~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
It hurts but it's okay,Because we cannot force someone to feel the same as we feel for them
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kynn Pov:
Hindi ko naman alam na may masasaktan din pala pag magkaganito ako. Hindi ko alam na may masasaktan palang importanteng tao saakin pag nakikita akong nasasaktan din. All this time hindi ko inisip ang kapakanan ng mga taong nandito lagi sa tabi ko. All this time sarili ko lang din pala ang iniisip ko not knowing na may mga kaibigan pa pala akong laging nasa likod ko. Na meron pa pala akong mga kaibigan na handa akong tulungan makabangon lang ako. Bakit ba ang selfish ko? Bakit ba sarili ko lang ang iniisip ko? Bakit hindi ko inisip na may nagmamalasakit din pala saakin? Ang tanging naisip ko lang noon ay wala maski isa na umintindi at nagmamalasakit saakin, ang tanging naisip ko lang noon ay wala maski isang nagmamahal saakin gaya ng pagmamahal ko sa kanila.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa cr. Pagdating ko doon agad akong nanghilamos para hindi halatang umiyak ako at namumula ang mga mata ko. Tumingin muna ako sa salamin atsaka pinagmasdan ang sarili ko, namumula parin ang mga mata ko pero hindi na gaya kanina.
Lumabas na ako sa CR at nagulat nalang ako sa nakita ko. I don't know kung anong nangyari saakin pero naninikip ang dibdib ko and the same time kumikirot ito. Wala naman sanang dahilan para magkaganito ang puso ko pero base sa nakita ko ngayon,alam ko na ang dahilan ng pagkirot nito. Kahit hindi ko man aminin alam ko sa sarili ko na may pagtingin na ako sakanya. Nagsimula sa pagsalo ng testpaper namin nauwi sa hinahanap-hanap ko na yung presensiya niya
Parang nagulat din si kelvin at narizza dahil hindi nila inaasahang nakita ko sila. Hindi nila inaasahang nakita ko silang naghalikan. Wala naman sana akong karapatan na masaktan diba? Kasi wala namang kami ni kelvin at hindi niya alam ang nararamdaman ko sakanya. Pero bakit ganito? Bakit mas dumoble ang sakit na nararamdaman ko nung nakita kong naghalikan sila kesa sa ex kung niloko ako?. Hindi ba ako deserve na magmahal? Bakit ba kasi pag nagmahal ako,sakit lang ang dulot saakin nito?
Grade 9 palang kami pero bakit ganun? Bakit kailangan sa public area pa sila maghahalikan? Not knowing na baka may makakita sa kanila at dadalhin sila sa guidance?.
"Ahh sorry,hehehe ipagpatuloy niyo lang yan" sabi ko at nameke ng ngiti. Umalis ako sa harap nila at doon na nagsimulang tumulo ang luha ko. Parang kailan lang iyak ako ng iyak nung niloko ako ng ex ko. Pero ngayon umiiyak parin ako,hindi na dahil sa ex ko. Kundi dahil sa bagong crush ko
Nasan na yung pagiging manhater ko? Nasan na yung pagiging bitter ko? Nasan na yun? Tangina gusto ko ng bumalik sa dating ako na manhater para kahit ganun ay hindi na ako masaktan pa. Gusto kung bumalik sa dating ako na matigas pa sa bato ang puso ko at walang sinuman ang may kakayahang magpalambot nito. Gusto ko ng bumalik sa dating ako na wala man maski isang may kakayahang gumiba sa haliging nakabalot sa katawan ko. Sa haliging imposibleng may makakagiba nun
May mga bagay din kasing hindi para saatin. Yung tipong pinagtagpo lang pero hindi itinadhana
"Hi kynn" biglang sabi saakin ng schoolmate ko at inakbayan pa ako
"Tangina alisin mo ang kamay mo sa balikat ko kung ayaw mong umuwing balbado" walang emosyong sabi ko sa kanya at agad naman niyang inalis ang kamay niya galing sa pag-akbay saakin
"Wew,sungit naman nito" narinig kong sabi niya atsaka siya nawala sa landas ko. Napagiisipan ko na hindi na ako magmahal. Kasi sa tuwing magmahal ako wala lang namang ibang naidulot ang pagmamahal na yan kundi saktan ako. Napagisipan ko na mas mabuting ipagpatuloy ko nalang ang nasimulan ko.
Pumunta ako sa garden sa school at may nakita akong swing sa may ilalim ng puno. Tumakbo ako papunta doon atsaka naupo. Pagkaupong-pagkaupo ko ay saka naman lumandas ang mga luha ko. Umiyak ako ng umiyak. Masakit na nga dahil niloko ako ng ex ko,mas dumoble pa ang sakit nung nakita kong may kahalikan ang taong gusto ko. Hayysss hanggang kailan kaya ako iiyak? Hanggang kailan kaya mawala tung sakit sa dibdib ko? Nakakapagod na kasing umiyak eh :(. Yung tipong kahit gaano mo pa papalakasin ang loob mo na huwag umiyak,marinig mo lang ang pangalan niya,nagsisipatakan na ang mga luha mo
May bigla akong naisip. Tiningnan ko pa ang paligid baka may makakita saakin. At nung mapagtanto kung ang tahi-tahimik ng paligid ay sumigaw ako. Sumigaw ako para kahit sa ganitong paraan maibsan ang sakit sa dibdib ko at sumigaw ako para mailabas ko ang sama ng loob ko.
"FROM NOW ON,HINDI NA AKO MAGMAMAHAL. HINDI NA AKO IIYAK NANG DAHIL SA PAG-IBIG NA YAN,HINDI NA AKO MAGIGING MAHINA PAG NASASAKTAN AKO. PINAPANGAKO KO SA SARILI KO NA HULING IYAK AT SAKIT NALANG ITO. HINDING-HINDI NA AKO MAGMAMAHAL KONG IIYAK LANG NAMAN AKO" sigaw ko sa kawalan at napahagulhol nalang. Hinding-hindi na talaga ako iiyak,pangako ko yan sa sarili ko
I was so broken that time,but no one came to make me feel better
***
#december 2,2017
BINABASA MO ANG
It's Started With A NearGroup
Short StoryAng NearGroup ay isang sikat na apps ngayon. Isa siyang apps sa messenger kung saan makakachat ka ng mga taong hindi mo kakilala. Yung tipong ginagawang libangan ng mga kabataan ngayon. Makakachat mo yung mga taong nasa iba't-ibang lugar Pero? sinon...