ILANG araw na ang lumipas at hindi na muling nagkita pa ang magkaibigan. Lubos ang lungkot ni Julie pero lagi namang nandiyan si Elmo para aluin siya. Madalas na rin itong nasa bahay nila at pinagsisilbihan silang mag-ina.
"Nay, should I call Tatay Elmo Tito Elmo na lang?" Nakakunot noong sabi ni Soleil sa ina.
"Tito? I though you want to call him Tatay?" Ani Julie.
"Yes, but..." Hindi maituloy ni Soleil ang sasabihin, bagkus ay nagbaba ng tingin.
"Don't you like him anymore, baby?"
"Of..of course I like him, Nanay. He's very kind and he takes care of me. But wouldn't my real Tatay be mad if he learned that I'm calling someone else 'Tatay' too?"
Hindi naman agad nakasagot si Julie. Humugot muna siya ng hininga bago hinawakan ang magkabilang braso ng anak. Lumuhod siya para mapantayan ito.
"Soleil, do you want to meet your real Tatay?" Kinakabahang sabi ni Julie.
"Huh—uhm, is he back from overseas?"
"P..parang ganun na nga. Do you want to see him?"
Dahan dahan namang tumango ang bata. Matagal na tinitigan ni Julie ang anak bago halikan ng mariin ang noo nito.
"You know what, ever since you were a baby, I have given you the things that you need and wanted. I thought that was enough. But I realized that even if I am giving you my everything, you still wouldn't be complete without him. Soleil, I will let you meet your Tatay. Pero kung ano man ang makikita mo mamaya, sana 'wag magbago ang tingin mo sa kanya, okay?"
"Y..yes, Nanay."
Hinawakan na ni Julie nang mahigpit ang kamay ng anak bago niya ito binuhat at saka na umalis ng bahay.
"Nanay, why are we on prison? I'm scared, Nanay. There are many bad guys here!" Mahigpit na hinawakan ni Soleil ang kamay ng ina habang pinipilit nang hilain si Julie palayo sa lugar na 'yon. Hinarap ni Julie ang anak.
"But your Tatay is here."
Inosente siyang tinignan ng bata. "Is he a policeman?"
Malungkot na ngumiti lang si Julie at hinimas ang ulo ng anak bago na ito ipinasok doon.
"Soleil, do you see that guy?" Tinuro ni Julie ang isang lalaking nakahiga sa papag at nakatakip ang braso nito sa mukha, marahil ay natutulog, na nasa loob ng selda.
"Yeah. Why po?"
"H..he's your Tatay..."
Kita ni Soleil kung paano tumulo ang mga luha ni Julie at ginamit niya ang kaniyang maliit na bisig para doon ito aluin.
"Why are you crying, Nanay?" Tanong ng bata, at nang hindi nakakuha ng sagot ay muling sumulyap si Soleil sa lalaking nasa loob ng selda.
"He's not my Tatay."
Napatingin sa kaniya si Julie. "Wh—what are you saying, anak?"
"He's not my Tatay." Muling ulit ng bata.
TINUNGO ni Elmo ang kumpanya nina Maqui. Nais na niyang makipag-ayos sa kapatid dahil nalalapit nalang rin ang kaarawan nito.
Pagdating niya doon ay may ka-meeting pa ito kung kaya't pinapasok lang siya ng sekretarya ng kapatid sa opisina nito at doon naghintay.
Sa naunang minutong nandoon siya ay kinalikot lang niya ang cellphone niya at nang magsawa ay nag-ikot siya sa silid. Pumunta siya sa table ni Maqui at nakitang may tatlong frames doon. Ang isa ay ang picture nilang pamilya, ang isa naman ay si Maqui kasama ang nobyo nito, at ang isa naman ay sina Julie, Soleil at, Maqui. Magka-akbay sina Julie at Maqui habang nakapasan si Soleil sa likod ni Maqui. Hindi niya napigilang hindi ngumiti at saka pa hinaplos ang litrato.
![](https://img.wattpad.com/cover/73801818-288-k376727.jpg)
BINABASA MO ANG
Rough Skies (JuliElmo)
Фанфик"I have ruined a life. I know she's out there somewhere, her face is screaming innocence yet still holding herself culpable for everything..."