~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
'Think before you say something,Because your words can kill someone's happiness'
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kynn Pov:
Ang bilis ng panahon. First Periodical test na namin ngayon. Hayyss parang kailan lang first day of school pa. Pero ngayon First Periodical Test na namin.
"Get one and pass" sabi ni ma'am doon sa harap at agad naman iyong pinasa ng mga classmate ko. Nang matapos na si ma'am sa pagdistribute ng testpaper may bigla siyang inanounce. At dahil nga nasa bandang likuran ako,hindi ko nalang siya pinansin
"Kulang yung testpaper natin class,kaya pagpasensiyahan niyo nalang kung may kashare kayo ng testpaper" sabi ni ma'am. At sinabi na niya ang dapat magshare ng testpaper
"Kelvin, share kayo ng testpaper ni Kynndria" sabi ni ma'am habang tinuro pa ang upuan ko. "Julie? Forward ka iinsert ni kelvin ang upuan niya sa tabi ni kynndria" at dahil nga sipsip ang classmate ko edi nagforward agad siya wew. Pati ba naman sa testpaper may kashare ako? Hanggang kailan ko ba mararamdaman na ako lang? Na ako lang ang may pakinabang sakanya? Lol!
Ininsert na ni kelvin ang upuan niya sa tabi ko. Dahil nga ayaw ko sa mga lalaki ramdam na ramdan ko nanamang nakabusangot ang kilay ko.
"Tsk,letter C ang answer sa number 1. Equation psh" sabi ko. Di ko alam kung bakit ko sinabi yun bigla lang kasing lumabas yun sa bibig ko. Siguro gusto ko lang ishare ang nalalaman ko
"Sure kang letter C?" Paninigurado niya,sapakin ko kaya ito? Nang malaman niyang seryoso talaga ako? 'Siya lang naman yung hindi seryoso sa aming dalawa :( '
"Kung ayaw mo edi wag,pakipot ka pa" sabi ko sa kanya. Kagaya ko dati. Nagpapakipot pa ako na sagutin siya pero in the end ako lang pala yung hindi makakamove-on saaming dalawa
Natapos ang kalahating araw na ito hindi ko na siya kinausap pa. Nandito parin kasi yung feeling na inis na inis parin ako sa mga lalaki. Hindi ko alam kung kailan mawala tung pagiging manhater ko. Pero sa palagay ko,hinding-hindi ko na maalis ang ganitong ugali ko lalo na't nakasanayan ko na ganito talaga ang ugaling pinapakita ko
Isang linggo ang lumipas nung may kashare ako sa testpaper. Isang linggo na ang lumipas pero wala akong narinig na thank you galing sa kanya,dahil sa pagturo ko sa kanya ng answer sa number 1.
"Kynn oh? Si kelvin? Palagi akong binubully" sumbong saakin ni jomarie. At dahil nga mabait ako ngayon at naiinis ako kay kelvin dahil hindi siya nagpasalamat saakin, kinumpronta ko siya at nilabanan ang kaibigan ko. 'Siya lang naman yung hindi lumaban sa relasyon namin eh, yung feeling na pinaglaban mo siya pero balewala lang yun para sakanya?' Lol.
"Hoyy,bakit mo ba siya binubully ha? Siguro may gusto ka sa kanya noh? Siguro nagpapansin ka sa kanya kaya gumawa ka ng paraan para mapansin ka niya. Maraming paraan para mapansin ka niya,pero wag naman sa paraang alam mong nasasaktan na siya" sabi ko sakanya pero hindi ako pinansin. Nakakainis, para lang siya yung lakaking mahal ko. Kahit anong pagpapansin ko,umuwi lang akong ang bigat-bigat na ng puso ko. Wew lang
***
#December 2,2017
BINABASA MO ANG
It's Started With A NearGroup
Short StoryAng NearGroup ay isang sikat na apps ngayon. Isa siyang apps sa messenger kung saan makakachat ka ng mga taong hindi mo kakilala. Yung tipong ginagawang libangan ng mga kabataan ngayon. Makakachat mo yung mga taong nasa iba't-ibang lugar Pero? sinon...