati nà yung buong canteen
"Eh kung isaboy ko sayo tung spaghetti na hinawàkan ko, mas lalo kayang sasaya? Hmmm" parang nag-iisip ko kunong sabi saka ngumisi, nakita ko sa mukha niya na paunti-unting nawala ang tawa niya at napalitan yun ng kaba
"Subukan mo lang dahil hindi kita hahayaang maka--" hindi niya natapos ang sasabihin niya nung tuluyan kong ibinuhos sa kanya ang spaghetti na hawak-hawak ko
"Bakit mo ginawa yun?" Galit na sigaw niya saàkin na ngayon ay puno ng spaghetti ang ulo niya at kumalat yun pababa sa damit niya
"Wala lang, ang ingay mo kasi eh, dada ka ng dada para kang bakla. Diba sabi mo gusto mo na tumatawa ang lahat. Oh, see? Pinagtatawanan ka rin ng lahat?. Kung ano ang ginawa mo saakin, ay higit pa dun ang gagawin ko sayo. Nagkakaintindihan ba tayo?" Sabi ko at umalis sa canteen, dumiretso ako sa locker para magbihis. Tiningnan ko ang likod ko pero hindi sumunod saakin ang mga kaibigan ko. Napabuntong hininga nalang ako at nagbihis na. Buti may extra ako sa loob ng locker kung wala ay di ko na alam ang gagawin ko
Bumalik ako sa canteen kasi naiwan ko pala ang cellphone ko pero pagdating ko doon ay nakita ko ang mga kaibigan ko na may kasamang bagong transfery dahil ngayon ko palang din ito nakita. Hayyysss pumunta ako sa gawi nila para kunin ang binabalikan ko, malungkot màn dahil hindi nila ako sinundan pero di ko pinahalata sa kanila na nalulungkot ako
Tsk. Ano ba kynn? Hindi sa lahat ng oras pagtutuunan ka ng pansin ng mga kaibigan mo. May sarili din silang mundo, hindi lang ikaw ang kaibigan nila marami pa silang makilala na bagong mga kaibigan.
***
2/11/18
BINABASA MO ANG
It's Started With A NearGroup
Short StoryAng NearGroup ay isang sikat na apps ngayon. Isa siyang apps sa messenger kung saan makakachat ka ng mga taong hindi mo kakilala. Yung tipong ginagawang libangan ng mga kabataan ngayon. Makakachat mo yung mga taong nasa iba't-ibang lugar Pero? sinon...