"Ma'am! Ma'am!" Sunod-sunod na katok sa pinto ang nagpagising kay Julie mula sa mahimbing niyang tulog. Agad siyang tumayo at kinuha ang robe sa gilid at isinuot ito. Humihikab pa siya habang tinatahak ang pinto. Dahan dahan niya itong binuksan at nakita ang tagapag-alaga ng anak
"Emily? Bakit?"
"Ma'am, si Soleil po!"
Agad na nagising ang diwa ni Julie at tinakbo ang kwarto ng anak. Kinakabahan siya at baka inatake ito ng sakit nitong hika. Pagpasok niya ay nadatnan niya si Soleil na balut na balot ng comforter at nakakunot ang noo habang nakapikit. Dali-dali niya itong nilapitan at hinipo ang noo. Medyo may kataasan ang temperature nito.
"Anak!" Alalang sabi ni Julie nang mapaso siya sa init ng bata.
Nagmulat ng malamlam na mata ang bata. "It hurts.. Nanay.. Head ko.. It hurts..." Humihikbi nang sabi nito.
Nabahala na si Julie sa sinabi ng anak. "We'll go to the hospital. Magbibihis lang si Nanay, ha?" Nagmamadaling bumalik sa kwarto si Julie at nag-ayos ng sarili at nagbihis nang madalian.
Muli siyang bumalik sa kwarto ng anak at kinarga ito. Humarap siya sa yaya ng bata. "Emy, maiwan ka muna dito sa bahay. Tatawag nalang ako kapag may problema."
Nagmamadali namang tumango ang kasambahay dahil naga-alala na rin sa alaga.
Dali-dali nang bumaba ng bahay si Julie at pumunta sa garahe nang maalalang wala nga pala doon ang sasakyan niya. Tatawag nalang sana siya ng taxi nang may pumaradang itim na kotse sa harap niya at ibinaba ang bintana nito.
"Julie?! Anong nangyayari?!" Alalang tanong ng tao sa loob ng sasakyan.
"Si Soleil..." Nanginginig na sabi ni Julie. "Elmo... Help us..."
Nagmamadaling bumaba si Elmo sa sasakyan niya at ikinuha si Soleil kay Julie. Isinakay niya ito sa back seat at doon na rin umupo si Julie.
Muli siyang bumalik sa driver's seat at tinahak na ang daan papuntang ospita nang may nanginginig na kamay.
"Nurse! Nurse!" Tawag pansin ni Elmo nang makarating na sila sa ospital. Karga karga niya ang bata habang si Julie naman ay nasa tabi niya at umiiyak na. Namumutla na kasi ang anak.
Nagsidatingan naman ang nurse na may dalang stretcher at doon na inihiga si Soleil. Itinakbo na ito sa emergency room habang naiwan naman sina Julie at Elmo sa waiting area na tulala at sobra ang paga-alala.
MAHIGIT sampung minuto na ang nakalipas ngunit hindi pa rin humuhupa sa pagtulo ang luha ni Julie. Nilapitan na ito ni Elmo at niyakap nang mahigpit.
"Shh. She'll be fine." Paga-alo ni Elmo dito at hinaplos ang buhok.
Hindi naman makapagsalita si Julie dahil sa nanginginig pa rin ang katawan maging ang bibig niya.
Maya-maya pa ay lumabas na ang doktor at sinabing kailangang i-admit si Soleil dahil napagalamang may dengue ito. Sinabi na ng doktor na inilipat na ito sa private room at puntahan nalang nila ito doon.
Wala sa sariling naglalakad si Julie patungo sa kwarto kaya inalalayan na siya ni Elmo.
"T..this is my fault. Hindi ko siya nabantayan ng maayos." Humihikbing sabi ni Julie.
Hinigpitan ni Elmo ang hawak niya sa kamay ni Julie. "No, don't say that. Magiging okay rin ang lahat."
Nang marating na nila ang kwarto ay mas lalong humigpit ang hawak ni Elmo sa kamay ni Julie. Si Elmo na rin ang nagbukas ng pinto. Nadatnan nila ang natutulog na Soleil habang may IV na nakaturok sa kamay nito.

BINABASA MO ANG
Rough Skies (JuliElmo)
Fanfiction"I have ruined a life. I know she's out there somewhere, her face is screaming innocence yet still holding herself culpable for everything..."